Story 15: Ang Huling Aldean
Nagulat ang lahat nang makita nilang nasa Al De Baran na sila. Hindi hila mawari kung sino o paano nagawa ang malakas na liwanag na iyon. Pero, kahit papaano, nagpapasalamat sila sa kung sinoman ang nag-cast nun.
Naghanap sila ng matutuluyan sa pagsapit ng dilim, at nang gumabi, nagpahinga na sila. Sinabi nina Zen at Kaoru na gagaling na sina Kadsuki at Claude, basta bibigyan lang sila ng karampatang pahinga. Umalis na ang tatlo at iniwan na nila sina Enlightened at iba pa.
Habang natutulog ang dalawa dahil sa mga sugat na natamo nila, nag-usap ang tatlo sa sala sa baba ng kwarto kaharap ang harapang bintana.
"Hay naku... kung saan man nanggaling yung liwanag na iyon, buti na lang at nakaligtas na tayo..." salita ni Ruiko habang humihigop ng mainit na sopas na gawa ni Fraexine.
"oo nga eh... sino kaya ang gumawa ng mahika na iyon? Ang lakas naman nun para i-warp tayo dito sa Al De Baran..." sagot naman ni Sorlac habang kumukuha ng sopas sa kusina na katabi lang ng sala.
"Warp? Anong klaseng mahika iyon? Support skill?" tanong ni Fraexine sa mage.
"Warp Portal... isang mahikang tanging mga taga Al De Baran lang ang makakagawa. At kung tutuusin, hindi kaya ni Enlightened na i-warp tayo dito, dahil sagrado ang bayan na ito." Sagot ni Sorlac sa kanyang eksplanasyon.
"Ganun ba? Kung ganon, sino ang gumawa nun?" Tanong ni Ruiko.
"Hindi ko alam Ruiko... Hindi ko alam..." pahinang sagot ni Sorlac kay Ruiko.
"anyway, nakita nyo ba si Enlightened? Parang wala siya dito." Tanong ni Fraexine sa dalawa.
"hindi ko lang alam pero siguro, binabantayan niya ngayon sina Kadsuki at Claude." Sagot ni Sorlac sa merchy.
"sigurado yun. Kilala ninyo naman si Enlightened... pag may sakit ang isang tao, laging nasa tabi yun." Sagot naman ni Ruiko.
Hindi nnga nagkamali ang dalawa sa sagot nila sapagkat binabantayan ni Enlightened ang dalawa sa taas ng sala (basically kwarto noh?) habang nagpapagaling sina Claude at Kadsuki. Nakaupo ito sa gilid ng kama ni Claude at nagninilay ito sa nangyari nang umagang iyon. Umiiyak at niyayakap nito si Poporing dahil sa sobrang pagdurusa... Ilang oras pa ay nakatulog na rin ito...
Kinabukasan, nagising si Enlightened at nakita niyang nakahiga pa rin si Claude, kahit na nagising na si Kadsuki. Hindi pa rin umaalis ang batang acolyte sa kanyang kinalalagyan bagkus, gusto nitong maiwan sa tabi ng Swordie...
"Kuya Claude... umaga na... gumising ka na... please..." pabulong na sinabi ni Enlightened sa tainga ng Swordie.
"Enlightened, lalabas lang muna ako at bibili lang ng makakain natin para sa gabi. Alam ko na matatagalan tayo sa lugar na ito kaya panigurado ko na ito." Pasintabi ni Fraexine at umalis na ito patungo sa palengke ng Al De.
"/ok" ito lang ang sinagot ng acolyte at pinanood na nitong umalis ang iba. Maya-maya ay may nakita si Enlightened a gumalaw. At itong gmalaw na ito ay ang daliri ni Claude.
"Kuya Claude?... gising ka na ba?" pabiglang tanong ni Enlightened habang pinanonood nitong gumalaw pa ng ilang beses ang daliri ng swordie.
"Popo? Poporing... ring? master? Gising ka na?" tanong ni Poporing kay Claude.
"uhn... anong nangyari? Bat parang... nasa... kama... ako?" Tanong ni Claude sa katabing Acolyte
"KUYA!!!" sabay yakap ni Enlightened sa swordie.
"o Enlightened. Bat ka umiiyak dyan?" pagtataka ng swordsman. "/?"
"kala ko... kala ko... kala ko mawawala ka na dito!!! /heh" sabay yakap ng mahigpit sa swordie ulit ng munting aco!
"POPORIIIIIING!!! MAAASTERRRRR" sabay talon sa mukha ni Claude.
"dahan-dahan naman dyan Popo! Kakagising ko lang eh. /heh" sabay himas kay Poporing.
"Ok ka na ba Claude? Kelangan mo pa atang magpahinga." Pabati ni Kadsuki sabay kutos niya sa ulo ng swordie!
"arekupo naman! Ba't mo naman ginawa iyon??? /an" pabiglang hiyaw ni Claude.
