Story 9: Ariba Alberta! Turtle Island! Thief!!!

Tuwang-tuwa ang Merchy nang makarating na siya sa Merchant's City, Alberta Marina! Agad siyang tumakbo kasama ang Poring sa ulo niya patungo sa kanyang bahay malapit sa pier kung saan makikita ng malinaw ang malawak na karagatan. At dahil sa ngayon pa lang napunta sina Claude at iba pa, ay sumunod na ito agad kay Fraexine.

Pagdating ni Fraexine sa pintuan ng kanyang bahay ay agad niyang binuksan ang pinto, pumasok, at binuksan ang bintanang nakaharap sa pier. Sumunod ang barkada at nagulat ito sa mga nakita nila. Mga telang gawang- kamay na nakasabit sa mga dingding ng bahay, mga lumang "artifacts" na nahukay noong unang panahon ng Midgard, mga ilang rare items at iba pa. Nagulat si Fraexine dahil bigla na lamang pumasok ang grupo ng di nya man lang naramdaman.

Natuwa at namangha rin ang grupo sa bahay ni Fraexine. Sa sobrang laki nito ay masasabi nila na pwede na rin itong "hidden hideout" kung saka- sakaling may makuha silang ibang mga impormasyon habang nasa syudad sila.

Fraexine: hmm... magkita-kita tayo dito ng alas tres ng hapon, at may ipapakita pa ako sa
inyo. Tiyak magugustuhan nyo ito!

Ruiko: ano ba yon Fraexine?

Fraexine: basta! Maghintay ka na lang!

Ruiko: sinabi mo eh...

Claude: o paano? Alas tres?

Enlightened: Alas tres!

Sorlac: ok na rin yon. Para makahanap ako ng Drops Egg.

At naghiwa-hiwalay na ang tatlo habang nag-eenjoy sa mga sights and sounds of Alberta Marina. Si Fraexine ay pumunta muna sa Merchant's Guild upang magbigay ng impormasyon tungkos sa kanyang status sa Head Master ng Guild. Si Claude ay bumili ng isang pares ng "green pajamas" para sa kanyang Poporing. Si Enlightened ay natutuwa kakapanood ng mga Gypsy Dancers sa gitna ng bayan, at the same time, ay abala sa kakaheal ng mga novice na na-KO. Si Sorlac ay tulad ng sinabi niya kanina, naghanap ng Drops Egg, ngunit sa kasawiang-palad ay nabigo sa paghahanap.

Alas dos y medya na ng hapon nang nagkita na muli ang lima. Umakyat ang grupo sa itaas ng terrace ng bahay ni Fraexine at ipinakita na nito ang sinasabing sorpresa. Lumitaw sa harapan nila ang isang malaking isla kung saan lumulubog ang araw. Nakatitig sila sa isla na tila naeenganyo sa nakikita nito.

Fraexine: ang isla iyan ay tinatawag na Turtle Island.

Sorlac: Turtle Island?

Poring: ring poring ring?

Fraexine: oo Poring. Turtle Island. Dati rati, ay wala iyan sa syudad ng Alberta, ngunit
isang araw, nang paalis na ako bilang isang Merchant, yumanig ang lugar at eto
nga. Lumitaw na itong Islang ito.

Enlightened: Eh bakit naman Turle Island ang tawag diyan?

Fraexine: Well... kasi, hugis pagong ang isla kung titignan ito mula sa itaas...

Claude: oh...

Poporing: po...... poring......

Lunatic: Luna? Lulu luna luna lunatic.

Ruiko: ano? May nararamdaman ka?

Lunatic: luna! (pinakiramdaman uli ang isla) /omg LUNAAAAAAAAA!!!!!!!

Ruiko: bakit luna?

Sorlac: (nagtataka) ngayon ko lang nakitang natatakot lunatic mo a...

Ruiko: ako rin naman a...

Enlightened: Ako rin... may nararamdaman akong malakas na pwerssa na galing sa Isla.

Claude: puntahan kaya natin?

Fraexine: SERYOSO KA BA!? May mga chismis na hindi na bumabalik ng buhay ang
sinumang pumasok sa islang iyan!!!

Claude: ayaw mo non? At least ngayon anim na tayong pupunta don!

Lahat: /?

Claude: (tumalikod) kung sino ka mang nandyan, lumabas ka na lang sa pinagtataguan mo... Pakiusap ko lang sa yo...

Thief: ang lakas din ng aura mo a... naramdaman mo ako habang nakahide ako? Bilib na
ako sa yo!

Sino ba sa akala nito ang thief na ito at basta-basta na lang siyang susulpot sa likod ng mga nananahimik na grupo nina Claude? Abangan sa story 10.