DISCLAIMER: di ko pagmamay-ari ang Naruto… Peksman!
AN: Ang kwentong ito ay para kay Redzin. Pre, kakatuwang paglaruan itong si Gaara! So, eto na po... Ang huling chapter ng "Kawawang Gaara"! Enjoy reading ppl!
Paglalahat: Si Gaara, gutom na. Si Gaara, nakakita ng piso. Ang piso, nawala. Ang piso, hinanap. Ang buhay nga naman... umiikot sa piso at kay Gaara...
"Kawawang Gaara"
ANG NAKARAAN:
Napangiti si Gaara... "Mweheheheh... Bakit nga ba hindi kita kainin?", sabi ni Gaara sa pag-aakalang ang isda nga ang nagsalita. Ang hindi niya alam ay si Neji lang iyon - nasa itaas ng puno at ikinakabisado ang mga linya niya para sa dulang gaganapin sa peace offering ceremony ng Suna sa Konoha.
"Pero kailangan pa ba akong maglaba bago kita kainin?", napaisip si Gaara.
Muli, narinig niya ang maliit at tila ipit na boses. "Kainin mo 'ko pagkatapos mong maglaba!"
"Okay." tugon ni Gaara. "Pero anong lalabahan ko?"
.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.
ANG KARUGTONG:
Nag-iisip si Gaara... "Ah... Alam ko na!" Napabungisngis siya "BRIEF KO na lang..." Ang totoo, isang taon na niya iyong hindi nilalabahan dahil laging krisis sa tubig ang Suna.
Kinilabutan ang isda sa narinig. Ikaw nga naman ang nakatira sa tubig at lalabhan doon ang brief na hindi pa nilalabhan sa loob ng isang taon... Sinong hindi kikilabutan? Kaya, upang ipaabot kay Gaara ang di pagsang-ayon, kumawagkawag ang isda.
"Maghintay ka!" sigaw ni Gaara sa isda. Dahandahan niyang ibinaba ang kanyang pants, sunod ang boxers... at finally...
"Ano sa tingin mong ginagawa mo?"
Nanigas sa kinatatayuan si Gaara nang marinig ang malalim na boses. Dahandahan siyang lumingon at...
Naroon si Hyuuga Neji, nakatingin sa kahiya-hiya niyang postura.
"Pati ba naman isda pinagnanasaan mo?", tunog nang-iinsulto ang boses ng Hyuuga.
Agad na itinaas ni Gaara ang boxers at pants habang itinatanggi ang bintang ng Hyuuga. "Hindi... Lalabahan ko lang sana ung..."
Napa-smirk si Neji. "Brief mo?" Pinigilan ni Neji ang urge na tumawa sa dahilang, 'Malamang ay narinig niya ang pagpa-practice ko kaya niya naisipang maglaba...' "Kumusta ang dance number ni Kankuro?"
"Huh? E-ewan..." Gustong-gusto na ni Gaarang paliparin si Neji pabalik sa pinanggalingan nito para matuloy na ang kanyang agahan.
"A-anhin mo ba 'yung isda?", curious si Neji. Pero ang dating kay Gaara ay nang-aasar lang siya kaya ayaw pa niyang umalis.
"Kinain ng isdang 'yan ang PISO ko!", sigaw ni Gaara kay Neji na animo'y isang kilometro ang layo ng kausap.
Kaya naman nagpanting ang tainga ni Neji. "Piso!", ang bulong niya habang nakayuko.
Bumakat ang mga ugat sa paligid ng mga mata ni Neji, tanda ng pagkaka-activate ng Byakugan.
"Piso! Piso! Piso!", chant ng mga maliliit na tinig sa loob ng ulo ni Neji. Paulit-ulit niyang naririnig. Nakakarindi. Bunga iyon ng pagkakatrauma niya noong bata pa siya sa mga kapwa batang nanunukso sa kanya dahil hugis piso daw ang mukha niya.
"Piso! Piso! Piso!", patuloy ang kutya ng mga nakaririndi at matitining na boses. Kaya naman lalong nag-init ang ulo ng Hyuuga at ginamit niya ang gentles fist sa isda para mailuwa nito ang piso.
Nang makita ni Gaara na papalabas na ang piso sa bibig ng isda, hindi niya napigilan ang paghanga sa kasama. "Wow! Ayan! Papalabas na!", manghang-mangha si Gaara sa ginawa ni Neji.
