Story 16: Ang Trahedya sa Morroc

Pagkatapos na winarp ni Enlightened ang lahat sa Morroc ay nagulat sila sa kanilang nakita! Giba-giba ang karamihan sa mga gusaling nakatayo sa bawat lugar dito. Ang dating matatag na bandila ng Morroc, ngayon ay sira-sira na at hindi na muling maayos pa. Ang town square sa gitna ng bayan ay sira na rin. Wala na ang dating umaagos na tubig sa gilid ng Palasyo ng bayan, at ang mga tao… hindi na makita kahit isa.

Patuloy na nagmasid ang grupo sa buong lugar, at naghiwalay pa sila sa tatlong grupo. Si Sorlac at Enlightened, si Kadsuki at Fraexine, at si Claude at Ruiko. Inabutan na sila ng tanghaling tapat ngunit wala pa ring palatandaan na may tao sa paligid.

Nagpahinga ang lahat sa isang silong nang dumating ang tanghaling tapat. Lingis sa kanilang alam, may isang Drops na sumusunod sa kanila. Naramdaman na lang ni Sorlac na may bumabangga sa kanya nang kumakain na sila.

"huh? Ano ba yung bumabangga sa akin? Kanina pa yun a…" pagtataka ng Mage.

"di mo ba alam? May Drops sa likod mo! Bulag!" wika ni Fraexine habang tawa ng tawa.

"/omg Drops nga!" sabay kuha ni Sorlac sa Drops.

"ayos din tong isang to a. ganitong oras eh dapat nakalubog na sa jelly ang ulo mo." Pabiro ni Claude.

"weh… nakakatawa." Wika ni Sorlac habang kinikiliti ang Drops. "gutom ka na ba?" tanong ng Magikero sa Drops.

"…Drooops… (…medyo…) dro drops! Drops! Dro dro drops! (gusto ko ng orange juice kuya!)" ang sabi ng Drops.

"inom ka muna ng orange juice o. siguradong matutuyo ka nyan." Sabay bigay ng juice sa Drops.

"/thx" sagot ng drops sabay higop sa juice. "/thx /thx /heh"

"wala talagang tao dito kahit isa… ano na kaya ang nangyari dito?" wika ni Kadsuki na may seryosong mukha.

"ano ba ang iniisip mo Kadsuki at parang nababagabag ka?" tanong ni Ruiko sa thief.

"… … … … …"

"kung ako sa yo, wag mo munang tanungin yan. Ito ang hometown niya." Bulong ni Enlightened sa Archer.

"anun ba?" pabalik na bulong ni Ruiko.

"halata, hindi ba? Kaya pabayaan mo muna." Balik ng Acolyte sa Archer.

"droooops! (burp!) /thx" sabay talon ang Drops sa Mage at natulog na ito sa pagod at kabusugan.

"sa palagay mo Claude, sino kaya ang gagawa nito sa bayan ko… ibig kong sabihin, ang Morroc ang isa sa pinaka nyutral na bayan sa buong Midgard. Isang grupo sa mabubuti, at isang grupo sa mga hindi. Kung wala man sa kanila… sino?" pag-aalalani Kadsuki.

"malapit dito ang Comodo, hindi ba? Ang kasagutan diyan malamang ay, inuna na nila ang Bayan na ito bago pa ang iba pang mga Bayan…" seryosong sagot ni Claude.

"malaki rin ang posibilidad." Mahinang sagot ni Fraexine sa dalawa.

"po… (oo nga…)" tahimik na sagot ni Poring.

"ring… popo… ring ring… (siguro nga…)" pagpapatuloy ni Popring.

"teka Drops, may mga nakita ka bang tao dito sa Morroc maliban sa amin?" tanong ni Sorlac sa Drops.

Nagising si Drops at nagsabing "Drops! Do Drops! Dro dro drops! (meron pa! meron mga! Mga sampu siguro!)" sabay /ok sa Mage.

"may tao pa raw dito sa Morroc!" sigaw ni Sorlac sa grupo.

"talaga? Kung ganun, tara! Puntahan na natin sila!" sabay tayo si Kadsuki.

"Drops, pwede mo ba kaming dalhin sa kanila?" tanong ni Sorlac sa bagong pet.

"Drops! (oo ba!) /heh"

Maya-maya ay sinundan nila si Drops patungo sa isang liblib na oasis sa north west exit ng Morroc. Dito, natagpuan nila ang isang Pyramid. Puasok sila doon sa pamumuno ni Drops patungo uli sa isa pang lagusan pailalim. Agpasok na pagpasok ay may sumalubong sa kanilang mga lumilipad na mga arrows!

"WAAAAAAH! Tago tayo kay Claude!" sigaw ni Fraexine sabay tago sila sa likod ni Claude.

"BAKIT AKO! Hay naku! MAGNUM BREAK!" at nasunog ang mga palaso…

"tapos na ba?" tanong ni Enlightened kay Claude…

"siguro" sagot ng Swordie…

"ewan ko… basta ang alam ko, eh naiiwan na tayo ni Drops…" bigkas ni Sorlac.

"do drops! Drops! (oi bilis! Dali!) sigaw ni drops habang nangunguna sa paglalakad (o pagtatalbog).

"mukang mayabang din tong isang to a…" wika ni Fraexine habang pinagmamasdan si Drops patungo sa level 2 ng Pyramids.

Sinundan nila ang dilaw na kasama nila at hindi nagtagal, makalipas ang ilang oras ng pasikot-sikot sa loob, ay nahanap nila ang isang refuge sa may malapit sa level 3 ng pyramids.

