Hi peoplez! Kung natawa kayo sa chapter 4, papaiyakin ko naman kayo dito sa chapter 5, trust me, maluluha kayo, masesenti or any emotion na senti. Maghanda na kayo ng tissue and paper towels or towel.


Chapter 5:

Mas malakas ang pag-ibig kasya kamatayan

"Ruichiro, doon ka na lang sa bahay ko, malapit lang iyon dito." "Sige, inaantok na ako." humikab ang Crusader.

Mamaya...

"Ang cute naman ng bahay mo, ikaw lang ba nag-ayos? Ang daming krus dito, may gold, may silver!"

"Ruichiro, may ibibigay ako sa iyo, isara mo muna ang mata mo!" sabi ni Ryuura. Sumunod nga ang Crusader at tumatawa pa.

May kwintas na dala si Ryuura, kapares ng sinusuot niya, isang silver na kwintas na may krus at mga asul na mamahaling bato. Inilagay niya iyon sa leeg ni Ruichiro.

"Buksan mo na ang mata mo." noong binuksan ni Ruichiro ang mata niya ay nagandahan siya sa kwintas, kaparis ng kwintas ni Ryuura ang nakasabit sa leeg.

"Thank you, ha!" sabi niya sa babaeng pari, "Remembrance iyan, baka kasi mawalay tayo. Goodnight, matulog ka na, may isa pang kuwartong hindi nagagamit, doon ka na."

Da next day...

"Ruichirrrrrrrrroooooooooooooooooooooooooooooooooo! Gising naaaaaaaa! Handa na ang almusal!" sigaw ng babaeng pari mula sa unang palapag ng bahay.

"Oo na! Para ka namang nanay ko nung bata pa ako! Pero, ang sarap ng simoy ng hangin kagabi, ang lamig! Ang lambot pa ng higaan!" balik ng Crusader..

Bumaba ang Crusader na nakakaamoy ng tsokolate. Sinusundan niya ang amoy hanggang sa nabangga niya si Ryuura.

"Anong ulam?" "Champorado, obvious ba?" "Kaya pala amoy tsokolate!" "Kakabili ko lang ng tsokolate, maraming bigas sa kusina, kaya inisip kong mag-tsamporado.."

"Tagay na! Kainan na!" umupo kaagad sa mesa ang Crusader at tinikman ang champorado.

Unang tikim pa lang at parang nasa langit na ang Crusader nating matakaw, hindi masyadong matamis ang champorado kaya type niya.

"Anong lasa?" "Sarap, hindi masyadong matamis, tamang-tama lang." "O, eto, tubig."

Pagkatapos ng agahan...

Pagkaligo't pagkabihis ng dalawa ay sinabi ni Ruichiro na pupunta sila sa Glast Heim, pugad ng mga Undead na halimaw.

"Eh, Ruichiro, mapanganib doon!" "Eh, gusto ko eh, gusto kong magpalakas!" "Halika na!"

Sa loob ng Glast Heim prison...

"Nakakatakot ditooooo!" reklamo ng Priestess, "Eh, kung sinabi mo sa akin na hindi ka sasama, e di iniwan na kita!"

"Eh pano kung namatay ka or nasugatan." "Kaya ka nga nandito eh." tawa ng Crusader.

"Ryuura, umilag ka! May Dark Frame sa likod mo! Tatapusin ko na iyan! Holy Cross!" agad namatay ang Dark Frame.

"Salamat. Hala! May Zombie Prisoner! Holy Light!" at agad napatay ang Zombie Prisoner.

"Dalian mo, baka may Injustice dito!" at oo, may Injustice silang nakita. "Alis diyan, Ryuura, baka masugatan ka pa!"

"Lex Divina!" ang agad na salita ni Ryuura. "Shield Boomerang!" pero mali ang nangyari, isang Zombie ang natamaan ng kalasag, hindi ang Injustice.

"Aba, aba, isang batang napaka-bobo, lalasunin ko ang kasama mong babae ng isang lason na hindi matatanggal ng kahit anong kontra-lason!"

"Ryuura, tumakbo ka!" "Hindi! Kahit malason ako!" "DEVOTION!" tinira ng Injustice sa bisig si Ryuura gamit ng kanyang lason sa kutsilyo. Hindi si Ryuura ang nakatanggap ng lason, si Ruichiro.

May isang babaeng Alchemist na tumulong at tinapunan ng kanyang mga potion na kakaiba ang Injustice, namatay ang Injustice pero nasa panganib ang buhay ng Crusader.

"Pinsan kong Ate Ryuura, may Green Herb po ba kayo?" "Wala, Yuki, wala."

"Naayon sa aking libro tungkol sa lason, wala nang kokontra sa lason ng Injustice. Mamamatay na lamang si Ruichiro sa 3 oras kung walang sapat na Green Herb o Green Potion." desperadong galit ni Yuki

"May kailangan ba kayo?" tanong ng isang batang lalaki na Merchant na hirap na hirap sa pagkarga ng mga gamit niya, "Ano yang dala mo, bata?" "Mga potions po, karamihan ay Green Potions na hindi pa nabebenta."