Gamit ang kanyang kaliwang kamay, hinawakan niya ang tilapia at tinunton ang kinalalagyan ng piso gamit ang Byakugan. Matapos malaman ang kinaruroonan ng piso, ginamit niya ang kanyang bagong technique sa isda.
"Sinok-no-jutsu!"
Parang pwede nang pumasok ang dalawang kalabaw at isang langaw sa bibig ni Gaara sa sobrang pagkamangha!
"hik!", sininok ang isda, which caused the barya to make silip sa bibig ng isda.
"Ayan na!", lalong humanga si Gaara sa Hyuuga. Pero mukhang natakot ang barya dahil sa sigaw ni Gaara. Muli itong umatras patungo sa tiyan ng isda.
Tiningnan siya ng masama ng Hyuuga. "Ang ingay mo kasi!", he snapped. Scowl lang si Gaara na sinagot naman niya ng "Shut up, will you! Para matapos na 'to!" Tango lang si Gaara. Para tahimik daw.
Isa pa. "Sinok-no-jutsu!"
"hik!", Sumilip uli ang barya sa bibig ng isda. Pero mahiyain yata talaga ang baryang iyon dahil nagtago rin agad.
Again. "Sinok-no-jutsu!"
"hik!", silip uli, tapos tago.
Ubos na ang pasensya ni Neji. 'Arg! Inaasar ako nitong isdang ito!' At sa sobrang galit niya ay binirahan niya ang isda ng sunod-sunod na:
"Sinok-no-jutsu!"
"Sinok-no-jutsu!"
"Sinok-no-jutsu!"
"Sinok-no-jutsu!"
"Sinok-no-jutsu!"
"Sinok-no-jutsu!"
At finally, "Sin-ok-no-ju-tsu..."... Sa wakas ay naubusan rin ng Chakra ang Hyuuga. At ang tilapia na may lahing palos ay lupaypay na. Parang isdang bilasa na binebenta sa talipapa.
"hik!", At sa wakas ay nagbunga ang kanyang hirap.
"YEHEY! PISO ko!", sigaw ni Gaara habang pupulutin na sana ang nasabing barya. Pero naunahan siya ng mabibilis na kamay ni... "HYUUGA! Ibalik mo ang piso ko!", galit na sigaw ni Gaara.
Tinitigan ni Neji ang piso. Sariwa pa sa kaniya ang mga alaala ng lumipas...
"Piso! Piso! Piso!", at nagsimula nanaman ang mga mumunting tinig na nangungutya sa kanyang isipan. "Piso! Piso! Piso!" ... "Piso! Piso! Piso!" ... "Piso! Piso! Piso!" ... "Piso! Piso! Piso!"
"Tama na!" sigaw ni Neji to no one in particular. Hinawakan niya ng mahigpit ang baryang pinipilit agawin ng taga Suna. "Ito...", galit niyang diniinan ang hawak sa barya, "Ito ang bagay dito!", at ibinato ni Hyuuga sa kawalan ang sinumpang bagay na nagpapaalala ng nakaraan.
BAM!
Malamang pag-gising niya ay wala na siyang maalala. Kahit na pa ang nakaraan na sa kanya'y nagmumulto. Dahil sinapak siya si Gaara sa sobrang inis nito sa pagtapon sa piso niya. Agad na tumakbo si Gaara sa gubat para hanapin ang nasabing piso, leaving Neji's bloody form behind. Pero tuloy pa rin ang practice para sa peace offering ceremony kahit wala siyang malay... "uh-ainin o ko pgkataps mo mglaba..."
... SA GUBAT ...
"Ang laki laki ng kagubatan ng Konoha. Saang sulok naman kaya naibato ng siraulong Hyuuga na iyon ang Piso ko?", bulong ni Gaara sa sarili.
"Eto ba ang hinahanap mo?"
Tumingala si Gaara sa pinanggagalingan ng boses. Si Kin Tsuchi. Tinitigan lang siya ng masama ni Gaara. Talagang gutom na ang may mapulang buhok at wala siyang panahon para makipaglaro pa kay sa babaeng ninja. Pero parang wala na rin siya sa wastong pag-iisip sa sobrang gutom kaya...
"Hoy! Babaeng mukhang mangkukulam! Ibalik mo sa akin ang piso ko!", sigaw ni Gaara mula sa ibaba.
Ngiti si Kin. At nang aasar pang sinabing, "Sa. Isang. Kundisyon!"