"ok ka na nga. Bumalik ka na nga sa amin. /hmm" sabi ni Kadsuki
"nasan na pala yug iba?" tanong ni Claude sabay laro sa buhok ni Enlightened.
"bumili sila ng makakain para sa pagsapit ng dilim." Sagot ng batang acolyte sa kanyang kuya.
"mukhang andami kong na-miss na pagpapalevel-up a..." bigkas ng swordie.
Sumapi na ang takip-silim at inabutan na nga sila ng gabi sa Al de Baran. Nakabalik na sina Fraexine at sinimulan na niyang magluto ng makakain sa gabi. Si Sorlac naman ay abala sa pag-aasikaso sa mga alaga nilang kasama, at tila ayaw sa kanya nina Poring at Poporing (/heh). Si Ruiko ay nakikipag-usap kay Claude tungkol sa susunod nilang gagawin.
Maya-maya ay tinawag na sila ni Fraexine para kumain ng hapunan.
"sus! Angdami naman ng mga ito!" sabay kuha ng Fried Chicken si Sorlac (gawang McPron).
"Waaaaaahhh! Chicken! Matagal na kong hindi nakakain nito!!!" sabay dakma sa isang chicken leg si Ruiko.
"Luna! Luna lulu lulunana!!! hinay-hinay naman Ruiko!" sabay /heh ang alaga ng munting archer.
"so ano kaya yung law na yun na nagligtas sa atin nung nasa Turtle Island tayo?" biglang tanong ni Claude sa lahat habang ngumunguya ng chicken thigh.
Napatahimik ang lahat sa narinig, wari na parang naguguluhan sa nangyari ilang araw na rin ang lumipas. Tumayo bigla ang acolyte at nagwikang...
"ako iyon."
Nabigla ang lahat sa pag-aamin ni Enlightened sa kanila. Hindi nila maintindihan kung bakit sinabi ito ni Enlightened.
"um... siguro, mas mabuti kung tapusin na muna natin ang pagkain bago tayo matulala sa narinig natin, at maghanda na tayo na maiiom na tubig, just in case na may himatayin sa isa sa atin" pabiro ngunit seryosong sagot ni Kadsuki sa kanilang lahat.
Natapos na nila ang pagkain at hinayaan na muna nilang bumaba ito bato sila pumasok sa kwarto at masimulan na ni Enlightened ang kwento.
Makalipas ang ilang minuto ay umupo na sila sa kama at nakatitig ang lahat kay Enlightened. Kahit sina Poporing at Lunatic ay nagtataka kung bakit ganun na lang ang patitig ng lahat sa batang acolyte.
"handa na ba kayong lahat sa sasabihin ko sa inyo?" tanong ni Enlightened sa kanila at sumagot sila ng isang tahimik na "oo"
"kung ganun eh, wala na dapat akong itago sa inyo. Sisimulan ko na ang pagkukwento."
"sampung taon na ang nakakalipas matapos ang unang kaguluhan dito sa Midgard. Sa panahon na iyon, unang nilusob ng grupo ni Dark Lord ang kapitolyo ng Prontera at Geffen. Lahat ng tao sa dalawang bayan na iyon ay lumikas pahilaga patungo dito sa Al de Baran, at ang iba ay patungo sa Morroc sa katimugan."
"Ang Al de Baran ay tanyag sa pagiging sagrado nito sa lahat ng mga naninirahan sa Midgard. Kaya, sa paniniwala ng lahat, maliligtas sila. Ngunit, hindi ito nagging madali sa kanila sapagkat dumating si Baphomet at si Doppelganger sa bayan. Sinira nila ang lahat ng mga tao at mga gusali sa tahimik na bayan... walang natira ni isang bahay na nakatayo... wala maliban sa isang sanggol... at ako iyon... dumating man ang GM lights, nagapi man nila ang mga kasamaan, ngunit, hindi na nila maibabalik pa sa akin ang aking pamilya. Ang mga tao na sana kasama ko ngayon, ang mga lugar na sana ay napuntahan ko kung lumaki man ako dito. Ang Al de Baran na nakikita ninyo ngayon ay hindi na ang Al de Baran sampung taon na ang nakakalipas."
Nabigla ang lahat sa mga sinabi ni Enlightened. Hindi pumatid sa kanilang isipan na may ganito palang nakaraan ang Al de. O kahit si Enlightened.
"itutuloy ko na ang kwento. Ang sabi sa akin ng isang pari sa Sanctuary ay naglakbay sila patungong Al de Baran makalipas ang ilang araw upang tignang kung may nakaligtas sa panunugod na nangyari. Nakita nila ako at isinama na nila ako sa Prontera. Pagsapit ko ng pitong taong gulang ay isa na akong ganap na novice at kinuha ko na ang test para sa acolyte exam. Pumasa naman ako at eto ako ngayon, isa nang acolyte."
