Story 11: Ang Kinakatakutan

Natapos ang ating nakaraang kabanata nang nagising si Kadsuki matapos ang madugong pagsubok niya kay Claude at iba pa. Sinabi niya rin na si GM PRAETOR ang nagpadala sa kanya upang subukan kung hanggan saan na ang lakas ng grupo, at ngayon, matutuloy na ang kwento.

"Bakit naman pinadala ka ni PRAETOR???" tanong ni Claude habang gulung-gulo ang isip nito. "Pinadala ako ni PRAETOR para subukan ang kakayahan ninyo. Dahil kayo rin ang makakalutas ng suliranin na sasapitin ng Midgard." Seryosong pagsagot ni Kadsuki habang hinahaplos ang Poporing na nasa harapan niya. "popo..." ang malambing na reply ni Poporing habang hinihimas siya. "natatakot na ang buong admin dahil lumalaganap na ang di karapat-dapat." Sagot ni Kadsuki nang sumagot si Enlightened na "ang unti- unting pagkawasak ng Midgard dahil kay Dark Lord... ito ang orihinal na plano kaya pinadala ako at sabihin na nating kayo upang mapigilan siya..." "anong ibig mong sabihin dun?" pagtatakang tanong ni Fraexine kay Enlightened. "hayaan mo nang ako ang magkwento para sa inyo." Biglang sabi ni Sorlc na kanina pang tahimik.

"Sampung buwan na ang nakaraan nang napigilan ng mga GM ang isang virus na kumakalat sa loob ng Midgard. Isang virus na kung saan ang isang AI ng buong system ay nagsimulang maglaganap ng mga errors sa bawat characters na nahahawaan nito" Kwento ni Sorlac habang gumamit siya ng isang mahika na nagvivisualize ng bawat sinasabi niya. "at ang isa pang sakit ay ang AI na ito ay napapayagan ito na makapasok ang mga edited na characters mula sa isang private server. Isang nagngangalang Dark Lord ang naging promotor ng kaguluhang ito. Naagapan ng mga GM ang virus na galing sa private server at nabura nila ang mga edited na characters." Dagdag ni Sorlac.

"Subalit..." pagpapatuloy ni Enlightened "may mga misteryo na unti-unting nagaganap sa bagong syudad ng Comodo. Tulad na lang ng biglang pagsulpot ng mga wanderer at mga myst sa paligid. At ang lahat ng mga players na pumapasok sa naturang bayan ay hindi na nakakalabas." Kwento ni Enlightened habang nagmumuni-muni ito. "ang masama pa doon ay nabubura ang mga characters na pumapasok sa Comodo!"

"gasp!" ang naturang reaksyon ng lahat habang nakikinig sa kwento ng mage at acolyte. Hindi sila makapaniwala na may ganitong nangyayari sa Midgard. Para bang natatakot na silang ipagpatuloy ang paglalakbay nang matapos nilang marinig ang alamat ng nakaraan. Ngunit, sa gitna ng pagkatakot ng grupo, sinubukan ni Claude na palakasin ang kanilang mga nanghihinang mga kalooban.

"Ano ba naman kayo!?!" Sigaw ni Claude sa grupo. "Simpleng bagay, kinatatakutan ninyo! Kaya nga tayo pinadala ng mga GM or should I say pinakiusapan kasi alam nila na tayo lang ang makakatulong sa kanila! Malay natin, pagkatapos nito, wala na tayong problemang malaki. Kaysa sa naman na masira ang buong Midgard, gawin na natin ang makakaya natin." Ang malakas na panunumbat ni Claude.

"Paano mo malulupig ang isang haliaw na virus na kayang burahin ka sa loob ng isang Segundo, at tha same time burado ang file mo sa buong Midgard!?! Sige nga sagutin mo ako!!!" Ang sigaw ni Fraexine kay Claude habang yakap-yakap ang Poring ng may takot sa kanyang mata.

"Eh di maghahanap tayo ng paraan! Marami nang mga suliranin ang dumating sa ating mga buhay simula pa bago tayo magkakilala! Siguro naman kung nalampasan natin ang problema natin noon, kaya natin gawin uli iyon para sa mga bukas pa na darating!" Pagkontra ni Ruiko sa mga sinabi ni Fraexine habang nanggigigil ang mga kamao sa nalamang katotohanan.

"Tama si Ruiko. Kung kinakailangan sasama ako sa inyo para madagdagan ang lakas ninyo at para hindi kayo mahirapan." Nakangiting sagot ni Kadsuki sa mga nagtatalong mga bata.

"Nag-iisa lang akong naglakbay simula nang umalis si Ruiko at nanirahan siya sa bayan ng Payon. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Kung nagawa ko iyon, kayo din..." pakalmang pakikiusap ni Claude sa grupo.

"Kampi ako kay Kuya Claude. Atsaka, hindi ko matatapos ang misyon ko kung wala siya. Ahehehe" pabirong sagot ni Enlightened.

"Siguro nga ay tama ka dun... o sige, naniniwala na ako sa inyo..." taimtim na sagot ng takot na takot na si Fraexine habang yakap-yakap ang Poring.

Naayos na ang kaguluhan sa bahay makalipas ang ilang oras pa. Kinabukasan, nagsimula na silang mag-impake para sa pag-iimbestiga sa Turtle Island.