Story 8: Poring!

Tulad ng sinabi sa nakaraang episode, papunta ang ating mga bida sa Portland ng Alberta Marina. Tuloy-tuloy ang paglalakad nina Claude and company, habang masayang kumakanta ang alagang poporing ng swordie to the tune of "Doraemon". Walang komanto ang lima sapagkat hindi naman ito sintonado kumpara sa ibang wild na poporings.

Habang naglalakad pa rin ang grupo ay biglang napahinto si Fraexine. Wari raw ay nakarinig siya ng sigaw ng isang poring. Hindi masyadong marami ang mga poring sa gitna ng Payon Forest, not unless na tamed na ito. Maya- maya'y nakita nga ni Fraexine ang Poring, na may backpack, tatak na ito ay tamed. Ngunit, wala itong kasamang master! Hula ng Merchy ay lumayas ito mula sa master nito. Nilapitan niya ang Poring habang naghintay ang iba sa isang tabi.

Nang makita ni Fraexine ang Poring ay naawa ito. Nangangayayat ang dapat na bilog na katawan. Hirap ito dahil sa karga nitong backpack na pinuno ng dati nitong master. At tama nga ang hula niyang lumayas ang Poring mula sa master nito. Agad na pinainom ng 4 na "apple juice" ang poring, at ilang sandali pa ay nakatulog na ang Poring sa pagod.

Bumalik na si Fraexine sa grupo, dala-dala ang Poring sa loob ng kanyang kariton. Inabutan na ang grupo ng alas siyete ng gabi sa gubat, at tulad ng dati ay gumawa sila ng kampo upang may lugar na mapaglilipasan sila.

Fraexine: (hawak ang Poring) kawawa ka namang Poring ka... pinabayaan ka ng master
mo...

Claude: (hawak ang Poporing) oo nga... eh san ka kumuha ng apple juice?

Fraexine: Stock ko ito. Ang kaso, walang bumibili... kaya gagamitin ko na lang to. Total,
may poring na tayong kasama. And, at least may kasama nang kakanta ang
Poporing mo diba? /no1

Claude: sabagay... /heh

Ruiko: ang saya ng magiging adventure natin. Mantakin mo, may Poporing na, may Lunatic na, may Poring pa!

Sorlac: san ka pa?

Poporing: POPO!!!

Lunatic: LUNA!!!

Enlightened: uy, nagigising na yung Poring o!

Poring: poring... poring... (biglang dilat) PORING???

Fraexine: uy, wag kang magulat. Friends mo kami! (nilapitan ang poring)

Poring: po... poring!!!! (nagtago sa kariton)

Fraexine: bakit kaya?

Enlightened: na-traumatize siya

Fraexine: /?

Enlightened: natakot yan kasi siguro, mali ang pagtrato sa kanya ng dating master niya
kaya natatakot siya at baka parehas ang pagtrato mo sa kanya...

Fraexine: (nilapitan ang Poring) wag kang matakot... lika na... giginawin ka diyan...

Poring: (dahan-dahang lumapit kay Fraexine) po...ring... poring! /heh (nagpahawak kay
Fraexine)

Fraexine: yehey! Lumapit na siya sa akin! (niyakap ang Poring)

Poring: (blushing) poring... PORING!!!

Sorlac: elo Poring!

Poring: PORING!!! (kinain ang ulo ni Sorlac)

Sorlac: (pumipiglas sa Poring) AAAHHH!!!! LAGI NALANG!!!

Lahat: ahehehehehehehehehehehehe!!!

Natulog na ang grupo makalipas ang ilang oras. Yakap-yakap ng Merchy ang bagong kaibigang Poring sa kanyang piling. Lingid sa kaalaman ng lahat, matagal na nyang gustong magkaporing. Mula sa novice days niya, ay lagi niyang gustong ay poring sa tabi niya. At ngayon ma nay Poring na siya, wala nang mas sasaya pa sa kanya.

Da next day, pinagpatuloy na ng gang ang paglalakbay patimog. At ayon sa sinabi ni Fraexine noong nakaraang gabi, parehas na kumakanta ang Poring niya at ang Poporing ni Claude, parehas na nasa ulo nila at tila synchronize pa ang pagkanta ng dalawa ng "Doraemon". Ang Poporing ang kumakanta ng melody, habang second voice ang Poring ni Fraexine. Ilang oras pa ang lumipas at nakarating na ang barkada sa Alberta. Ano kaya ang makikita nila dito? Abangan sa Story 9.