Hello! By the request of GrAyLov3 (did I spell it right?), there will be a love triangle going in the way of the Crusader and the Priestess, so, bale, magkakaroon ng love triangle, so ganito na ang ayos: Wizard(female)xCrusader(male)xPriestess(obviously female!). Thanks for cooperating.

I don't own Ragnarok Online, do I have to say it over and over again, ah, I hate life if it has to be like this!


Chapter 3:

Kasuotang nabahid ng Dugo

Noong gabing iyon, naghintay ang babaeng pari ng mga magpapakumpisal. Wala, tahimik, walang katao-tao ang Prontera Sanctuary pero 8:00 pa lamang ng gabi. Nagpasyang umuwi na ang Priestess pero magkape muna.

Ang Crusader naman ay tuluyang gumaling ang kanyang pakiramdam pagkatapos matulog ng mangilang-ilang oras pero gumising ng ika-8 ng gabi, gutom na gutom pa.

'PAGKAIN!INIWAN NIYA YUNG PAGKAIN! Kainin ko na lang.' nakatatak sa utak ng Crusader ang mga iyon.

Parang baboy na hindi kumain nang tatlong araw ang Crusader habang kumakain. Naligo siya kaagad at lumabas, malamig-lamig pero masarap ang simoy ng hangin noong gabing iyon kaya hindi siya nagdamit ng panlamig para maramdaman ito.

Tumungo siya sa isang coffee shop at uminom ng mainit na kape na masarap sa lalamunan. Nandun rin si Ryuura, pero hindi niya napansin dahil nakatalikod silang dalawa.

Hinipan ni Ruichiro ang kape at hinayaang mapunta ang init nito sa mukha niya. Hay, ang sarap ng kape, tamang-tama ang timpla!

Inubos ni Ryuura ang kape niya at lumabas sa mga madilim na "alley" ng Prontera. Doon ay inatake siya ng mga masasamang Rogue, anim sila, 2 babae, 4 lalaki.

Sa coffee shop ay patuloy ang pag-inom ni Ruichiro ng kape habang binayaran niya ito. Noong natapos siya ay may masamang pakiramdam siya na parang may masamang nangyari kay Ryuura. Dumaan siya sa mga madidilim na kalye at nakarinig ng mga tawa , iyak at sigaw ng tao sa loob ng isang "safehouse".Nakinig si Ruichiro sa mga pader at narinig ang isang pamiliar na boses at sa isang maliit na butas ay nakita niya ang nangyayari.

Sa safehouse, sinasaktan ng mga babaeng rogue ang walang kadepe-depensang paring babae gamit ng mga katakut-takot na katar. Tumatawa ang mga lalaking rogue at ine-enjoy ang eksena: sinisira ng mga babaeng rogue ang damit niya at sinasampal siya.

"Madre, ako po'y bendisyunan niyo sapagkat ako'y nagkasala!" pabirong sinabi ng isang rogue at dinuraan ang paring babae.

"Ang corny niyo! Reypin niyo na habang walang tao!" sabi ng isang babaeng rogue habang sinasaksak ang damit ni Ryuura sa isang pader.

"Sige! Gahasaan na, mga pare!" sigaw ng isang rogue habang umiinom ng alak.

Sa labas ay hindi nila alam na may isang Crusader na nag-iinit na ang ulo dahil inaabuso nila ang kanyang minamahal.

'Hindi ko kayang masaktan siya!' ang nasa isip ng Crusader na galit na galit. Sinipa niya ang pinto ng safehouse at linabas ang kanyang nakakatakot na galit sabay na inapoy niya ang bakal ng espada niya. Rereypin na sana nila si Ryuura.

"Sino kayo at sinasaktan niyo ang isang taong walang kasalanan!" "At sino ka upang guluhin kami?" inirapan ng babaeng rogue si Ruichiro.

Sinampal sa mukha ni Ruichiro ang babaeng rogue, "Walanghiya kang Crusader!" hiyaw ng isa pang babaeng rogue.

Kumuha ng falchion ang mga lalaking rogue at dagliang sinugod si Ruichiro. Linabas naman ni Ruichiro ang espada niyang umaapoy, parang ang mga mata niyang nagagalit. Hinarap niya ang pinuno ng mga rogue at sabay silang sumugod, parehong nasugatan sila. Mahirap ang laban dahil pareho silang matalino, malakas at magaling. Pero biglang naalala ni Ruichiro ang lahat ng ginawa ni Ryuura para sa kanya at tumapang. Hindi na siya umurong at muntik nang paslangin ang rogue. Natakot ang mga rogue at dagliang umalis. Naiwan na lamang si Ruichiro, na duguan ang suot, duguan ang buong kasuotan at ang kaliwang bahagi ng mukha niya. Hindi na parang apoy ang mata niya, bumalik na ito sa dating kayumanggi.

"Ryuura, gising, wala na sila." hinawakan ng Crusader ang kamay ng Priestess.

"Huh? Ba-kit ka-a dug-duguan?" nanghihinayang siya sa kaynag paggising.

"Inaway ko sila, ayaw kitang mapahamak. Kamusta ka na?"

"Ayos na ako, tulungan mo na ako makauwi." "Huwag, doon ka na lang sa bahay ko."

"Sige, aray, ang sakit ng binti ko, hindi ako makalakad." kinarga ni Ruichiro si Ryuura.

"Kumapit ka sa leeg ko. Humawak ka nang mabuti." hanggang sa bahay ni Ruichiro'y nakatulog na si Ryuura sa pagod. Noong ihiniga ni Ruichiro si Ryuura, ginamot niya ang mga sugat niya.

Yes! Isang libong pogi points para sa akin! Yes! Nakagawa na naman ako ng good deed! Ngiti ng Crusader pero sincere naman, hindi plastik! Matulog ka nang maayos, para makabawi ka bukas.

Sa ibang kuwarto na lang natulog ang Crusader upang hindi madistorbo ang mahimbing na tulog ng Priestess.