"Ilan ang dala mong Green Potions?" "Limampu, Ate kong pari." "Magkano isa?" "25 zeny po. Para po ba sa kasama niyo ito?" "Oo, sa Crusader na ito." "Mag-on na ba kayo?"

"Basta, o, 100 zeny, keep the change, 3 Green Potion." "Salamat poooo! May makakain na kami ulit mamaya!"

"Paalam na, Ate Ryuura, kailangan ko talagang umalis, hinihintay na ako ni Nanay Kiyara." "O sige, kaya ko na."

Parang patay na ang hitsura ni Ruichiro at may mga maliliit na perlas ng kanyang pawis na malamig sa kanyang noo. Nanlalamig siya, unti-unting namamatay.

"Ruichiro, ba't mo iyon ginawa?" "Ryuu-ra, ggg-ina-wa kkkko iyon da-h-h-hil ma-a-hal kit-a." pinainom ni Ryuura ang Green Potion.

"Mabubuhay ka, maniwala ka sa akin." yinakap ni Ryuura si Ruichiro, "Mabubuhay ka." na-shock si Ryuura noong hinawakan niya ang kamay ni Ruichiro, malamig, wala siyang nararamdamang pulso, nag-kokombulsyon lalo si Ruichiro. Binuhos ni Ryuura ang Green Potion sa sugat ni Ruichiro na nalason.

"Ruichiro, hindi ka puwedeng mawala sa akin! Lahat yata ng pagsasama natin dito ba nagtatapos? Alam kong mabait ang pag-ibig, hahanapin niya ang daan para mabuhay ka. LUMABAN KA!"

"Ryuura, hindi ko na kaya, maghanap ka na ng isang taong hindi kagaya ko, mahina ako, hindi kita kayang iligtas."

"Hindi iyan totoo! Iniligtas mo ako sa mga rogue na iyon! Ikaw lang ang nakagawa ng ganoon. Malakas ka, kaya mo iyan, huwag mo akong iwanan."

"Magkita na lang tayo sa kabilang buhay, Ryuura Kazerugo..." "Hindiiiiiii!"

Iyak nang iyak si Ryuura, Wala akong silbi! Isa akong priestess pero wala akong nailigtas, binago talaga ni Ruichiro ang buhay ko...Sana mamatay na lang ako.

Ang mga luha ni Ryuura ay nahulog sa mata ni Ruichiro na parang tubig ulan na nahuhulog sa isang bubong na sira habang ika'y tulog.

"Ruichi, ikaw lang sa buong mundo ang kaya kong mahalin nang tunay..."

Nasa huling hinga na lamang ng buhay si Ruichiro, ilang minuto na lang ay patay na siya. Wala nang kontra-lason si Ryuura.

"Ruichiro, kung mamatay ka, sana nasa langit ka na." hindi na makapagsalita sa sobrang pagluha at lungkot si Ryuura. Kumuha siya ng blindfold na itim at tinakpan ang kanyang mga mata sabay na may panyo para matuyo ang mata niya.

"Simula ngayon, hindi ko na ninanais na makakita ng kahit anong bagay. Mamumuhay na lamang ako sa dilim." at nahulog lalo ang mga luha niya sa mata ni Ruichiro.

Noong nahulog sa mata ni Ruichiro ang huling luha, gumagalaw-galaw na ang mata ni Ruichiro at gumising.

Ba't lasang Green Potion ang bibig ko? Ba't naman umiiyak itong Priestess na ito. Kamot sa ulo ng Crusader.

Yinakap niya si Ryuura at hinawakan ang buhok niya. "Hoy, anong iniiyak-iyak mo diyan, baby damulag ka talaga!" tinanggal niya ang panyong nakapiring sa mata ni Ryuura.

"RUICHIRO? Kala ko patay ka na! Salamat sa Diyos at buhay ka pa!" "Hindi ka mahina, Ryuura, linigtas mo ako." "Pabalik ko lang iyan, marami ka nang nagawa para sa akin."

"Oss...talaga?" "Loko-loko ka! Mwah!" namula ang pisngi ni Ruichiro, Nakakahiya...waaaaa...kahiya ako!

Hinalikan ni Ruichiro sa labi si Ryuura, Magaling ka palang humalik, ah, Ruichiro. At naging nakakahiya, may dalawang Monk, babae at lalaki, 3 Merchants na puros lalaki, 3 Swordsman puros babae, nanonood sa isang libreng kissing scene na ala-Lova Palooza ang dating.

"Hoy! Kayong mga lovebirds! Alis diyan! BINO-BLOCK NIYO YUNG EXIT EH!"

"Ganun ba? Sorry!" lumabas si Ruichiro at Ryuura sa exit at bumalik sa Prontera.

"Ayos ba ang adventure natin?" "Grabe, saya! Magpakasal na kaya tayo!" "To the simbahan!"


AT MAKIKITA NATIN ANG KASAL NILA SA SUSUNOD NA KABANATA! PLEASE REVIEW!