Hello ladies and gentlemen, tomboys and gays, alive and undead, angels and demons, humans and animals! JOKE! I got that from my classmate. Here is the 4th chapter of the worldly-acclaimed (joking only) Crystal Blue Rosary.
Waaa...disclaimer: HINDI KO PAG-AARI ANG RAGNAROK...THANK YOU!
Chapter 4:
Ang Wizard na Selos
Gumising si Ryuura ng umaga. Ang una niyang nakita ay pulang buhok na tirik-tirik. Nanlaki ang mata niya at nakita na hindi niya bahay iyon. May katabi rin siyang lalaki, at ang mga naalala niyang sugat ay lininis at ginamot na. Pero ba't may lalaki sa kuwarto?
"RAPIST! MANG-RERAPE! AAAAAAH! TULONG! RUICHIRO!" sigaw ng priestess na gulat na gulat.
Tulog na tulog si Ruichiro at nagtalukbong noong narinig niya ang nakakainis na hiyaw!
Ryuura, tumahimik ka nga diyan, sarap matulog eh! Isip ng Crusader habang patuloy na natutulog.
Gumising si Ruichiro na gulo-gulo ang buhok at may muta pa sa mata. Nanghinayang siya kung bakit hiyaw nang hiyaw ang paring babae.
"Ryuura! Tumahimik ka nga, alas-singko y media pa lang at nagdadaldal ka na diyan? Nasan ba yung rapist na yan?" kumuha ng sandata si Ruichiro.
"Sorry, kala ko ikaw yung rapist eh. Pasensya na kung naging pabigat lang ako sa iyo kagabi." "Wala iyon!" unti-unting namula ang mukha ni Ruichiro sa kahihiyan.
"Umuwi ka na, mag-ingat ka!" sabi ng Crusader sa kanyang kasintahan at umalis si Ryuura. "Magkita tayo mamaya sa parke ha. Bye!" sabi ni Ryuura.
Parke? Ba't dun? Magdadala kaya yun ng pagkain? Sana...Isip ng crusader na matakaw. Pumunta sa silid-kainan ang crusader at magluluto na sana hanggang nakakita siya ng isang paper bag na may sulat:
Ruichirong matakaw,
Kainin mo na iyan. Akong nagluto niyan! Masarap iyan, kumain ka na, paborito mo yan! Oy, alam mo, uh, panu ko masasabi...type kita, hindi lang type, mahal kita.
Luko-loko ka talaga't matakaw,
Ryuura
"AYOS!PASADO AKO SA KANYA!" sumayaw sa loob ng bahay ang crusader at pagtingin niya sa labas ng bahay ay may yelo na nahuhulog galing langit.
"Brrr...malamig na nga, makakain nga." noong binuksan niya ang paper bag na malaki, ang daming pagkain, mainit pa ang kanin, masarap pa rin ang amoy ng ulam.
Nagpainit muna ng panligong tubig si Ruichiro at noong tapos na iyon ay kumain siya ng agahan.
Ang sarap ng pagkain! Hay, ang galing niya talaga magluto! Ngumiti sa sarap ang Crusader.
Sa kinaroroonan ni Ryuura...
Mag-isa ring naninirahan sa bahay niya si Ryuura. Ruichiro, sana gusto mo yung linuto ko, linagay ko ang buong puso ko sa pagluluto niyan. Ngumiti siya noong nagkaroon siya ng pakiramdam na gusto ni Ruichiro ang pagkain.
Mamayang hapon...
Sa bahay ni Ruichiro...
"Ay! Magkikita kami ni Ryuura! Errr! 4:00 na ng hapon! Naghihintay na siguro iyon!" naligo siya kaagad ng ininit niyang tubig at talagang nag-ayos ng hitsura, at 10 beses nagmumug ng mouthwash. Lumabas siya ng bahay na may mga suot na panlamig.
Sa bahay ni Ryuura...
"AAAAAAAAAAH! Oo nga pala! Naghihintay na siguro yung matakaw na Ruichirong iyon!" naligo rin siya kaagad at inayos ang sarili at 10 beses nagsepilyo. Lumabas siya sa bahay na naka panlamig at hindi yung sinusuot lagi ng priestess.
Sa parke...
Nauna si Ruichiro makarating at umupo sa ilalim ng kanyang paboritong puno: ang puno ng cherry blossom. Ang ganda, kahit ang ibang mga puno'y nagsilagasan ng dahon. Hindi niya alam na may isang babaeng Wizard na ineespiyahan siya at baliw na baliw sa kanya.
"Dapat mapasaakin siya! At kung naging asawa ko siya, magkakaroon kami ng 150 na anak! Buti na lang ay may gayuma ako! Isang spray lang ng perfume na ito ay ako ang magugustuhan niya!" tangkang plano ng Wizard. Mag-iispray na ako!
Winisik ng Wizard na babae ang gayuma at muntik na umabot sa ilong ni Ruichiro ito pero nawisikan ang isang pangit na Blacksmith na lalaki at sa kanya umabot ang gayuma. Hinabol niya ang babaeng Wizard hanggang sa nagamit ng Wizard ang kanyang Ice Wall at dun nabunggo ang Blacksmith at nahimatay.
Dumating si Ryuura na humihingal at nakita niya si Ruichiro na nakaupo sa ilalim ng isang punong cherry blossom at kumakaway. Nakarating si Ryuura sa tabi ni Ruichiro.
"Kanina ka pa ba nandito?" "Ngayon lang." "Kumusta naman yung pagkain na linuto ko?" "ANG SARAPPPPPPPPPPPP!" sumigaw ang crusader sa tuwa.
Lumabas ang Wizard at pinuntahan ang dalawa sa ilalim ng puno. May gf na pala siya! Ang suwerte naman ng gf niya! Dapat makuha ko si Ruichiro!
"Ako si Kea, isang Wizard, taga-Geffen, at mahal kita, Crusader. Paalam." sabi niya at lumayas.
"Ruiching matakaw, sino iyon?" "Ewan ko, krung-krung yata yun na nakalabas sa Mental Hospital eh!" tawa nang tawa ang magkasama. "KRUNG-KRUNG!" tapos nagkunwaring baliw si Ruichiro at tumawa si Ryuura na nahulog siya sa lupa sa kakatawa. Ganun din si Ruichiro.
Anu ba iyan? Hindi ako pinayagan ng Crusader na iyon! GAGAWIN KO ANG LAHAT para makuha siya!
"Ang krung-krung talaga nung Wizard na iyon!" "Ryuura, tsk, marinig ka pa...alam mo namang madaling magalit ang mga wizard, pero ang krung-krung niya!"
"Sige, umalis na tayo, madilim na. Paalam!" "Mag-ingat ka at baka mahanap ka uli ng mga rogue!" "LOKO!"
