Story 14: Turtle Chaos

(with special participation of Kaoru, Zen, and Chaos jr.)

Napag-isipan na ng grupo na pumunta sa Turtle Island kaya hinanap nila kinabukasan ang Turtle Grandpa upang i-warp sila sa isla. Inabutan sila ng dalawang oras para makapaghanda sa magulong lupain; at nagpawarp na sila sa lugar.

Pagdating nila sa isla ay naghalo ang pagkatuwa at pag-aalinlangan sa kanilang mga isipan. Makapal ang mga punong pumapalibot sa lugar. May mga batong mukhang pagong sa mga bangin ng isla, at may pakiramdam na hindi ligtas ang lugar na ito. Dire-diretso lang ang paglakad ng grupo sa gubat sa isla. Nakakita sila ng isang malaking butas na tila isang lagusan patungo sa puso ng isla. Sa hudyat ni Sorlac (sa pamamagitan ng pananakot sa lahat) ay tumakbo sila papasok sapagkat masasaraduhan na rin sila ng higanteng pintuan sa harapan ng kweba.

"huff... puff... ok, so sa susunod, pwede bang walang takutan sa mapanganib na lugar!!!" sigaw ni Fraexine matapos lumanghap ng sangkatutak na oxygen sa kakatakbo.

"ruwach! Hmm... bakit parang malubak sa lugar na to?" tanong ni Enlightened sa lahat habang tumitingin sa mga batong pader ng kweba, may biglang natapakang malutong ang Acolyte at biglang... "BUTOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!" hiyaw ng bata.

"ANO!?!" biglang tingin ng lahat sa ibaba... "ANAK NG TOKWA!!!! BUTO NGA!!!!!!" sigaw ni Kadsuki sabay talon ng mataas.

"hehehe... mukhang sa maling lugar tayo napunta... um... MOMMYYYY!!!!!!!!!" hiyaw at biglang pag-iyak ni Sorlac.

At habang nagpapanic silang lahat ay may narinig silang mga yapak mula sa madilim na loob ng kweba... napahinto ang lahat sa kakahiyaw;biglang tumahimik sa buong paligid, at ang kanina'y mahinang mga yapak ay unti-unting lumalakas, tila papalapit sa kanila... pumapatak na ng malamig na pawis sa katawan ng mga manlalakbay... at may nagsalita sa gitna ng kadiliman... "Bakit kayo nandito?" nagruwach si Enlightened at may nakita silang mukha ng isang babae.

"WHITE LADY!!!!!!!!!!!" sabay sigaw ni Ruiko at sumunod na rin ang iba sa pagsigaw!

"mga tange! Buhay pa ako! Ano ba kayo!?!" Sabay tapik sa bibig ni Ruiko at natahimik ang Archer.

Natahimik ulit ang grupo at parang nanigas sila sa takot sa Priestess na nagngangalang Kaoru... pero, iba ang naging reaksyon ni Kadsuki sa dalagang healer. Unti-unting namula ang muhka ng mandurukot at nang nakita ni Claude ang reaksyon, sabay sapak nanam nito sa mukha ng Thief.

"amp! Ang sakit nun bwiset ka!" sumbat ni Kadsuki sa swordie.

"bwiset ka rin! Bat hindi ka gumaya sa reaksyon namin! Tignan mo tuloy parang nakornihan yung mga mambabasa!" sabay batok sa mandurukot ni Claude.

Natawa ang lahat sa nakitang katangahan ni Kadsuki. Napangiti ang Priestess sa nakita at nagtatakip na alng ito ng bibig para hindi siya mahalata. Ang pagkikitang ito ay tila may magandang idudulot. Nagpakilala sila sa isa't isa at sabay lakbay pailalim sa kweba.

Pagdating nila sa ikalawang lebel ng isla, ay may nararamdamang malakas ang lahat, ngunit parang walang pakialam si Kadsuki dahil tuloy-tuloy lang ang pakikipag-usap niya sa dalagitang priestess. Sabay gamit ni Sorlac ng Sight at ni Enlightened ng Ruwach upang may mas malakas na ilaw na sumusinag sa kanilang paligid. Natahimik ang lahat sa nakita dahil mas maraming bangkay ang nakita nila kaysa sa unang lebel. Gumuguhit sa kanilang mga buto ang lamig ng paligid... takot, pangamba, at kagipitan ang naramdaman nila ngunit nilunok na lang nila ito, at nagpatuloy na sila sa paglalakbay.

Ilang yapak pa ang nakalipas at may lumitaw sa kanilang harapan ng isang Owl Baron, sabay hampas ng kwago sa grupo. Nakaiwas ang lahat sa unang pagsugod at nagsipag handa na ito sa pakikipaglaban. Bago pa makabwelta ng Soul Strike si Sorlac ay may lumitaw na isang malaking bola ng kidlat na sikat sa pangalang Jupitel Thunder! Naantala sila sapagkat naroon din ang dalawa sa mga "alamat ng nakaraan" (term nila sa mga level 99 na Characters): ang priest na si Zen, at ang wizard na si Chaos jr.

"Anong ginagawa ninyo dito?!" Tanong ni Chaos jr. sa mga manlalakbay na nakikibakbakan sa kwago.

