Crystal Blue Rosary

Summary: Filipino/Taglish fic. What if a Crusader meets a priestess in the weirdest of ways?

"..."-words

'...'-thoughts

blah blah blah- reflections

Tumatakbo ang isang Crusader sa kalye papunta sa isang mangagalakal.

Dapat akong makabili ng Crystal Blue Rosary. Kung hindi, hindi ako matututunan ang skill ng pagpapalabas sa demonyo! Ayun! Crystal Blue Rosary!'

"Kuya, magkano po yang Crystal Blue Rosary na iyan?" "1M." "Babaan niyo naman!"

"Hoy, Crusader! Kaala mo kung sino ka, umalis ka nga! Kung wala kang pera, huwag mo na bilhin itong rosaryong ito! 1 000 000 zeny ang halaga nitong Crystal Blue Rosary na ito! At hindi madaling humanap ng mga ito!" sumigaw ang isang merchant sa isang kawawang Crusader.

Malapit sa dinadaanan ng isang crusader, may isang priestess na tumatakbo't lumilipad ang palda sa bilis ng pagtakbo.

'Dapat makahanap na ako ng isang Bible! Ang tanga ko naman at hindi ko mabili ang isang kahanga-hangang aklat tungkol sa Salita ng Diyos! Ayun! Isang Bible!'

"Magkano po yung Bible?" tanong niya sa merchant na nakaaway ng Crusader, "1M." "Ang kurakot niyo!" "Che, priestess ka lang, dapat may nagpapakumpisal ka!" "Hmph."

Yung Crusader, na ang pangalan ay Ruichiro, ay nagtanong, "Bible po, Sister?" "Opo, kagalang-galang na sundalo ng Panginoon..." sabi ng paring babae na si Ryuura.

"O, eto, Bibliya. Matagal ko nang hindi kailangan nito eh, dahil mayroon naman akong isa pa eh.."

"Ang ganda naman ng pagkatago." "Iyo na po ito, huwag na kayong magbayad." "Salamat, pero ikaw, parang may hinahanap ka rin."

"Isa pong Crystal Blue Rosary na may krus na gawa sa ginto. Para po sa aking skill na matututunan..."

'Buti na lang at hindi ko ibinenta itong rosaryo kong ito! Kailangan rin ng crusader na ito yun eh...hay.' isip ng priestess.

"O, ito, kunin mo na...pagbutihin mo ang skill mo...aalis na ako, may kumpisal pa akong gagawin."

"Teka po...anong pangalan niyo?" "Ako si Ryuura Kazerugo, dalawampu't tatlong taong gulang, naging pari sa edad na labing-anim."

"Salamat po talaga. Ako po si Ruichiro Yamamoto, aking pagbubutihin ang skill ko para hindi masayang ang rosaryo niyo at kung nasira ito, ako po ang magbabayad...Dalawampu't apat na taong gulang at naging Crusader sa edad na labing-anim."

"Huwag na, kunin mo na lang, regalo..." at kumaway papaalis ang pari papunta sa Sanctuary.

Ang ganda niya, napakabait at matalino unang pagtingin pa lang yun ni Ruichiro sa paring babae...ang kanyang mahaba't magandang gintong buhok, ang mga mata niyang kasing asul ng dagat sa Comodo, ang balat niyang malinis at malambot sa kamay, ang labi niyang parang mga rosas kung mamukadkad.

Madalang na lang ang mga crusader na tulad ni Ruichiro: maamo, magalang, mabait, matalino, mapagkumbaba at magandang tingnan sa labas at loob at naisip kahit sa unang pagtingin ni Ryuura si Ruichiro, pula ang buhok niyang pababa ang pagka-spike ng buhok niya na parang mga karayom at nakakatuwang kayumanggi niyang mata (shucks, ang engot kong mag-Tagalog)...ang kanyang pakikisama sa mga taong hindi niya kilala.

