Story 6: Ruiko at ang Payon Forest
Dalawang araw na ang lumipas mula ng umalis sila galing Prontera. Ngayon, sila ay naglalakbay patimog-silangan papunta sa Archer Village, Payon. Inabutan na ang grupo ng takip silim sa gitna ng kagubatan. Naghanda sila ng maliit na kampo upang masilungan sa gabi.
Poporing: popo... (kain) popo... (kumakain pa rin) popo...
Claude: sarap ng kain natin a! (hinihimas ang poporing) sige kain lang.
Fraexine: uy Claude, baka sumabog yan kakakain.
Claude: dalawang green herb lang naman yan.
Sorlac: kahit na... teka lang... FIRE BALL! (nagningas pa ng kahoy)
Fraexine: bakit ba tayo pupunta ng Payon?
Enlightened: oo nga pala... bakit nga ba?
Claude: may pupuntahan tayong isang matalik na kaibigan ko.
Enlightened: siya ba yung kababata mo na kinukwento mo sa daan?
Claude: yep! Siya nga yun. Hmm... nakatulog na yung poporing natin. (kinuha ang poporing). Gayahin na rin natin siya. Magpahinga na rin tayo.
Sorlac: Buti naman at naisipan nyo rin! Pagod na ko kaka Fire Ball!
Fraexine: oo nga! Tara! Matulog na tayo!
Enlightened: mabuti pa nga. Sige, good night people!
Claude: Good night! (yakap ang poporing)
Poporing: popo... popo... zzz...
Natulog na ang apat at hinayaan na nilang magningai ang mga kahoy hanggang sa maubos ito. Mahimbing, at tila walang problemang nagpalipas ng gabi ang grupo... nang maubos na ang apoy mula sa mga panggatong, sumabay na ang pagkapal ng dilim, na tanging ang buwan lamang ang ilaw. Nagising ng pansamantala ang Poporing ni Claude at kinabahan ito nang may nakita itong nga mata na nakatingin sa kanila. Ginising agad ng Poporing sina Claude at ang iba pa (kinain ulit nito ang ulo ni Sorlac kasi hirap na siyang gisingin ang Mage). Naalerto sila agad ng makitang 40 na snakes ang nakapalibot sa kanila! Susugurin na sila ng mga snakes nang biglang may lumitaw na isang arrow na saktong tumama sa ulo ng snake! Napatingin sa itaas ang grupo at nakita nila ang isang Archer na napatingin sa kinatatayuan ng grupo. Naglabs ito ng sangkatutak na arrows at agad tinira ito sa mga ahas.
Claude: (nakatingin sa archer) Arrow Shower?... Hindi kaya...
Archer: ano pa hinihintay ninyo!? Sugurin nyo na yang mga yan!!!
Fraexine: it's show time!!! MAMONITE! (minassacre nito ang 6 sa mga snakes)
Sorlac: THUNDER STORM!!! (at kinidlatan nito ang 12 sa mga ahas)
Claude: lapit mga ahas... MAGNUM BREAK!!! (at pinasabugan nito ang 10 sa mga ahas!)
Enlightened: (casting) HEAL!!! HEAL!!! HEAL!!!
Archer: Double Strafe!!! (pinatay nito ang huling ahas!)
Natapos rin ang pagsusugod ng mga snakes. Bumaba ang archer na kanina'y walang inatupag kundi mag-cliff snipe mula sa isang mataas na tuktok. Nagpasalamat sila sa batang archer na may bitbit na "lunatic" na pae nito. Si Claude ay napatahimik ng bahagya na tila may naaalala... Naalala nito ang sinabi sa kanya ng kanyang kaibigan: "Kung magkikita pa tayo, asahan mong may Arrow Shower na akong technique para sa yo!" napapaluha na ang swordie sa tuwa dahil nagkita na sila ulit ng kababata niya!
Claude: Ru... Rui... Ruiko? Kaw ba yan??
Ruiko: ... Kuya... Claude...? ... IKAW NGA KUYA CLAUDE!!!!!
Claude: (niyakap at ginulo ang buhok) MUSTA KA NA!!!?
Ruiko: Kuya... eh... wag ang buhok ko kuya!!!
Fraexine: magkakilala kayo?
Claude: oo. Ay, siya nga pala! Siya si Ruiko! Kababata ko!
Ruiko: hi!
Enlightened: hi. Ako nga pala si Enlightened
Fraexine: Zoulweign Fraexine ang pangalan ko
Sorlac: Sorlac naman dito! Nice to meet you!
Nagkaroon ng reunion ang matalik na magkaibigan sa gitna ng madilim na gubat. Sinundan ng apat (actually lima, kasama yung Poporing) si Ruiko patungong Archer village. Nakatulog na muli ang kanina'y takot na takot na Poporing sa ulo ni Claude. Nahihirapan na si Fraexine na umakyat dahil sa hila-hila nitong kariton. Tahimik na nagdadasal naman si Enlightened habang naglalakad, at si Sorlac ay pinupunasan ang kanyang mukha dahil kinain na naman ang kanyang ulo ng Poporing ni Claude. Dahan-dahan na umakyat ang mga adbenturista patungo sa malalaking pintuan ng Payon, at maya-maya ay nakapasok na sila sa lupain ng mga mamamana.
Ngayon na nagkita na sina Claude at Ruiko, ano ang gagawin nila dito sa Payon? May interes bang kumuha ng impormasyon ang mga bata sa mga tao ukol sa mga nangyayari sa Comodo? May makikilala ba si Claude na mga bagong Kafra Girls na walang ginawa kundi ngumiti buong maghapon, magdamag? At ano ang kuneho na nasa ulo ni Ruiko? Abangan sa Story 7.