"nandito kami dahil may nagbalitang may mga clues dito tungkol sa mga nangyayari sa Comodo. Parang koneksyon." Sagot ni Ruiko habang tuloy-tuloy lang ang pagtira nito ng Double Strafe sa ibon.

"Nangyayari??? Sa Comodo??? Anong ibig ninyong sabihin???" tanong ni Zen sabay gamit ng Magnus Exorcimus sa kwago na tuluyan nitong ikinamatay.

"Masama man sa tenga, ay buhay na muli ang Dark Lord... at mukang mas malala pa ang gagawin niyang pinsala sa Midgard. Di tulad ng dati" sagot ni Fraexine habang tinatago ang kanyang battle axe.

"kung ganon... ang nangyari noon, ay nangyayari na muli ngayon... kaya pala... may dahilan kaya pinabalik kami sa lugar na ito..." sagot ni Chaos jr. na may seryosong mukha.

"May alam ba kayo tungkol dito?" tanong ni Claude sa dalawang level 99, na tilanagulat sa nalaman.

"oo... may alam nga kami dito sa sitwasyon na dinaranas natin ngayon." Sagot ni Kaoru sa tanong ng Swordie na may matang seryoso na nakatitig sa lahat.

Natahimik ng bahagya ang lahat sa nalamang impormasyon na ang tatlong mga estrangherong ito ay dati na ring may kinalaman sa mga nangyayari ngayon sa buong Midgard. Nabasag lamang ang katahimikan nang biglang humatsing si Ruiko dahil sa sobrang lamig ng paligid.

"ano ka ba naman... o eto tissue..." sabay abot ni Fraexine kay Ruiko ng tissue.

"salamat..." sabay punas sa ilong nang biglang-

"CLAUDE!!! SA LIKOD MO!!!" sigaw ni Chaos jr. sa Swordie na walang makita o maramdaman.

Biglang cast ng Soul Strike sa aninong malaki. Nagulat si Claude kaya agad ang pagtalikod niya at sabay bunot sa kanyang plus7 ring pommel saber! Napatingin ang lahat sa aninong nagpapakita ng tunay na anyo. Sa likod ng anyong namumuo ay may naririnig silang malalim na boses...

"hmm... mukhang may mga lapastangan na gustong lumupig sa panginoong Dark Lord..."

"o...k... sino ka? At ano ag ginagawa mo dito sa turtle island?" tanong ni Claude sa aninong malaki.

"ako si Abysmal Knight! Isa sa sampung alagad ng Dark Lord!!!" Sabay Spear Boomerang nito sa grupo! Nakaiwas sila dahil sa bagal ng pag-itsa nito sa kanyang Lance, sabay hataw sa pagsugod ang lahat sa itim na mandirigma! Sinimulan ni Ruiko ang bakbakan ng gamtin niya ang lahat ng kanyang mga normal na arrows para sa sunod-sunod na Arrow Showers! Kahit paano ay na-flinch niya ang higanteng halimaw ngunit parang wala sa ito ang mga pana, kaya sinundan nito ng sangkatutak na Soul Strikes galing kay Chaos jr. at kay Sorlac!

Habang kinokorner nila si Abysmal ay naghanda si Kaoru para sa Magnus Excorcimus. Mahaba ang casting time nito kaya puspusan ang pagpapagilid ng grupo sa Alagad ng Dilim. Sa kasamaang palad ay nakawala ang Abysmal Knight sa taktika at diretso ang sugod kay Kaoru. Napahinto si Kaoru sa pag cast, nagulat at...

"EEEEKKK!!! SAKLOLO!!!" sigaw ng Priestess habang hindi ito makagalaw sa takot. Ibabagsak na ng halimaw ang kanyang Lance sa kanyang nang biglang-

"KAORU! TABI!!! UMALIS KA NA DYAN!!!" hiyaw ni Kadsuki at tinulak si Kaoru palayo sa kalaban, dahilan para si Kadsuki ang mapinsalaan ng malaki. Ang sugat na natamo niya sa likod ay tila kasing haba ng isang upward slice ng Stilleto. Nagulat ang lahat sa nakita at-

"Sige na! Pigilan niyo siya!" Mahinang sigaw ni Kadsuki bago siya nawalan ng malay...

"Kadsuki!!!" Gulat na sigaw ni Enlightened habang mabilis na tumakbo ito papunta sa thief na nawalan ng malay tao. Sinundan nito ni Abysmal Knight at nang tumalikod ang aco ay napahinto ito sa takot. Mahihiwa na siya sa dalawa nang biglang sinangga ni Claude ang lance ng halimaw.

"ANO PA HINIHINTAY MO!?! IALIS MO NA SI KADSUKI DITO!" nanginginig na sigaw ng Swordie habang nilalabanan nito ng mano-mano ang Abysmal.

Kinaladkad ni Enlightened si Kadsuki sa isang tabi at inihiga nito ng mabuti. Maya-maya ay nakita na lamang nilang naka dapa na si Claude. Nasaksak ito sa kaliwang balikat! Natakot ang lahat sa nakita nila. Kahit ang mga Legends na sina Chaos jr. at Zen ay walang nagawa sa lakas ng halimaw. Gagawin na sana ni Abysmal ang Brandish Spear sa lahat nang biglang may malakas na liwanag na sumakop sa buong paligid at sa isang iglap, nawala ang buong grupo.