"pero, ang lahat ng tao na nakakasama ko sa daan, may sinasabi silang kakaiba sa akin. Ang aura ng heal ko ay iba sa mga acolytes na nakilala na nila. Sabi nila may aura na kulay blue ang heal ko... ang kakaiba pa dun, puno agad ang buhay nila... maraming nagsasabi na isa lang akong pahamak sa kanila dahil sa kakaiba kong aura. Pero ok lang sa akin iyon..."
"humantong sa punto na may nagawa akong isang mahika na wala pang acolyte na nakakagawa- ang Warp Portal. Nagulat ang mga pari sa kakayahan kong iyon, kaya sinabi na nila ang lahat tungkol sa pagkatao ko. Tapos nun ay wala na akong narinig pa sa kanila."
"so ang ibig mong sabihin, ikaw at ikaw lang ang may kakayahan para gamitin ang Warp Portal?" tanong ni Fraexine.
"yung ang sabi sa akin ng mga pari" sagot naman ng acolyte.
"grabe pala ang nakaraan mo... di ko akalain na ikaw na lang ang naiwan na tunay na Aldean." Bigkas ni Sorlac sa narinig na Acolyte.
"ganun ba?" sabay ngiti ni Enlightened. "di bale... ang mahalaga, ligtas tayo at buhay pa ako. Kaya gusto ko nang makapaghiganti kay Baphomet at kay Doppelganger sa lalong madaling panahon." Dagdag pa nito.
"may pinag-usapan kami kanina ni kuya Claude tungkol diyan." Sabi ni Ruiko habang tinuturo si Claude.
"eh? Ako?" gulat na pananalita ni Claude sabay laro sa buhok ni Ruiko.
"sige na! maganda naman ang plano natin eh! Ang kulang na lang ay sumang-ayon sila! /heh"
"o nga Claude! Sabihin mo na sa amin kung ano ba iyon!" sagot ni Kadsuki na tila hindi mapakali.
"sige na nga! Pero makinig kayong mabuti! Since nasa Al de Baran tayo, at sangkatutak naman ang mga kafra girls dito, mag stock-up na tayo ng mga gamit at si Enlightened ang bahala sa pagwawarp sa atin patungong Morroc. That way, mas mapapadali ang misyon nating malaman ang misteryo sa Comodo." Bigkas ni Claude.
"at dahil ang Morroc ang pinakamalapit na lugar dun na tayo magpalipas ng gabi sa susunod na araw." Dagdag pa ni Ruiko.
Napangiti ang lahat sa mga pinagsasasabi nina Claude at Ruiko. Hamak na may lumitaw na sangkatutak na /gg sa ibabaw ng kanilang mga ulo.
Makalipas ang ilang sandali ay natulog na silang lahat. Mahimbing na natutulog ang lahat maliban sa Acolyte. Lumabas siya sa inn para makalanghap ng sariwang hangin, ngunit nagulat siya nang nakita niyang nasa likod lang niya sina Ruiko at Claude.
"gising pa pala kayo." Sagot ni Enlightened na parang gulat na gulat ito sa nakita.
"oo nga eh... di kami makatulog. Ang ingay humilik ni Sorlac at Kadsuki eh. Buti si Fraexine may Earmuffs kaya hindi niya nariring." Patawang sagot ni Claude.
"ang ganda pala ng Al de baran pag gabi na ano?" bigkas ni Ruiko habang manghang-mangha na lumilingon sa paligid niya.
"di niyo inakala na ganun na lang ang nakaraan ko ano? Kakagulat, hindi ba?" tanong ng batang aco sa dalawa.
"wag kang mag-alala. Ulila na rin ako kaya alam ko ang pakiramdam na iyan." Wika ni Claude sa bata.
"buti na lang at nakilala ko kayo. Ang saya ko. Hindi nyo ba alam yon?" paiyak na sagot ni Enlightened habang lumuluha ang mga mata.
"o, wag ka nang umiyak. Nandito naman kami sa tabi mo eh. Di ka namin pababayaan. Kami pa! basta tayo! Puro kalokohan at katatawanan!" hikbi ni Claude kay Enlightened habang pinupunasan nito ang mga luha sa mata ng aco.
"/e10 inaantok na ko kuya... uwi na tayo..." sagot ni Ruiko habang sumasandal kay Claude.
"o siya, uwi na tayo, at marami pa tayong gagawin bukas. /heh" sabay inangkas ni Claude si Ruiko.
Sumunod na si Enlightened sa dalawa at natulog na rin. Hindi na niya masyadong iniisip na nag-iisa siya.
Kinabukasan, nagsikalat na sila upang mangolekta ng magagamit at makakakain sa daan nila patungong Morroc. Nagkita-kita sila sa inn na tinuluyan nila ng ilang araw at dun ginamit ni Enlightened ang Warp Portal nai sa isang idlap, ang marmol na lugar na kanina lamang ay inaapakan, ay napalitan ng sangkatutak na buhanging disyerto. Ligtas silang nakarating sa Morroc, ang Desert Town.
