Paunawa: Hindi po sa akin ang Shaman King, hindi ko rin po ito ginagawa para kumita ako… bakit ko ito ginagawa? Kasi masaya! Yun lang… wakekeke

Ito na ang susunod na kabanata… nawa'y magustuhan niyo para masaya tayong lahat…

WAKEKEKE!

-----------------------------------------------------------------------------------------

Kabanata 16

Malungkot pa rin si Pirika hanggang ngayon marahil dahil imbes na dumami ang kanyang naging kakilala ay mas umonti. Ang dumami ay an mga taong naaasar sa kanya.

"Tignan mo yang babaeng yan…" bulong ni Isang babae nang sumakay ito sa jeep.

"Di ba yan yung singer? Ang pangit naman pala sa personal." Sagot ng kausap nito.

"Oo nga ang kapal pa ng mukha. Siya na nga ang binigyan ng magandang trabaho."

"Balita ko… nakipaglandian lang daw dun kay Ren… yung kapatid ng manager niya kaya sinipa paalis."

"Ibig sabihin palabas lang niya yung pagwawalkout na yun?"

"Malamang… siguro naawa na lang si Miss Jun sa kanya."

"Ang kapal talaga." Bulungan ng dalawa.

Naaasar na si Pirika, kahit na ba ang ingay-ingay ng paligid ay puro iyon na lang ang naririnig niya. Para bang nanahimik muna ang mundo para lang marinig niya ang tsismisan ng dalawang tsismosa.

Humigpit ang hawak ni Pirika sa tuwalya at sasabihan na sana niya ang dalawa nang may pumigil sa kanyang gagawin…

"Lola." Bulong ni Piri nang makita ang suki na matanda.

"Asan na yung binata dati? Ang gwapo pa naman niya, bagay kayo." Wika nito.

Namula si Pirika.

"Lola… ano kasi… hindi po kasi siya pwedeng magmaneho." Wika ni Pirika, ayaw naman niyang saktan ang matanda kaya iyon na lang ang sinabi niya.

"Ganon ba… sayang talaga… sigurado pag kayo ang nagkatuluyan ang gaganda at ang kikisig ng inyong mga anak. Matutuwa ang mga magulang mo." Sambit pa nito.

"Lola talaga. San po ba kayo pupunta?"

"Sa sementeryo lang hija. May dadalawin ako." Sagot nito.

Natahimik sandali si Pirika at tinulungan nang sumakay ang matanda.

Ang sementeryo ay malapit lang sa terminal ng jeep na susunod na titigilan nila Pirika at Horohoro kaya naman.

"Kuya," tawag ni Pirika na nakaupo sa tabi ni Horo sa jeep na ngayon ay umaandar na.

"Bakit? May nang-asar nanaman sa iyo?" tanong ni Horohoro habang nakatingin nang masama sa dalwang tsismosa sa likod.

Umiling naman si Pirika at nangiti.

"Magpapaalam lang ako."

"Bakit? San ka pupunta?" tanong ng lalaki habang paliko sila.

"Sasamahan ko lang si Lola sa sementeryo. Iiwas muna ako sa mga tao mamaya sa terminal atsaka gusto ko ring samahan si Lola eh." Paliwanag nito.

Hindi muna sumagot si Horohoro nang sandali.

"Sige, kung gusto mo. Basta mag-iingat kayo ah."

Nangiti si Pirika sa tuwa.

"Salamat kuya, ang bait mo talaga."

"BOLA! Ilibre mo na lang ako bilang kapalit."

"Kupal."

At natawa na lang ang binata.

-------------

Nakarating na rin sila sa terminal kung saan nagpaalam muna si Pirika at ang matanda.

Linakad lang nila ang madumi at mabatong daan patungo sa sementeryo.

Luma na ang sementeryo halos ang ibang lapida ay nabura na nga ang pangalan. Onti lang ang mga tao nang araw na iyon, tamang-tama para sa pagtakas ni Pirika.

Nanguna ang matanda patungo sa libingan na pupuntahan niya. May dalang bulaklak at kandila ang matanda na kabibili lang nito sa pasukan ng sementeryo.

Nang makarating na sila doon tahimik lang ang dalaga habang nagdadasal ang matanda.

Ilang minuto pa ng katahimikan ang bumalot sa dalawa.

Nang matapos na ang matanda nagdadasal pa rin si Pirika.

Pinagmasdan muna ng matanda si Pirika at natuwa sa kagandahan ng bata.

Minulat na rin ni Pirika ang kanyang mga mata at nagtataka kung bakit nakatitig sa kanya ang matanda.

"Bakit po? May problema?" tanong nito.

"Wala naman. Ang ganda mo lang kasi." Napatingin ang matanda sa lapida ng kanyang yumaong minamahal, "ganyan rin kami ng asawa ko dati. Alam mo ba nung kabataan ko maganda rin ang boses ko? Mayaman ako noon at siya naman ay hamak na magbubukid lamang kaya hindi pumayag ang aming mga magulang sa aming realsyon." Kwento ng matanda.

"Ano pong ginawa niyo?" tanong ni Pirika na mukhang interesado.

"Nagtanan kami. Mahal kasi namin ang isa't-isa kaya okay lang." natatawang wika ng matanda. Nagulat naman si PIrika dahil hindi niya inaakala iyon.

"Nagulat ka ba?"

Napatungo lang ang dalaga.

"Minsan talaga hindi mo masasabi kung sino talaga ang isang tao sa unang tingin. May mga bagay na hindi mo muna maaring sabihin hangga't hindi mo nakikilala ng husto ang isang tao. Kaya ka nagkamali sa pagkakilala mo sa akin ay nahusgahan mo na ako agad." Wika ng matanda.

Napangiti lang si Pirika sa tuwa,

"Tama ka nga po." Sagot nito, "marahil hindi naman po talaga ako kilala ng mga taong iyon kaya dapat hindi ko sila pansinin lalo na kapag alam kong mali sila."

"Tama hija." Sambit ng matanda.

-----------------

Sa mansion naman ng Tao, kumakain na ng hapunan ang dalawang magkapatid.

"Kamusta na ang trabaho natin?" tanong ni Jun.

Hindi umimik si Ren bagkus kumain lang ito nang tahimik.

Napaubo si Jun.

"E yung mga kaibigan mo? Balita ko nakabalik na raw si Lyserg."

"Magpapakasal na si Lyserg sa sunod na linggo." Maikling sagot ni Ren.

"Mabuti, e si Hao? Balita ko rin naging kaibigan niyo na siya."

Hindi sumagot si Ren, maya-maya pa binaba na niya ang kanyang kutsara at tinidor.

"Tapos na ako. Matutulog na ako." Wika nito.

"Ren!" napatayong wika ni Jun, "galit ka pa rin ba sa akin?"

"Kalapin mo na lang sa balita. Magaling ka naman sa pagmamanman di ba?" wika ni Ren sabay alis.

"Ren." Napabulong na lang ni Jun.

------------------------------------------------------------------------------------------

Kung nabasa niyo po yung POV ni Pirika sa sneak peek ko… kinalulungkot ko po na sabihin na hindi po iyon lalabas… dahil may nagbura po sa kanya (hmm… ako?) at hindi ko na po maaalala ang saktong wordings… kaya uulitin ko siya mula sa wala… sayang ang ganda pa naman… haay… basta sana po magustuhan niyo po iyon…ending na ata sa susunod eh…

Basta pakiabangan na lang po…

Sana po ay magreview kayo…

Salamat po muli.