Story 10: Showdown
Naalerto ang grupo nang makita nila ang naghide na Thief. Namangha naman ang mandurukot sa pinakitang talas ng pakiramdam ng level 30 na Swordie. Nilabas ng Thief ang kanyang "stilleto" at sinimulan na ang pagsugod. Nakaiwas agad si Claude sa unang atake ngunit tinamaan siya pagkatapos niyang makaiwas. Tumakbo si Fraexine sa eksena at agad na ginamit ang "Mamonite" sa kaaway ngunit nagmintis ito at na-counter attack siya. Mabilis na nag-cast si Sorlac ng "Frost Diver" at nahuli nito ang Thief. Ginamitan ni Ruiko ng "Double Strafe" ang nagyeyelong kalaban at tinamaan ito ngunit nakawala siya sa patibong ng mage!
Dumistansya ang Thief pagkatapos siyang masugatan ng DS ng Archer. Tinititigan niya ng matalas ang Swordie na parang gusto nitong lumaban ng mano-mano. Tinitigan din ni Claude ang Thief na parang kating-kati na ito para sa isang seryosong PVP (player versus player). Wala pang isang segundo ay nagkrus ang landas ng dalawang patalim mula sa Swordsman at Thief. Tumalon si Claude at ginamit ang "bash" sa kalaban! Bahagyang nasugatan sa balikat ang thief ngunit hindi siya nagpatalo! Agad itong nag double attack sa likod ni Claude na ikinasugat ng Swordie!
Ngumiti si Claude sa kadahilanang namamangha ito sa ipinapakita ng Thief. "Wala pang nakasugat sa akin ng ganon kalubha" wika ni Claude sa sarili niya. "kaya mo pa ba? O hanggang diyan ka nalang?" mayabang na pagtatanong ng Thief. Nanlisik ang mata ng Swordie at agad itong tumakbo patungo sa magnanakaw. Nakaiwas ang Thief sa tangkang paghiwa ni Claude sa kanya. "kala mo lang yon!!!" at agad na sinaksak ni Claude ang lupa at simiklab ang paligid niya at nadamay rin ang Thief sa pagsabog!
"Magnum Break!?!" Gulat na gulat na sagot ng Thief sa pagsugod na ginawa ni Claude. "papatayin mo ba ang sarili mo!?!" wika ng thief. "hinde... gusto ko lang talagang tamaan ka! Ang bilis mong tumakbo eh!" nakangiting sagot ng sugatang si Claude. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng dugo mula sa likod at kanang braso ng Swordie. Tumulo na rin ang dugo ng Thief mula sa kangyang labi. Sinubukang awatin ni Enlightened ang dalawa ngunit pinigilan ito ni Ruiko. "sa kanya ang labang 'to. Walang sinuman ang tutulong sa kanya." Pakalmang sagot ng Archer. "pero mamamatay si Claude sa ginagawa niya!" nagmamakaawang pagkontra ni Fraexine. "pero Fraexine, ang mga Swordie ay may 'sense of pride' kahit hindi natin ito nakikita sa kanya. May gusto siyang patunayan, kaya hayaan na lang natin ito." Wika ng mage na si Sorlac habang nakokonsensyang pinanonood ang madugong labanan.
"TAPOS KA NA!!!" sigaw ng Thief habang tumalon siya patungo kay Claude. Si Claude naman sa kabilang dako ay kinober ang kanyang gamit na plus7 Blade at pumuwesto ito para sa isang pagsugod. "LAGOT KA NA SWORDIE!!!" sabay taga sa Swordsman ngunit... "hehehe... huli ka ngayon... ako naman!" sinalo ng Swordie ang stilleto ng Thief at binigyan niya ng isang "Critical hit" ang Thief. Bumagsak ang Thief sa harapan ni Claude. Humarap ang Swordie sa kanyang mga kaibigan at unting nawalan ito ng balanse sa pagtayo at bumagsay na rin ito sa lupa sa sobrang nawalang dugo sa katawan. Tumakbo ang grupo sa dalawa at dinala nila ito sa loob ng bahay ni Fraexine.
Anim na oras ang lumipas at nagising na rin ang Swordie. Nakapaikot sa kanya ang grupo at ang nag-aalalang pet na poporing. "hi guys... anong oras na..." salita ni Claude sa grupo. "alas nuwebe na ng gabi" sagot ni Sorlac. At nagtawanan sila dahil sa itsura ng Swordie galing sa laban. Para bang natalo ito sa Lotto. Maya-maya ay nagising na rin ang thief. Pumunta silang lahat sa kama ng sugatang thief na hinilom ni Enlightened. "ANONG DAHILAN MO AT SINUGOD MO KAMI NG PATALIKOD!!!" nagwawalang pagtatanong ni Fraexine. "ahh!!! Maawa ka!!! Napag-utusan lang ako!!!" nagmamakaawang wika ng Thief habang sinasakal ito ng Merchy. "napag- utusan?" biglang bitiw sa thief ni Fraexine. "oo.. napag-utusan ako para subukan ang mga kakayahan ninyo." Wika niya habang nakatingin sa poporing na nasa harapan niya. "sino naman ang umutos sa yo?" tanong ni Claude na may maamong mukha. "si GM PRAETOR" sabi ng thief. "ako nga pala si Kuyakadsuki. Kadsuki na lang tawag nyo sa akin" dagdag pa nito.
Ano kaya ang dahilan at pinasugod ni Praetor ang isang matinik na thief sa grupo? Abangan sa Story 11.