"Drops! Do DO Do Drops! (mandito na tayo guys!) masayang pahiwatig ni Drops sa grupo.

"ELO! MAY TAO BA DIYAN?" sigaw ni Ruiko may kasama pang echoes. (ngak!)

"wala ata… paano yan? Drops, sigurado ka bang may tao dito sa loob ng lugar na to?" tanong ng Mage habang kinakarga si Drops sa kanyang mga kamay.

"Drops… (oo…)" pagtatakang sagot ni Drops…

"hmm… teka… guys! Tignang ninyo! May liwanag dun sa parting iyon!" biglang wika ni Kadsuki at sabay takbo sa lugar kung saan nanggagaling ang apoy.

Dire-diretso lang ang takbo ng grupo habang sinusundan ang mandurukot. Hindi mapakali ang lahat sa nakita nilang liwanag. At since napakadlim eh talagang hindi mo sila masisisi… nang naabutan na nila si Kadsuki ay hindi sila makapaniwala sa nakita… Mga bangkay na nakakalat sa mga pader ng mga gusaling tago sa liwanag ng araw, ang mga gusali't mga poste ay wasak-wasak na at tila walang buhay na nilalang ang naiwan dito…

Napaluhod si Kadsuki nang nakita niya ang mga ito… Unti-unting pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi rin makapaniwala ang lahat at sila rin ay nakiramay. Sina Poporing at Poring ay pumunta sa kinatatayuan ni Drops at nakita rin nila itong luhaan. Sinubukang patahanin ni Poring si Drops sa pamamagitan ng paghimas nito sa kanya.

"BAKIT! BAKIT ANG MGA KABABAYAN KO PA ANG KAILANGAN NA MADAMAY SA GULONG ITO!" sigaw ng pighati ni Kadsuki.

"Kadsuki… …" mahinang pagsagot ni Claude sa nagsesentimiyentong thief.

"Kuya Kadz…" wika ni Ruiko.

"Wag kang mag-alala Kuya. Tutulungan ka namin sa paghihiganti… ngunit hindi pa ngayon ang tamang oras." Wika ni Enlightened habang hinawakan nito ang balikat ni Kadsuki.

"… Salamat Enlightened…" sabay hawak sa kamay ng munting Acolyte.

"Drops… baka naman siguro may mga nakaligtas… gusto mong hanapin natin?" ang bigkas ng Mage habang kinuha nito si Drops.

"DO Drops drops! (tara! Gawin natin!) sabay talon kay Sorlac at tumakbo si Sorlac papunta sa looban pa ng Pyramids nang may narinig silang isang boses…

"saklolo… tulungan… ninyo… po… ako…" ang bigkas ng bata…

"Drops! Do drops? (san nanggaling yun?)" ang pagtataka ni Drops.

"Drpos… tulungan mo ko…" bigkas ng batang naipit sa isang bato.

"Isang novice!" sabay turo ni Sorlac sa bata.

Makalipas ang ilang sandali ay pumunta ang grupo sa lugar kung saan naipit ang bata. Hinatak nila ito saka isinama sa kanilang party.

"maraming salamat po… ako nga po pala si Reika… buti na lang po at nakita nyo po itong si Drops… ako po ang master niya eh…" bigkas ng novice.

"Drops!" sabay lambing sa Novice.

"sayang… akala ko pa naman sa akin na yang si Drops…" pabirong sagot ni Sorlac, sabay iyak.

"ako nga pala si Claude." Pagbati ng swordie sa bata. "sila nga pala sina Ruiko, Fraexine, Enightened, Kadsuki, at ang nakapulot kay drops, si Sorlac."

"elo sa inyo po" masayang pagbati ng Novice.

"hi din! Hehehe! Nadagdagan na naman tayo ng isang kabarkada! Ayus!" masigasig na sigaw ni Fraexine.

GRRRRRRRRUUUUUUMMMMMMBBBLEEE…………

"sana hindi ka na sumigaw…"bigkas ni Ruiko sa Merchant.

"ehehehe… sorry…" paumanhin ni Fraexine.

"matanong ko lang… anong level mo na ba?" tanong ni Kadsuki habang inaayos ang kanyang itsura.

"um… 40 po…" sagot ng Novice.

"ANO? ISA KANG SUPE NOVICE!" sabay-sabay na sigaw ng buong grupo.

GGGGRRRRRRUUUUUMMMMMBBBBLLLLEEEEE………………

"um guys, wrong move ata yung pagsigaw natin…" patawang magwka si Enlightened.

"oo nga…" sagot ni Reika.

"hula ko gumuguho na ang pyramids. Ano sa palagay mo ang dapat nating gawin?" tanong ni Sorlac sa grupo.

"isa lang naman ang pwede nating gawin eh… Popo, Poring, Drops, Luna, sa loob ng kariton ni Fraexine." Utos ni Claude habang iniligpit niya rin ang kanyang Shield sa kariton ng Merchie.

"tapos?" tanong ni Ruiko

"hindi naman kayo… … … mag lampa, di ba?" tanong ni Kadsuki sa lahat.

"aba syempre! Archer ata ang kausap mo!" wika ng batang mamamana

"well then, isa lang naman ang dapat nating gawin eh…" bigkas ni Reika habang umuuga-uga ang paligid.

"everybody… … … TAAAKKBOOOOOOO!" Sigaw ni Claude

"WAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!" sagot ng lahat.

Lumabas ang lahat na may konting mga punit sa kanilang mga damit. (at least ligtas sila…) inakala nila na eto na ang katapusan ng lahat.