Disclaimer: I do not own SD.

Kahit ang taong yelo ay minsa'y marunong din makinig... ()


Chapter I

Simula

Kina-umagahan sa pag-lalakad ni Rukawa tungo sa paaralan naka-salubong niya ang Sakuragi Gundan.

"Magandang umaga Rukawa!" sabay-sabay na bati ng mga ito.

Tumango lamang ang binata at nag-patuloy sa kanyang pag-lalakad.

Pagkarating sa paaralan nag-tungo agad siya sa rooftop para mag-iskip. Ngunit ganon na lang ang pag-kagulat n'ya ng makita ang lalaking pula ang buhok na naroroon.

"Magandang umaga Rukawa," bati nito.

"Hn."

"Wala ka bang balak pumasok?" tanong ni Sakuragi.

"Sa palagay mo?" sarkastikong sagot ni Rukawa.

"hn." mula kay Sakuragi.

"gung-gong" dugtong ni Rukawa.

"gung-gong pala ah! Sige kahit ayaw mo pipilitin kitang pumasok" Wika ni Sakuragi habang hila-hila si Rukawa sa braso.

"Bitiwan mo ko gung-gong!" protesta nito.

Ngunit hinti ito sinunod ni Sakuragi. "TooOoGs!" tunong ng suntok ni Rukawa. At gaya ng inaasahan nauwi ito sa away. "Baagsh!", "Tuuggz", "tadd". Patuloy na nag-suntukan at sipaan ang dalawa hanggang, "Talo ka, papasok tayo!" seryosong wika ni Sakuragi habang dumadaloy ang dugo sa muka nito. Walang nagawa si Rukawa kundi sumunod sa binata.

'Leche, wala akong magawa sa lakas nya. Kung basketball 'to tiyak mananalo ko. Pero di bale matutulog na lang ako sa klase. Teka, kailan pa nag-kainteres sa pag-aaral ang gung-gong na 'to? Parang nanay kung umasta.' isip ni Rukawa.

"hn." basag nito.

Nabigla si Rukawa ng maramdamang pinupunasan ni Sakuragi ang kanyang dugo sa muka at ngumiti pa ito sa kanya. Napansin ni Sakuragi na namumutla si Rukawa, mas maputla kesa sa natural na nitong kutis. At nag-bablush. 'Napakaganda.' isip nito. Nag-tagpo ang kanilang mga mata, 'napaka-lamig ng mga matang ito. Nakaka-aliw pag-masdan napaka-ganda at napaka-liwanag. Ngunit sa likod nito napakaraming emosyon ang nag-tatago.' wika ng isip ni Sakuragi.

"hn." basag ni Rukawa sa katahimikang namamagitan sa kanila. At para na rin makaiwas sa mga matang iyon.

Nang, matapos si Sakuragi inalalayan niyang tumayo si Rukawa. "Ilang minuto na lang at mahuhuli na tayo." wika nito. Dali-dali niyang hinila si Rukawa at tatakbong bumaba mula sa rooftop patungo sa kani-kanilang klase, hindi na nila naramdaman ang sakit ng katawan dahil sa mabilis na pag-takbo. Ngunit gustong masiguro ni Sakuragi na papasok sa klase ang binta kaya't inihatid niya ito, bago siya pumasok sa kanyang klase.

Pag-karaan ng ilang oras ay natapos na ang klase. Halos lahat ng Shohoku players ay naroroon na sa gym at nag-wawarm-up maliban kay Rukawa. Hindi na nila inaasahang mag-papakita pa si Sakuragi ng linggong iyon.

"Aba, himala. Si Rukawa late?" wika ni Ryota.

"Ano kayang nangyari sa prinsipe ng yelo?" tanong rin ni Mitsui.

"hmm." himig ni coach Anzai.

Habang patuloy na nag-papraktis ang mga players. Biglang bumukas ang main entrance door nito at iniluwa ang dalawang lalake. Halos lahat ng naroroon ay nagulat ng makita si Sakuragi at si Rukawa na mag-kasama.

"aba, kelan pa nag-kasundo ang dalawa?" tanong ni Kogure.

"Nag-balik na ang Henyo!" proklama ni Sakuragi.

"Nyahaha" ang popular na tawa nito.

"ToOOGs!" Gori punch ni Akagi.

"Waaaaa! para san naman iyon Gori?" protesta nito. "Hindi, ka ba natutuwa at nag-balik na ang Henyo? Wala ng dapat ipag-alala!" dugtong pa nito.

"Gung-gong." wika ni Rukawa.

"Kitsune!"

"Musta na Sakuragi?" masayang bati ni Kogure.

"O nga, ano balita halos isang linggo ka rin nawala," mula kay Mitsui.

"Ah, mabuti naman. May importante lang akong inasikaso." mahinahong sagot ni Sakuragi.

'Pano niya naitatago ang mga nangyari sa kanya gayong hindi pang-karaniwan iyon.' isip ni Rukawa habang patuloy na pinag-mamasdan si Sakuragi.

