Disclaimer: I Do not own Slam Dunk except of some characters that I made..
Ruhana What if Hanamichi change? And what if he has a look alike person?
This is my first fiction.. I hope you'll like it.. (Paki-review naman po please:)
Prologue
Shohoku Gym sa Kanagawa. Nang mga oras na iyon nag-papraktis ang Shohoku basketball players. Ika-apat at tatlumpu na ng hapon at halos lahat ng players ay tuwang-tuwa dahil malapit na sila makauwi, maliban kay Rukawa.
"Wooohooo! tatlumpung minuto na lang at matatapos na ang praktis makakapag-lakwatsa na rin ako sa wakas!" Sigaw ni Mitsui sa sigla.
Napansin agad ito ni Akagi at biglang kumunot ang noo."Hoy, Mitsui asan si Sakuragi?" tanong ni Akagi. "Ilang araw na rin siyang di umaatend ng praktis." sunod pa nito.
"Di ko alam Go-.. este Captain Akagi, hehehe." sagot ni Mitsui habang kinakamot ang likod ng ulo. 'Naku, ano ba yun? Bwisit talagang Sakuragi na yun ang lakas mang-hawa pati-tuloy ako nahahawa na! muntik na ko dun ah, buti na-alala ko kung 'di may GORI PUNCH nanaman ako!' isip ni Mitsui habang namumutla.
Nang oras ding iyon napalingon si Kogure at may nag-lalarong ngiti sa mga labi nito. Napansin ni Ryota si Kogure na parang wala sa sarili at tinapik ito sa likod. Nagulat ang binata at napalingon sa kanyang tabi. Nakita nya ang point guard na may mapag-larong mga mata na nakatitig sa kanya.
Sa isang sulok ng gym mayroong tatlong babae. Si Haruko at ang kanyang dalawang matalik na kaibigan.
"Nasan kaya si Sakuragi ilang araw na siyang di umaatend ng praktis at di rin pumapasok sa kanyang mga klase," pabulong na sambit ni Haruko. Habang ang kanyang mga kaibigan ay tila hindi ito napansin.
"Dunk!" tunog ng dunk ni Rukawa
Biglang nanumbalik ang sensasyon ni Haruko ng marinig ito at,"dunk!" iyon pa ang isa. At sa pagkakataong iyon napansin ng dalawa niyang kaibigan na nag-huhugis puso ang mga mata nito, samantalang ilang minuto pa lang ang nakakaraan ay parang sobrang lalim ng iniisip nito.
Patapos na ang praktis ng tinawag ni Akagi ang lahat ng players at may ina-nawns na importanteng bagay.
"O, makinig kayo! Sa isang linggo meron tayong praktis game."Sigaw ni Akagi.
"E, sino naman ang makakalaro natin?" tanong ni Mitsui.
"Ryonan." Sabat ni Kogure
"AYOS!" sigaw naman ni Ryota.
Habang si Rukawa ay parang walang narinig nanatili pa rin siyang tahimik at tila walang paki-alam.
"Asan, kaya si Sakuragi?" tanong ni Kogure.
"Oo nga, ilang araw na rin syang absent sa praktis at balita ko hindi rin siya pumapasok sa klase niya," sagot ni Ayako, na may halong pag-aalala.
'San kaya napunta yung unggoy na yun?' Isip ni Akagi 'Kailangan namin sya sa isang linggo'.
Nang magsi-uwian na ang lahat naiwan si Rukawa sa gym na nag-papraktis pa rin. "Dunk!" huling dunk ni Rukawa. Napahiga siya sa sahig sa sobrang pagod. 'Ano nga bang nangyari sa gung-gong na yun?' napa-isip siya.
Habang nag-lalakad siya papauwi na blanko ang isip, at sa ilang sandali ay napapikit siya at hindi namalayan na meron siyang kasalubong na bisekleta.
"Tabi!" sigaw ng may-ari nito.
'nakalimutan ko pala ang bisekleta ko. di bale bukas ko na lang kukunin'.
"BoOooGggS!"
"Sabi ng tabi e!" sigaw ng isang lalaking halatang inis.
"hn."
Napansin na lang ni Rukawa na biglang dumilim. Tumingala ito at nagulat sa nakita isang matangkad na lalake. Tinulungan siyang tumayo nito. "Sakuragi," sambit ni Rukawa. Ngiti lamang ang sinukli ng binata at lalo pa siyang naging curious. Dahil karaniwan ay madaldal at mayabang ang binata. Pero bakit parang meron siyang kakaibang nararamdaman ng oras ding iyon.
"bakit?" tanong ni Rukawa.
Ngunit wala pa ring sagot na natanggap sa binata kaya hindi na nag-pumilit si Rukawa. Nagpatuloy sila sa paglalakad at huminto sa isang lugar na may-kaaya-ayang tanawin.
"Ang sarap ng simoy ng hangin" kalmadong simula ni Sakuragi na parang naninibago.
"hn."
"Kay gandang pag-masdan ng kalmang karagatan" sunod pa nito.
"..." 'Oo, tama ka.'
"Naaalala ko nung mga bata pa kami madalas kaming dalhin dito ng aming mga magulang pag-gabi," may lungkot at pait sa tinig ni Sakuragi.
'Anong ibig niyang sabihin?' isip ni Rukawa.
"Mahal na mahal ko ang aking mga magulang at kapatid" tuloy pa nito habang dumadaloy ang luha sa mga pisngi.
"Sakuragi," sambulat ni Rukawa sa pag-kabigla.
"Sayang lang at hindi nanamin sila makakapiling muli". sambit nanaman nito at sa pag-kakataong ito ay tila sinisisi ang sarili ngunit kalmadong tinig.
"namatay sila sa plane-crash ilang araw na ang nakakalipas."
Sa pagkakataong iyon ay hindi maigalaw ni Rukawa ang kanyang katawan dahil sa narinig. Nanlambot ang kanyang puso, hindi niya alam ang gagawin habang si Sakuragi naman ay puro pait at kalungkutan ang nararamdaman ng oras na yoon. Napayakap si Sakuragi kay Rukawa dahil sa tindi ng nararamdamang emosyon. Pag-kalipas ng ilang sandali ay tumigil na ito sa pag-iyak at humiwalay kay Rukawa na namumula ang muka sa kahihiyan. "patawad" sambit nito.
"hn".
"salamat." wika ni Sakuragi na may kasamang sinseridad.
"halikana ihahatid na kita sa inyo, baka hinahanap ka na ng mga magulang mo".
Tumango lang si Rukawa bilang pag-sang-ayon.
"o, nga pala sa isang linggo makakalaro natin ang Ryonan". kalmang tinig mula kay Rukawa.
Patuloy sa pag-lalakad si Sakuragi at tila walang balak mag-kumento gaya ng naka-gawian nito. Nanatili ang katahimikan sa kanilang dalawa na tila parehong walang balak mag-salita hanggang makarating sa tapat ng bahay nila Rukawa.
"Sige," paalam ni Sakuragi habang patuloy na nag-lalakad at tila walang tiyak na patutunguhan. Malamig na tinitigan ni Rukawa si Sakuragi habang ito'y mawala sa kanyang paningin.
Nang Gabing iyon hindi makatulog si Rukawa. Patuloy na bumabalik-balik sa kanyang ala-ala ang mga sinabi ni Sakuragi 'mahal na mahal ko ang aming mga magulang. Sayang nga lang at hindi na namin sila makakapiling. Namatay sila sa isang plane-crash ilang araw na ang nakakalipas'. "hn. may kapatid si Sakuragi?" pabulong na wika ni Rukawa sa sarili.
