Hi people! What's up? This is me with the second chapter of Crystal Blue Rosary. All those who were waiting for it, here it is! Mwah!

Crystal Blue Rosary, chapter 2

Nasan tayo noong huling kabanata:

"Ibig sabihin mo, type mo ako?" "Ang kapal mo! Waiter! Bill po!" nagbayad sila at umalis na. Iniwan na ni Ryuura si Ruichi upang makaatend sa meeting...at dyan nagtatapos ang unang kabanata.


Sa bagong kabanata/chapter:

"Bye, Ruichi, be careful, ha! Mwah!" "T-t-thank you." namula si Ruichi, 'Wow, type nga niya ako.' inisip ng ating loko-lokong crusader pagkatapos nilang mag-agahan sa resto.

'Hay Ruichiro, dyoskopo't hindi mo pa ba alam na type nga kita?' isip ng babaeng pari habang papalakad sa Sanctuary ng Prontera.

Sa main office ng mga Crusader...

"Ruichiro! Ba't ang aga mo?" tanong ng isang babaeng crusader na ang pangalan ay Chidori (kinuha ko sa Naruto). "Paggising ko kasi kala ko late na ako eh."

Biglang nag-ring ng 9:00 ng umaga ang orasan. Simula na ng meeting...

"Mga crusader, ilabas ang inyong mga crystal blue rosary!" "Opo, General Kamikaze!" matigas na isinigaw ng mga crusader.

"Ngayon, i-exert niyo ang puwersa ng inyong katawan sa loob ng rosary pero huwag niyong sirain ang rosaryo!" nahirapan ang ibang crusader puwera na lang sa dalawa; si Shingo at si Ruichiro, na magkaaway sa lahat ng bagay...

"Ngayon! Ayun ang holy water. Basain niyo ng holy water ang rosaryo. Tignan niyo ang mangyayari!"winisikan ng holy water ng mga crusader ang rosaryo at may asul at pulang "aura" na pumaligid sa rosaryo. "Ahhhhh! Ang cute ng color!" sabi ng isang maarteng crusader.

"Ang pula at asul na aura na iyan ay may mga ibig sabihin. Ang kulay asul ang exorcism na puwedeng sumabak at makapatay. Ang pula is the energy na tutulong sa iyong maka-atake sa isang strike lamang sa mga Undead monsters o kaya sa monsters na gumagamit ng mahika (magic)." sabi ng Heneral pero may dinagdag pa siya.

"Diba ay may Grand Cross na kayo? Pero nakakamatay ang Grand Cross at maraming lakas ang ginagamit para doon. Kaya ko itinuturo ang skill na ito, at ako lamang ang umimbento nito, gumagana siya at konting lakas lang ang kailangan. Ang tawag ko dito ay, Cross of Exorcism. At para matapos na itong skill na ito, i-absorb niyo ang aura ng rosary. Pero huwag kayong mag-alala. Walang delay ang skill. I-target niyo sa kalaban ang kamay niyo at diretso na ang activation ng skill."

Inabsorba ng mga Crusader ang aura ng rosary. Sila'y lumipad sa lakas ng puwersa ng skill.

"Itago niyo ang mga rosary. Magkakalagnat kayo ng dalawang araw dahil sa skill na ito dahil nag-aadjust pa ang katawan niyo sa puwersa. Magpahinga na kayo, tapos na ang meeting na ito...Paalam..."

"Goodbye and thank you po..." sabi ng mga Crusader na nagsiuwi sa mga bahay nila.

Sa bahay ni Ruichi...

"Aray, ang sakit ng ulo ko, may lagnat na ako! WAAAAAAAAAAAAAA! Kainis...makatulog nga, anyway kumain naman ako ng lunch eh!" ayun na nga, linagnat siya...

Sa Sanctuary...

"Sister Ryuura, puwede ka nang umalis, wala nang magpapakumpisal o novice na kailangang hanapin si Padre Rubalkabura."

"Opo, Father Mareusis." "Teka, itong perang ito ay para sa iyo, binigay ng mga mayayaman ng lungsod na ito ng Prontera." "Salamat po." umalis ang paring babae at lumabas. Nais niya sanang makipag-usap kay Ruichiro at kamustahin siya sa skill.

Sa may bahay ni Ruichiro...

"Ruichirong matakaw! May pagkain ako dito!" kumatok si Ryuura, sinubukan niyan buksan ang pinto. Sarado. "RUICHING MATAKAW!" walang sagot. Nakita ni Ryuura na bukas ang bintana ng silid ni Ruichiro.

"Aha!" may nakita siyang tali sa may daan at ginamit na hook ang flail niya at chain. Inakyat niya ang bahay at tinanggal ag tali sa bintana at nakita si Ruichirong tulog.

Itong Crusader na ito...Tsk...tsk...tsk sa utak ni Ryuura sinabi niya ito.

"OI, RUICHIRONG MATAKAW! May Pagkain ako dito!" ayaw pa rin magising ng crusader. Hinila ni Ryuura ang kamay niya; ang init!

'Ang taas ng lagnat niya! Mahayaan muna siyang matulog, kawawa naman, dahil sa skill iyon, narinig ko na ang skill na iyon..'

Gumising si Ruichiro, ang sama ng pakiramdam niya, may lagnat nga siya, tapos nandoon si Ryuura, tinitignan ag gamit niya.

"O, gising ka na. Magpahinga ka pa, para gumaling ka kaagad. Nagsukat na ako ng gamot. At kung nag-aalala ka kung paano ako pumasok, tignan o ang bintana mo."

"Inakyat mo ang bintana ko, no? Thank you nga pala sa gamot, success ang pagtuto ko ng skill."

"Walang anuman iyon, may dala pa akong pagkain diyan. Kumain ka na, kanina pa ako kumain sa Sanctuary, birthday kasi ngayon ni Bishop Tomas."

"Ikaw talaga, sige iinom na ako ng gamot." pagkainom ni Ruichi ng gamot dinura niya ito sa bintana.

"BAKIT MO DINURA IYON! 25 THOUSAND ZENY ANG GINASTOS KO DIYAN NOH!"

"Ang pakla! Wala ka na bang ibang gamot na mas masarap dito?" "Meron, o, ito, inumin mo bawat anim na hours, 10 mL para sa makulit na katulad mo!" binato niya ito.

"Sorry po...iinumin ko na ang gamot..." "Ikaw talaga. Inumin mo iyan bawat anim na oras, 10 mL, mag-ingat ka, magpahinga ka para gumaling ka agad, at ito, pra mas mabilis ang paggaling mo." ginamit ng pari ang "Heal" at ngumiti.

"Eto pa, para lalong bumilis." hinalikan ng paring babae ang pisngi ng Crusader.

"Bye! Aalis na ako, may magpapakumpisal pa." at siguro, dahil sa halik na iyon, gumaling nga si Ruichiro pagakatapos ng isang araw dahil sinunod niya lahat ng sinabi ni Ryuura.