"Ano?" Galit na tugon ni Gaara. Kung may lakas lang talaga siya, kanina pa niya pinatay, kinatay, pinirapiraso at niluray-luray ang babae na nakatayo sa sanga ng puno.
"Simple!", exclaim ni Kin, "Ihanap mo nang ibang dance partner ang kapatid mo! Wala ata akong balak mapahiya sa ceremony noh! Yung kapatid mo kasi, parehong kanan ang paa!"
Hindi masisi ni Gaara si Kin. "Sige, akin na ang piso ko!"
At sa wakas ay nagkasama nang muli si Gaara at ang kanyang piso.
"Uhm, ano nga bang bibilhin ko kanina?", ponder ni Gaara, "Ah! Pan de coco!"
Tumakbo si Gaara sa pinakamalapit na bakery. "Ale, isang pan de coco po!"
"Ha, pasensya na, binili nang lahat ni Choji eh...", sagot ng ale.
Nawalan ng pag-asa si Gaara. Pero may bigla siyang naalala, "Spanish bread nalang!"
"Ubos na rin..."
"Kahit ano, basta piso!", sigaw ng desperadong si Gaara.
"Ay, ubos na... puro 1.25 pesos pataas na ang paninda namin...", mahinahong sabi ng babae, suot ang plastic na ngiti. "Subukan mong mag YES corn, meron dyan oh, sa kabilang tindahan..."
At lulugolugong tinungo ni Gaara ang kabilang tindahan.
"Good morning!", bati ng magandang tindera.
'Congratulations, Gaara! Umaga pa! Agahan pa 'to!', sarkastikong bati ni Gaara sa sarili. "Yes corn nga..."
"HAHAHAHAHAH..."
"..." Parang gustong lumabas ng ugat sa ulo ni Gaara. 'Bakit siya tumatawa?'
"MWAHAHAHAHAHAH...HAHAHAHAHAH...", tawa pa rin ng tindera...
"..." Parang puputok na ang ugat...
"HEHEHEHEHEH-HEHEHE... HEHEHEH", lol ng tindera
Eto na! Sasabog na talaga! 3...2...1...
"Ano bang problema sa sinabi ko!", sigaw ni Gaara sa tindera. Biglang natahimik ang tindera. "ANO!", pananakot ni Gaara gamit ang kanyang killer look.
nag-shiver ang tindera bago sabihing, "Last month pa kasi nagsara ang factory na gumagawa ng YES corn kaya wala nang tinda ang mga tindahan dito..."
"ANO!", hindi makapaniwala si Gaara sa sinabi ng tindera. Bakas sa mukha niya na parang malapit nang gumuho ang mundo... At sa sobrang pagkaSHOCK, hinmatay si Gaara...
Gumulong ang piso sa daan. Isang pares ng maliliit na sapatos ang huminto sa harap nito att pinulot ang barya.
"Piso, kanino kaya ito?", tanong ni Konohamaru sa sarili. "Baka hulog ng langit..." Agad siyang tumakbo patungo sa katabi ng tindahang binilhan ni Gaara.
"Miss, may YES corn pa po kayo?", tanong ng bata.
"Oo naman! Kabibili ko lang kahapon dahil nagbukas na uli ang factory!", anang tindera.
At nakabili ng YES corn si Konohamaru gamit ang piso ni Gaara.
Nang magkamalay si Gaara, makita niyang dumaraan si Konohamaru. May dalang YES corn ang bata. "PST!", tawag ni Gaara sa bata. "Saan ka nakabili niyan?"
At itinuro ni Konohamaru ang tindahan na katabi ng tindahang binilihan ni Gaara. "Sa wakas, makaka-agahan na ako! WAHAHAHAHAH!", sabi ni Gaara sa sarili.
"Ah, Piso ko? Nasan na ang piso ko?" x.x
"PISO KOOOOOOO!"
-----------
Tapos na!
Sa nagsabing hindi na piso ang
pan de coco at pan de sal at spanish bread... 'tol, piso pa rin! Kaso
mga one fifth nalang ng original size c",)
Salamat
sa kapatid ko sa idea ng brief... kaya ako natagalan dahil hindi ko
alam kung anong lalabahan ni Gaara.
... parang gusto kong gumawa ng Kawawang Sasuke... Review kayo! Para malaman ko kung gusto ninyong kawawain rin natin ang mayabang na genious kuno!
-Hunter Kai
