Story 7: Imbestigasyon at Ala-ala
Nakarating na sa wakes ang lima sa Payon. Nagpalipas sila ng gabi sa bahay ni Ruiko. Hinanda ng archer ang mga kama sa kwarto habang nagpapahinga ang iba sa sala. Makalipas ang ilang sandali ay natulog na sila. Nang simukat ang araw, nagsimula na sila sa paghahanap ng mga "clues" ukol sa mga kaganapan sa "Syudad ng Gabi- Comodo". Si Fraexine ay sinimulan ang paghahanap sa Weapon Shop sa gawing kaliwa ng bayan. Si Sorlac ay nagtatanong sa mga ibang players na nakapunta na sa Comodo. Si Enlightened ay sumama kay Sorlac sa imbestigasyon. Sina Claude at Ruiko ay dumiretso sa itaas ng bayan upang magtanong sa mga hunters at mga wizards na nakarating sa nasabing syudad.
Lumipas ang mga oras ngunit wala silang nakuhang impormasyon. Nagkita- kita ulit sila sa bahay ni Ruiko at pinag-usapan nila ang mga nasagap nila. Mawawalan na sila ng pag-asa nang may nakuha sina Enlightened at Sorlac sa isang assassin ng balita.
Claude: hay buhay... ang hirap maghanap ng mga balita tungkol sa Comodo...
Fraexine: tinatanong ko nga yung mga nasa Weapon Shop, pero ang kukunat ng mga tao.
Ayaw mamigay ng impormasyon! /an
Ruiko: eh, eto ngang si Kuya Claude, nakikipag-flirt sa mga Kafra, pero anong nangyari, sinungitan siya... /pif
Claude: ang tataray nga ng mga Kafra dito. Palibhasa singkit!-
Ruiko: di naman lahat no... kaw naman...
Enlightened: (pumasok) guys! May nasagap akong balita mula sa isang assassin!
Sorlac: /pif /pif Kakapagod naman tong ginagawa naming to! Mantakin mo, hide
ng hide yung assassin bago pa magsalita!
Poporing: POPOPOPORING! (tumalon sa mga kamay ni Enlightened) /heh
Ruiko: luna... gising na...
Lunatic: luna...? /?
Fraexine: babae pala yang kuneho mo?
Ruiko: Hindi to kuneho! Lunatic to! L-U-N-A-T-I-C! at oo! Babae sya! Ano ngayon!
Fraexine: whatever... Ang sungit mo naman!
Claude: /hmm well, anyway, anong sabi ng assassin sa inyo?
Enlightened: (hawak-hawak ang poporing) Sabi sa amin nung assassin na yon ay, may
mga kaganapan ngang nangyayari dun sa Comodo. Sabi pa nito,
isang "Dark Lord" ang namamahala na raw sa lugar na iyon. Sinubukan na niyang
labanan ang dark lord pero...
Ruiko: Pero?
Sorlac: Pero wala siyang nagawa dahil may mga alalay daw itong mga edited na mga players. Nanghihina na siya kaya tumakas siya gamit ang isang b-wing (butterfly wing). At ayun nagpapahinga siya ngayon dito sa Payon.
Fraexine: By any chance, nakuha nyo ang pangalan ng assassin?
Enlightened: oo. Ang pangalan niya ay "Fu'un"
Ruiko: ... /! Fu'un ba kamo?
Enlightened: oo. Bakit? Kilala mo siya?
Ruiko: ... ah... eh... Wala... kalimutan mo na yon...
Claude: edited characters? ... (hawak ang plus7 blade) delikado nga itong misyon natin...
Ruiko: kailangan nyo ba ng ibang makakasama?
Claude: oo naman. Gusto mo?
Ruiko: syempre!
Fraexine: o ayan! Para sayo! (initsa kay Ruiko ang plus7 Composite bow)
Ruiko: /thx
Enlightened: so ano na ang gagawin natin?
Sorlac: well, pwede tayong pumunta pababa ng Alberta Marina.
Claude: pwede...
Fraexine: tara...
Gumabi na sa Payon. Nakasindi na ang mga lampara sa labas ng bawat tahanan. Ang mga Merchies ay nagsipuntahan na sa Inn upang magpalipas ng gabi. Lumabas si Ruiko ng bahay upang lumanghap ng sariwang hangin. Naglakad siya sa plaza at umupo sa hagdan. Taimtim na iniisip ang assassin ng hindi alam ng iba, na ito pala'y kapatid ng batang Archer. Nilalambing niya ang alagang Lunatic hanggang sa nakatulog na ito. Hindi niya namalayang katabi na pala niya si Claude. Nagulat na lang si Ruiko nang makita nito ang Poporing ng Swordie. Nag-usap ang dalawa ng matagal tungkol sa mga ginagawa nila nitong nakaraang sampung taon. Tuwang-tuwa ang dalawa at nagkita na sila muli. At habang masayang nagkukwentuhan ang dalawa, tinitignan ng assassing si Fu'un ang bunso nitong kapatid. Maya-maya ay umuwi na ang dalawa at nagsipaghanda na ito para sa paglalakbay patungong Alberta.
Umalis na ang grupo sa unang sinag ng araw. Hindi nila alam ang kanilang gagawin sa hinaharap. Ngunit sa mga oras na ito, iisa lamang ang kanilang iniisip... "kailangan nang matupok ang apoy na ito habang maliit pa ang nasusunog nito". Abangan ang mangyayari sa daan sa Story 8.