Story 5: Pangangamba at Pagkagising
Kabadong-kabado ang ating munting Acolyte na si Enlightened habang naglalakad sa hallway ng simbahan. Hindi niya matanggal sa kanyang isip kung bakit sa pagkarami-rami ng mga Acolyte sa Prontera, ay siya pa ang napili ng tatlong pari. Lalong sumisikip ang pakiramdam niya nang nakaharap na niya ang pintuan ng gitnang chapel. Pumikit siya at taimtim na nagdasal bago niya binuksan ang pintuan.
Pagbukas na pagbukas ng pintuan ay bumati sa kanya ang mahahabang hilera ng luhuran at mga kandila na naghuhudyat na nasa loob na ang tatlong pari. Tuloy-tuloy lang ang paglakad niya nang biglang may pwersang pumigil sa kanya sa gitna ng center aisle ng chapel. Naramdaman niya ang lakas ng tatlong pari na bumabalot sa buong paligid. Naalala niya na hindi pala nagpapakita basta-basta ang mga pari kaya boses lamang ang maririnig niya. Bumugtong-hininga siya at nagwikang...
Enlightened: Nandito na po ang inyong alagad. Enlightened ang pangalan. Ano po ang
ang maipaglilingkod ko sa inyo?
Unang pari: Enlightened, kaya ka naming pinatawag ay sa kadahilanan na kailangan
namin ang iyong tulong...
Enlightened: Ngunit, bakit po sa lahat-lahat ng mga Acolyte na naninilbihan po dito, ay
ako po ang napili ninyo?
Ikalawang pari: Dahil isa itong mahalagang bagay na tanging ikaw lamang ang
makakalutas. Mahirap ang misyon na igagawad naming sa iyo kaya
kakailanganin mo ang tulong ng ibang mga players. Nakakita na sina
SKARAY at CUTIE ng mga makakasama mo. At sila ang mga taong
Tumulong sa iyo noong nakaraang araw.
Enlightened: ... Ganun po ba?
Ikatlong pari: Handa ka na bang tanggapin ang misyon na ito?
Enlightened: Para sa katahimikan ng Midgard, tinatanggap ko po.
Ikalawang pari: Kung ganon, ito ang iyong misyon. Pumunta kayo sa Comodo, kasama
ang iyong mga kaibigan, at imbestigahin ninyo ang mga pangyayari
doon. May nagbalitang may mga kakaibang mga "events" na nangyayari
doon na wala sa listahan ng admin.
Unang pari: Nangangamba ako at ang buong GM na nangyayari na unti-unti ang di
inaasahang dapat mangyari... kinakabahan ako sa magiging kinabukasan ng
Prontera at ng buong Midgard.
Enlightened: Ako rin po ay may suspetsa na... Pero imposible iyon!
Nagpatuloy ang panayam ni Enlightened sa loob ng chapel. Samantala, sa labas ng simbahan ay patuloy ang paghihintay ng tatlo kay Enlightened. Si Claude ay nakikipaglaro ng yo-yo kay Sorlac habang si Fraexine ay tumayo ng store para magkapera ang grupo. Maya-maya ay nakapulot si Claude ng isang Poporing egg na pinabayaan lang sa daan. Agad siyang naghanap ng isang Pet Merchant at bumili ng isang "Pet Incubator" upang mapisa ang itlog. Nang ginamit na niya ang Incubator, ay lumabas ang isang Poporing!
Claude: /heh yahoo!!! May poporing na ako!!! /heh
Poporing: POPORING!!! POPORING!!! /heh (yehey!!! Yehey!!!)
Fraexine: ang cute naman niyan! Payakap! (niyakap ang POPORING)
Poporing: (blushing) popo... popo...
Sorlac: eh, ako naman! (lumapit sa poporing)
Poporing: ...popo? POPO! (at nilamon ang ulo ni Sorlac)
Sorlac: AHH!!! Di ako makahinga!!!!! (initsa ang poporing pabalik kay Claude)
Claude: (Sinalo ang poporing) wag ka namang ganyan!!! Lam mo naming kakapisa pa lang nito at natatakot pa ito.
Fraexine: kahit na, ang cute niya!!! Teka, poporing, gusto mo ng green herb?
Poporing: POPO!!! (kinain ang green herb!!!) POPORING!!!! /thx
Fraexine: /heh
Nag-eenjoy ang tatlo sa bagong pet ni Claude. Makalipas ang ilang pang sandali ay lumabas na si Enlightened mula sa church at ikinuwento niya ang pinag-usapan nila sa loob. Maya-maya, ang mga masasayang mukha ay unti- unting nagging seryoso... Napag-isipan nilang simulan ang paglalakbay patungong Comodo. Kaya, nag-impake na ang grupo, kinandong ni Claude ang kanyang Poporing sa ulo niya (of which nagustuhan ng poporing), at pumunta sila sa Payon, dahil kailangan nila ng isang "sharpshooter" sa misyong ito. Malampasan kaya nila ang mga panganib na nakahanda sa kanila? Makita pa kaya ni Claude ang Kafrang walang ginawa kundi ngumiti buong araw? Kailan pa kaya magsasalita ang poporing na kasama nila ngayon? Abangan sa story 6.
