Story 2: Sa Loob ng Imburnal

Humaripas ng pagtakbo ang ating Swordie papunta sa "Chivalry" upang makapagregister sa "Culvert Sidequest". Makalipas pa ng ilang sandali, ay winarp na siya ng guide sa pasukan ng Culvert sa kanlurang bahagi ng Prontera. Nakita niya ang Kafra at agad na nagsave ang ating adbenturistang binata. Pagkatapos, lumapit siya sa guard na nagbabantay sa pasukan. Sumagot ng isang masigasig na "oo" ang Swordie kaya ito nakapasok.

Bitbit ang kanyang panibagong sandata na plus7 katana, agad niyang pinatulan ang mga thief bugs, spores at iba pang mga surot sa level one ng Culvert (lalo na yung mga epal na familiar). Umabot na siya sa level 19 kaya napag-isipan niyang umusad sa level 2 ng nasabing imburnal. Kahit na may konting pag-aalinlangan, ay pinasok niya ang butas papasok. Pagpasok niya, ay nakita niyang nakalatay ang sangkatutak na mga thief bugs at mga tarou. Gamit ang plus7 katana ay agad niyang sinugod ang isang thief bug na babae (dehins pa niya alam na babae eh). sa kanyang pakikibaka ay natanong niya sa sarili niya: "thief bug ba talaga yung napatay ko? Bat anlaki?"

Sinugod pa niya ang isang thief bug na malaki (eh talagang di pa niya alam yung gender porket int. niya ay 7), at sa kasawiang-palad, umepal ang 4 na ibapang thief bugs na babae at sinugod siya. Malapit na siyang ma KO nang bigla na lang:

"GRIMTOOTH!!!!" at napatay nito ang 2 sa mga FTB.

"MAGNUM BREAK!!!!" at nasunog ng buhay ang mga natirang ipis sa paligid...

Malaki ang pasasalamat ni Claude sa 2 nang biglang:

"Bobo!!! Ang gusto mong mangyari sa buhay mo!?! Instant kill!?" sabi ng Knight

"Hay naku kuya... pabayaan mo na..." maamong pag-aawat ng assassin

"Sori na po... /sry" ang pagsisising sagot ni Claude.

"Hay naku... dumadami na ang mga tanga sa Midgard oo" painis na sagot ng Knight kay Claude.

"Ehehehehe... pasensya ka na sa ugali ni kuya..." pakalmang sinabi ng assassin. 'kung ako sa yo, pumunta ka sa Geffen at may sangkatutak kang makikilala dun."

"Pasensya na. Teka, ano nga ba pangalan nyo?" tanong ni Claude.

"Ako nga pala si d'Black $2lerâ„¢ (Black) at etong kuya kong mainitin ang ulo ay si Dragon Master (D.M.)" sagot ng assassin.

"Sige. Punta na kong Geffen. Salamat ule a." Pamamaalam ni Claude.

Gumamit si Claude ng isang Butterfly wing (na binigay sa kanya noong nanlilimos pa siya bilang isang novice) at nakabalik na siya sa labas ng Culvert.Tulad ng sinabi ni Black ay dumiretso na si Claude sa Geffen. Panibagong sakit ng katawan nanaman eto para sa ating bida, ngunit wala ito sa kanya sapagkat di nya nararamdaman ang sakit dahil sa umabot na siya sa job 14, at namaster na niya ang HP- Recovery at level 2 na ang kanyang One- Handed Sword Mastery. Ipinagatuloy na niya ulit ang kanyang paglalakbay pakanluran sa Geffen, ang Bayan ng Mahika.