Story 3: Ang Mage, ang Merchy at ang Geffen

Tatlong araw na ang lumipas nang sinimulan niya ang paglalakbay patungong Geffen. Umabot na siya sa level 24 at umasenso na rin siya sa kanyang "fighting style". Ang job level ay umabot na sa 17 at tila tinago na muna niya ang plus 7 katana para sa kanyang upgraded na plus 7 Blade. (kala nyo falchion no?) ang dating lv. 2 na One-Handed Sword Mastery ay ngayon ay level 5 na!

Anyway, labas na ang dila ni Claude nang nakapasok siya sa bayan ng Geffen, ang Bayan ng Mahika. Naaawa na ang ilang mga players sa kanyang parang gusgusin na itsura. Ang kanyang nakataling buhok ay unti-unting lumulugay, halos wasak-wasak na ang suot niyang Adventurer's Suit, butas na sa daliri sa paa ang suot nyang sandals, at basta, mukha na siyang squatter! Hihimatayin na siya nang bigla na lang "bragadagabog!" May sumagasa sa kanyang isang merchant na babae.

"ARAY NAMAN!!! MAKAKAPATAY KA SA GINAGAWA MO!!!" Sumbat ni Claude sa Merchy.

"Sori pow! Di kita nakita!!!" pasintabi ng merchy!

"Anong sori-sori!? E halos durugin mo buong katawan ko sa kariton mo eh!!!" Lalong painis na sagot ni Claude.

"SORI NGA EH!!!!!" Sagot ng merchant habang i-minamonite niya si Claude. (Aray ko pow!, Masakit yon...)

"AHHHHHHHH!!!!!!! ANONG GINAWA KOOOOOO!!!!!!!" Sigaw ng babaeng merchant habang tinitignan ang lasog-lasog na katawan ng kawawang swordie.

"Dalhin mo siya sa bahay ko." Sabi ng isang mage na nakakita sa nangyari.

"Ok... Sana wala pa siyang malay hanggang ngayon..." Ang pasasalamat ng Merchant habang inilalagay ang walang malay na si Claude sa kanyang kariton.

Makalipas ang anim na oras at unti-unting magkamalay na ang swordie. Nagulat siya sa nakitang kwarto na puros mga burloloy ng isang mage. Bumaba siya ng kwarto at napaupo siya sa sala ng bahay. Nakita niya ang Mage at ang Merchy na nagmamonite sa kanya.

"IKAW?!?!?" Hiyaw ni Claude nabang nagulat siya sa merchy.

"AHHH!!!" Saka sinampal ang swordie na bagong gising lamang!

"nakakailan ka na ba sa akin kang merchy ka... HA?????" Sabi ni Claude.

"OPS, walang mag-aaway..." pasintabi ng Mage. "O sige... pagbibigyan kita ngayon... pero babawi rin ako sa yo!" Pakalmang pagpapatawad ni Claude sa merchy.

"Salamat!!!!" Masayang reply ng Merchant habang hindi sinasadyang nasapak ang mukha ni Claude.

"Aba talagang!" Galit na sumbat ni Claude.

"Ahehe. Masaya na naman ang gabi ko!" Patawang nagsalita ang kanikaninang tahimik na mage.

At nagsitawanan na ang tatlo habang nagluluto ang Mage para sa kanyang mga bisita. Nag-usap ang tatlo hanggang sa magmadaling-araw na sa bayan. Ngunit...

"ano nga ba pangalan nyo? Di ko natanong eh... hehehe..." Tanong ng mage

"Ano ba yan... matagal na tayong nag-uusap, tapos di pa natin kilala ang isa't isa?" patawang sinagot ng swordie. "Ako nga pala si claudekenni. Claude na lang para short"

"Ako nga pala si Zoulweign Fraexine (pronounced as Francine). Freaxine for short" Ang masigasig na sagot ng merchant.

"Well, ako naman si Sorlac. Nice meeting you." Sagot ng Mage na may inaantok na ngiti. "pano kaya kung magparty tayo? At least sasaya ang araw ko. Sawa na ko ditto sa Geffen. Kung pwede lang..." pasunod niyang bati.

"sige ba!!!!" sagot ng dalawa.

Natulog na ang tatlo ng mahimbing. Pinalamig ni Sorlac ang paligid ng kwarto gamit ang "cold bolt" na inasinta niya sa Air-con ng kwarto. At pinainit nya naman ang mga kumot gamit ang level 1 na "fire bolt".

The next day, naglakad sina Claude at Sorlac patungo sa Armory, habang si Fraexine ay abala sa plaza kabebenta ng mga "reds at fly wings". Lumipas ang tatlong oras at nagkita ang tatlo sa harapan ng Geffen Tower. Nagkwentuhan ang tatlo nang bilang may nagsisimula ng komosyon sa bandang kaliwa ng tore. Pinuntahan nila ito at nakita nila si GM SKARAY!

"People, may special event ngayon ang mga GM para sa inyo!" pabati ni Skaray. "lahat kayo ay inaanyayahang sumali sa Hat Quest! Kumulekta lang kayo ng mga cards at ibibigay naming sa inyo ang mga headgear na bagay sa inyo kaya simulan nyo na ang paghahanap!" Masigasig na pagbabalita ni Skaray sa mga players.

"Uy, ayos yon!!! Tara! Sali tayo!" sabi ni Sorlac

"Sige ba!!!" excited na pag-aanyaya ni Fraexine! "lets go!!! Para magka majestic goathorns na ko!!!" Pasigaw na satog ni Claude sa mga pagmamakaawa ng dalawa!

At lumakbay na ang tatlo pabalik sa Prontera. Bakit? Abangan sa story 4.