Story 13: Intermission (Part 2)
In conclusion sa Story 12, eto na ang tatlo pa sa anim na mga bata na naglalakbay sa Midgard para maligtas ang buong sangkatauhan. Well, para hindi na kayo maghintay pa ng matagal, ito na sila:
Unahin na natin ang kaisa-isang babae sa anim na manlalakbay, si Fraexine, o Zoulweign Fraexine s chaos server (yep yan ang spelling), ang pinaka happy go lucky sa kwento. Laging aktibo sa mga aktibidades na ginagawa nila. Most of the time, siya ang bukod-tanging merchant na libre ang reds sa party mates (mahilig siyang mangdiscount sa kanila). Though she always thinks positive sa lahat ng oras, may mga sitwasyon na nanginginig siya sa takot, pati ang kanyang inampong poring ay natatakot din para sa kanya. Hometown niya ang portland ng Alberta, at ang kanyang angkan ay isa sa pinakasikat dahil sa mga koleksyon ng mga rare items sa kanilang bahay.
Hindi niya naisip na sa paglipas ng panahon, mapupuno ng katatawanan ang buhay niya bilang isang merchy. Ngayon na may bitbit na siya laging kariton, Poring na nahawa sa kakakanta ng Poporing ni Claude, lagi na siyang handa sa pagharap sa kinabukasan ng kanyang buhay. Take note nga lang; kahit na masayahin ang merchy na ito, masama siyang kaaway, lalo na kung may hawak siyang palakol o higanteng maso sa kanyang mga palad.
Ang panglima sa grupo, ay ang inosenteng kumilos na si Enlightened. Inosente, kasi tahimik lang siya sa isang gilid at lagi kang titignan na parang gusto kang yakapin. Ang acolyte na ito ay ang morality booster nila sa later stories (may mangyayaring big time sa buhay niya). Although masasabi ng lahat na isa siya sa pinakamahina in terms of physical attacks, hindi siya magpapahuli sa magical attacks. All the way, puro agi up, heal, at blessing ang kanyang specialty, in short, buffs!
Sa sobrang pagiging mabait niya sa mga party mates, nililibre siya ni Claude sa mga shops kasama si Ruiko (siya ang tinutukoy kong inampon kasama ng archer). Ang hindi lang nalalaman ng lahat ay ispesyal siyang bata (abangan ninyo sa story 15). Minsan, kapag naiinitan na sila sa mga araw, naghahanap sila ng paraan para makagawa sila ng "Kiddie pool",kaya nangyari sa Morroc ang "Kiddie Pool Incident". Ngunit kahit ganito na ang nangyayari sa buhay nila ay wala silang pakialam dahil alam ng lath, basta kaama nila ang Acolyte, ay buo ang mga araw nila.
Ang panghuli sa anim ay ang maangas ngunit maamong Mage na si Sorlac. Walang nakakaalam kung buhay pa itong character na ito sa chaos server... Anyway, kung si Enlightened ay puro buffs at heal, si Sorlac naman ay sa full offensive assault ng kanyang mga elemental magics tulad ng Fire Bolt, Frost Diver, at Thunder Storm. May pagkamahangin ang Mage na to kaya minsan ay naiinis sila sa kanya, at mahilig din siyang lamunin ng Poporing ni Claude.
Personally speaking, may soft side din naman siya. Kahit na mayabang ang taong ito, ay marunong din siyang masaktan (figuratively and literally). May pagkakataon na magcacast siya ng Sight sa paligid, hudyat na malungkot ito... Hindi nila mawari sa kanya kung bakit nalulumbay ito minsan; sa kadalasan ay ayaw na lang niya sabihin ito. May dahilang malalim si Sorlac kaya siya sumama sa grupo.
Nakumpleto na natin ang anim kaya wala na tayong dahilan para magpahinga. Kaya itutuloy na natin ang kwento sa story 14.