Story 4: Ako ay Isang Aco

Nakabalik na ang tatlo sa Prontera. Bagama't umuulan ng bahagya sa bayan ay tumuloy pa rin ang tatlo sa paglalakad papunta sa Inn. Nagulat sila ng pagpasok nila'y sumalubong ang sangkatutak na mga players na nagkakagulo sa kaisa-isang Acolyte na halos hindi na nakapagpahinga sa sobrang dami ng mga humihingi sa kanya ng tulong. Naawa ang tatlo sa sitwasyon na kinatatayuan ngayon ng Aco kaya...

Sorlac: Eh kung tulungan natin yung bata... nakakaawa naman siya eh.

Claude: Paano?

Fraexine: eh di magbenta tayo ng reds para sulit. Menos gastos sa kanya, kikita pa tayo.
/heh

Claude: /gg oo nga no... OK guys, let's go!!!

Sorlac: Nice one! Tatawag na ko ng mga players!

Fraexine: sige! Gagawa na ako ng bentahan malapit sa hagdanan! Go Go Go!!!

Claude: /gg

Fraexine: o Claude, ano iniisip mo?

Claude: A eh wala... wala to... /pif Tutulungan ko na si Sorlac at baka mapasubo pa siya
sa PVP ng di oras!

At sinimulan na nga nila ang pagtulong. Kinukuha nina Claude at Sorlac ang atensyon ng ilan sa mga players upang bumili kay Fraexine ng mga reds. Maya-maya, ay pinakiusapan ng Merchy si Claude na bumili pa ng mga reds. Nahalata ng tatlo na lumuluwag na ang kanina'y napakahabang pila sa acolyte, at mukhang nakakapagpahinga na ang bata. Makalipas ang isang oras...

Acolyte: (lumalapit sa tatlo) Um... Salamat a... Sa pagtulong nyo sa akin...

Sorlac: A eh, wala yun. Kawawa ka naman at kailangan mo pang magpahinga... Hindi mo ba namamalayan at nauubusan ka na ng SP?

Acolyte: Hindi po.

Claude: o heto. Inumin mo ito (iniabot ang Honey na nakuha nya sa hornet). Samahan
Mo kami ditto, kung ayos lang sa yo?

Acolyte: ay thank you po. /thx (ininom ang honey at nakiupo siya). Ako nga pala si
Enlightened. Kayo po? Fraexine: Zoulweign Fraexine ang pangalan ko. Fraexine na lang twag mo sa akin.

Sorlac: Ako si Sorlac, isang level 20 na mage.

Claude: claudekenni naman ako. Claude for short.

Enlightened: Ako na lang ang magbabayad sa renta sa kwarto. Bukas kasi ay babalik ako
sa Church para sa pakiusap ng tatlong Pari.

Claude: um, ayos lang ba kung sasama kami sa iyo?

Enlightened: Sige po!

Fraexine: o siya, gabi na... Basang-basa pa tayo ng ulan. Kailangang magpatuyo ng
damit! Tara na sa kwarto!

Sorlac: Mabyti pa kaya...

Umakyat na ang apat sa nirentang kwarto at nagpatuyo na sila ng damit, nagpahinga, at natulog. The next day, dumiretso na ang apat papunta sa Church ng Prontera. Habang naglalakad, ay may nakita silang mga players na nagkakagulo. Naki-usyoso sila sa mga tao at may nakita silang mga Mages at Wizards na nagpapakitang-gilas sa main Plaza!

Mga Merchant: Oi! Wag kayong magpasikat ditto at naglalat kami! Bwiset!

Wizard: Wala ka na roon! Kami ang mga nakakatakot na mga nilalang sa balat ng Midgard! Kami ang mga...

Wizards: Mga "E-fals!!!" /gg (with matching pose from power rangers!)

Mga Mercants: /? /...

Claude: anong klaseng posing yan? /...

Enlightened: /...

Fraexine: /?

Sorlac: /heh mukha kayong mga rockers sa mga suot nyong geek glasses! /heh

Lahat: /heh /heh /heh

Wizard: Tumahimik kayo! Palibhasa mga mahihina pa kayo!!! Boys, gawin na natin to!!!

Gagawin na sana nila ang pag-cast ng mga hi-level spells nang biglang nagkaroon sila ng mga red marks sa itaas ng kanilang mga ulo. Nagulantang sila ng Makita nila si GM CUTIE na di nia namalayan sapagkat nakihalo siya sa grupo ng mga tao.

Cutie: Gawin nyo lang yan sa Bayan ko at tatapusin ko kayo sa PVP!

Natakot ang mga Wizards kaya napilitan silang mag log-out, at hindi sila makakapag log-in pansamantala sa kadahilanang na-ban ang mga players na iyon. Si GM CUTIE ay tinuloy na ang pakikipag-chikahan sa mga mages at mga huntress na nasa gitna ng plaza. Nakita nito ang apat na naglalakad habang nakikipag chismisan ito sa isang huntress. May halong pagtataka at pag-aalinlangan ang tingin ni CUTIE.

Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na ang grupo ni Claude sa church. Pinakiusapan sila ni Enlightened na hintayin na lamang siya sa labas ng Church ng ilang sandali, at pumasok na rin ang batang Acolyte. Ano kaya ang pakay ng tatlong pari at si Enlightened lang ang tinawag nito? At bakit hindi dinaanan ni Claude ang Kafrang laging nakangiti? Abangan sa story 5.