Dumiretso ang Crusader sa Sanctuary para magpakumpisal, pero nauna na si Ryuura at pumasok sa isa sa mga air-conditioned Confession Boxes para magpakumpisal ng taong may kasalanan. Si Ruichiro ay magpapakumpisal dahil dapat ay walang kasalanan ang Crusader kapag matututo ang isang skill na ang pangalan ay "Exorcism". Pumasok siya sa isang confession box.

"Anak, anong pagkakasala ang ginawa mo't pumunta ka dito?" isang babaeng pari ay nagtanong.

"Mother, ako po ay hindi tumulong sa isang kawawang novice na gustong patayin ng isang sohee noong Monday, pumitas po ako ng mangga sa puno sa Glast Heim na bawal pala noong Tuesday, minura ko po yung merchant sa Payon noong Wednesday at nakipag-away po ako sa isang merchant ngayong Thursday para sa isang Crystal Blue Rosary pero may isang mabait na paring babae na nagbigay po sakin nun. Yun lang po." tumigil si Ruichiro at namula ang pisngi ni Ryuura sa kahihiyan nang konti,

"Ruichiro Yamamoto?" "Mother Ryuura Kazerugo?"

"Ah, oo, confession dahil sa skill...teka, magpakabait ka, gumawa ng mabuti, huwag magpasaway, laging maging mabait, magdasal, salamat dun sa Bible. Pinapatawad kita sa ngalan ng Diyos, sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo..."

"Amen. Salamat po, Madre..." ngumiti si Ruichiro at umalis sila ng confession box.

Da next day...

Gumising si Ruichiro at tumingin sa relos. "BWISET! MA-LALATE NA AKO!WAAHHHHH!" naligo siya kaagad, nagbihis, dinala ang rosaryong binigay sa kanya. Sadyang napakaguwapo niya sa suot niya.

Tumatakbong palabas si Ruichiro at sinara ang door ng kuwarto at nakita si Ryuura at ang init pa naman ng araw, naglalakad lang si Ryuura hanggang sa magulat siyang may tumatakbong Crusader na late na yata...

"Oi! Nag-agahan ka na, ha, Ruichi?" "Pano mo nalaman ang nickname ko?" "Wala lang!" "Hindi pa ako nag-agahan!"

"Halika, samahan na kita sa isang restaurant malapit sa Palasyo ng Prontera. Halika na! 9:00 a.m. ang meeting eh...7:30 pa naman ng umaga...luko-loko ka talaga."

"Sige." nagbuntong-hininga si Ruichiro at ngumiti

Sa restaurant...

"WAITER!"sigaw ni Ruichiro.

"Yes sir?" natakot ang waiter, "Isang malaking bulalo, dalawang order ng nilaga, isang mainit na tsokolate at isang masarap na beef

tapang may mainit na tsokolate sa kasama ko." "Opo sir..." at umalis ang waiter, 'Ang takaw niya!' isip ng waiter.

"Sigurado ka bang mauubos mo yan, ha, Mr. Takaw?" tawa nang tawa si Ryuura.

"Siyempre..." at dumating ang waiter na natatambakan ng plato't tray.

"Tulungan na kita, waiter.." sabi ni Ruichi, "Salamat!" sabi ng waiter.

'Kaya ko siya gustong tulungan dahil nakita ko sa kanya ang kusang pagmamahal at pagtulong." inisip ni Ryuura.

"Kain na, Ryuura." sabi ni Ruichiro. Dagliang kumain ang dalawa at nabusog.

"Ang dami mong kumain pero hindi ka naman tumataba...pero at least di ka kagaya ng ibang crusader na pagkapangit."

"Ibig sabihin mo, type mo ako?" "Ang kapal mo! Waiter! Bill po!" nagbayad sila at umalis na. Iniwan na ni Ryuura si Ruichi upang makaatend sa meeting...at dyan nagtatapos ang unang kabanata