Story 12: Intermission, Part 1
(sino-sino ba talaga sila)

Pahinga muna tayo sa paglalakbay at maghanap tayo ng pagkakataon para makilala sila ng lubusan. O siya, sasabihin ko na sa inyo kung sino-sino sila at ano ang silbi nila sa mundo ng Midgard (ang sama naman ng sentence na yun... /hmm). By the way, lahat ng mga characters na sasabihin ko sa inyo ay all existing and nasa Chaos server sila. Si Claude lang ang character ko, and the rest, sa mga barkada ko na! Enjoy reading! PS: ang iba sa kanila ay mga second job na at sayang, hindi pa crusader si Claude dahil wala pang Juno... Grr... kelan ba darating ang Juno server? SAGUTIN NYO NGA AKO!?! (sori... na-carried away ako... hehehe...) wala lang talagang pumapasok sa isip ko ngayon kaya ganito ang Story 12 at 13... sori a...

Unahin natin si Claude. Ang full name niya ay Claude Kenni, although kung gusto nyo siyang makita, eh small caps lahat at may underscore sa gitna ng dalawang pangalan. Isa siyang swordie (swordsman) na residente ng maliit na bayan ng Izlude; isang tahimik na bayan sa south east ng capital city ng Prontera. Violet, at longhaired siya. Kalog, mahilig lumakbay, at kadalasan, lagging nahahagilap ng kaguluhan (siguro, may balat sa... you know where /gg). Ngunit, kahit napapaligiran na siya ng mga ipis, kapre, alimango, kalansay, manok, golems, mga kabuteng nagsasalita, sisiw, ahas, bakulaw, halimaw, at kung anu-ano pang mga nilalang na mga nakakatakot (maliban sa poring, poporing, drops, at marin), lagi niyang inuuna ang mga kaibigan kaysa sa sarili. Siya ang isa sa anim na founder ng fellowship na kung tawagin natin sa kwentong ito ay "the enchantments"(although wala pa akong emperium kaya hindi ko ito mabuo...).

Ang kanyang pakay lamang sa mundong ito ay maging isang Crusader tulad ng kanyang mga iniidolo sa iRO. Mahilig siya sa mga bata, at isip bata, ang resulta, lagi silang nagtatambalan ni Ruiko sa ibang mga adventures on later stories. Nag-eenjoy lagi ang mga kasama ni Claude dahil sa pagiging concerned niya sa kanila. Surely, hindi magkakaroon ng malakas na fronliner ang group kung mawawala si Claude.

Sunod naman natin ang batang archer na si Ruiko. Kung gusto niyo siyang makasama, type capital R, then small letters u, i, k, then Alt 148. sa kwentong ito, siya ang kababata ni Claude sa Izlude. Kaya lang, nang naisipan lumipat ng bahay ang pamilya niya sa Payon, kailangan niyang magpaalam sa kuya na swordie. Si Ruiko ang isa sa dalawang kinikilala ni Claude na "mga bunsong kapatid". Tahimik at simple lang si Ruiko. At tulad ng kanyang kuya Claude, may pagkakalog ang ugali ng munting archer. Minsan naman, ay mahilig lumambing ito sa swordie kung may gusto ito na ipabili o hihingin.

Lingid sa kaalaman ng lahat, nasa ilalim ang kulo ng batang ito. Kahit na ubod ng lambing ang "isip-bata" sa lahat, huwag lang guluhin ang matahimik na pagtulog nito. At gusto ni Ruiko na maging swordsman kaysa sa isang archer, ngunit dahil nalipat sila ng bahay, ay dapat na maging archer na rin siya; of which nagugustuhan na niya rin. Mautak ang makulit nating archer lalo na sa taktika ng "cliff sniping". Palilibutan ng grupo ang mga kalaban sa isang pwesto, at voila! , arrow shower ala king for 6 ang nasa unahan ng menu! Hindi mabubuhay ang grupo kung walang dakilang "sawsaw" sa fellowship.

Ikatlo sa anim na ay ang maangas ngunit patawang si Kuya Kadsuki (opo yun ang pangalan niya, Kuya ang first name niya. Weird no?). anyway, kung gusto niyo siyang makita, eh I-type ang kuya kadsuki in small letters at may underscore sa gitna ng dalawang pangalan (parang kay Claude). Kung sa close combat skills, masasabi natin na equal ang lakas nila ni Claude ngunit sa bilis, ay mas mabilis si Kadsuki kaysa sa sino man sa anim na mga adbenturista. Konti lang ang naalam nila sa mandurukot na ko, pero lagi syang maasahan sa oras ng kagipitan (kaya nga kasama siya, wat da!?!).

So much sa unang tatlo, next is story 13, ang kontinuation!