Author's Notes: Sa Ingles ko ito unag sinulat, tapos isinalin ko na lang sa Filipino...bale, ito ang ikalawang istorya na isinulat ko sa Filipino. Tungkol ito sa nararamdaman ni Naruto sa pag-alis ni Sasuke...at siya ang nagsasalita rito. Sa mga magbabasa at/o mag-papasa ng review para dito, salamat. Sana bashin nyo rin yung English version at sana, magustuhan nyo ito. Pasensya na kung medyo ma-drama.
Disclaimer: Ang Naruto ay pagmamay-ari ni Masashi Kishimoto
Ulan
Kahit kailan, hindi ko nagustuhan ang ulan.
Hindi nito napapabuti ang mga bagay, kundi lalong pinalalala.
Sinisira ang isang maganda at maaliwalas na araw. Sinisira ang pangkaraniwang takbo ng buhay.
Pinalulungkot ang mga bagay na dapat ay hindi.
Ang hangin...malamig at walang pakialaam.
Ang kulog...masyadong malakas, maingay, nangangalit.
Ang pagbuhos ng ulan ay pinapapait ang sino man.
Nasa gubat ako ng magsimula ang pagbuhos.
Nagsimula akong tumakbo, inis, galit...at medyo malungkot.
Laging umuulan tuwing nagsasanay ako. Nakakainins. Nakakainis talaga.
Nagpapaalala ito sa akin ng araw na iyon...ng hindi ko nailigtas ang isang kaibigan.
At ng mga oras na iyon, habang ako'y naghahanap ng masisilungan...huminto ang lahat.
Tama na. Ayoko na.
Bakit ba laging umuulan tuwing nagsasanay ako?
Bakit ba parang lahat ng ginagawa ko'y walang katuturan?
Bakit siya umalis?
Bakit ba hindi ko matanggap ang katotohanan na kahit na anong gawin ko, hindi na siya babalik pa?
Bakit ba sinusubukan ko pa?
Ng mga oras na iyon, tumingin ako sa langit.
At inilabas ang lahat. Ang lahat-lahat.
Ang galit, ang sakit, ang poot...at ang bigat na aking dinadala.
"AAAAAAHHHHHH!"
Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ang pagbuhos ng ulan na makiisa sa pagbuhos ng aking mga luha...makiisa sa pagbagsak nito sa lupa sa isang malungkot na agos.
Kahit kailan, hindi ko nagustuhan ang ulan...maliban ngayon.
------