"Mag-sibalik ang lahat sa praktis at kayong dalawa mag-bihis na kayo at mag-simula na ring mag-praktis! Bilisan ninyo!" dumadagondong na boses ni Akagi.

Sa kabilang dako, napansin ni Sakuragi na nagulat ang binata at binigyang nya ito ng isang seryosong tingin at Sakuragi's killer smile. Alam na ni Rukawa ang nais ipahiwatig ni Sakuragi sa mga iyon.

"hn." mula kay Rukawa. Nag-papahiwatig ng pag-sang-ayon sa mensahe ni Sakuragi. At nag-patuloy na sila sa pag-papraktis.

"Sakuragi." tawag ni Akagi. "sa isang linggo meron tayong praktis game. Makakalaro natin ang Ryonan." dugtong pa nito.

"hn." sagot lamang ni Sakuragi, na ikina-gulat ni Akagi. Malayo sa ina-asahan niyang sagot na sasabihin nito.

Hindi makapag-concentrate si Rukawa sa practice dahil sa patuloy na sumasagi sa kanyang isip ang mga matang iyon at ang mga ngiti nito. Isama pa ang masakit niyang katawan.

"Anong nangyayari kay Rukawa?" may-pag-aalalang tanong ni Kogure.

"Pansin mo rin pala." mahinahong wika ni Mitsui.

"Kanina pa syang shoot ng shoot ni walang pumasok." sunod pa ni Mitsui. Kyoryosong pinag-masdan ng dalawa ang ace player.

"Meron kaya syang problema?" tanong ulit ni Kogure. Habang si Mitsui ay tila nasa malalim na pag-iisip. Dumating naman sa gym ang mga kaibigan ni Sakuragi ng mga oras na iyon, upang manood ng praktis.

"Sakuragi." pabulong na wika ni Yohei ng makapasok sa gym.

"Nasan na ang unggoy?" tanong ni Yasuda.

"hmm. hmmm. (lingon sa kanan, lingon sa kaliwa) wala eh." sagot ni Ookuza.

"ERrrrRrrRrR," tunog mula sa kanilang likuran.

"Waaaaa..."

"Ah, eh, musta na Sakuragi? ahehehe" tanong ni Yohei habang nag-tatago sa likuran niya ang dalawa.

"Mabuti naman," sagot ni Sakuragi.

Nangmakita ni Sakuragi na papasok sina Haruko at Fuji ay sinalubong niya ang mga ito. At pansumadaling nakalimutan ang kanyang mga kaibigan.

"Whheeewwww, salamat kay Haruko-chan," sabay na wika nila Yasuda at Ookuza.

"Haruko-chan, kamusta na? bati ni Sakuragi na nag-bablush pa.

'"Oh, Sakuragi-kun kamusta bakit ngayong ka lang ulit pumasok?" tanong naman nito.

Narinig iyon ni Rukawa dahil hindi naman siya kalayuan kung nasasaan si Sakuragi at biglang nailaglag ang hawak na bola ng hindi namamalayan. Naka-agaw pansin iyon kay Yohei at namataan niya ang ace na may mapag-alalang mga mata sa unang pag-kakataon. Ibinaling niya muli ang kanyang atensyon sa kanyang kaibigan ng may tanong. Hindi iyon napansin ni Sakuragi dahil abala ito sa kayang kaibigang babae.

"Ah, eh. Meron akong importanteng inasikaso Haruko-chan." sagot ni Sakuragi.

"Booooggss!" Gori punch mas malakas.

"Balik sa praktis!" utos ni Akagi. "Ang tagal mong absent kailangan mong mag-praktis ng maigi. Pag-katapos ng praktis ikaw ang malilinis nitong gym bilang parusa!" dugtong pa nito.

"Gorrriii! Baket ako?" protesta ni Sakuragi. Ngunit hindi na ito pinansin ng Captain.

Pag-katapos ng praktis, ay naiwan si Sakuragi at ang kanyang gundun pati na rin si Rukawa. Nap-paiwan si Rukawa gaya ng naka-ugalian na niya extra time for practice. Pag-kalipas ng ilang minuto natapos na si Rukawa sa pag-papraktis at sa halip na dumaretso na pauwi ay tumulong na lang sa pag-lilinis. Na ikina-gulat ng mga kaibigan ni Sakuragi. Habang si Sakuragi sa kabilang dako ay nananatiling tahimik at patuloy na nag-lilinis.

Ni, minsan hindi sumanggi sa kanilang isip si Rukawa tutulong? at kay Sakuragi pa. Napangiti si Yohei sa pangyayari. 'Sa palagay ko eto na ang Simula ng magandang pag-kakaibigan'. dag-dag pa sa isipin ni Yohei. Pag-katapos nilang maglinis ay sabay-sabay silang umuwi. At ikinatuwa naman nila ito. Sa unang pag-kakataon nakasabay nila si Rukawa sa pag-lalakad.