Hi! If I made you cry after the last chapter, now I'll make you roll on the floor laughing on your own! I hope you like this chapter kahit nasa Tagalog siya, you'll love the story if you can translate it! CIAO! Please read and review!
Chapter 6:
Ang bayaw at hipag ko
Sa Prontera...
Lumalakad sina Ryuura at Ruichiro, tumatawa na parang mag-asawa at papunta sa Sanctuary. Lahat ng babae na nadaanan nila ay naglalaway dahil kay Ruichiro at lahat ng lalaki ay nagpipilit silipan si Ryuura.
"Ang guwapo naman ng Crusader na iyon! Sayang, taken na siya!" sabi ng isang maarteng Sage.
"Gumawa ka kaya ng gayuma, bobo ka pala!" binatukan ng isang Huntress ang Sage na si Geffenia.
"'Nay? Ano po ang ibig sabihin ng bobo?" sabi ng isang inosenteng batang lalaki na Swordsman sa nanay niyang Merchant.
"Uh, bad word iyan, Ruko." sabi ng nanay niyang Merchant na si Ilzude.
"Proud siguro sa kanya ang parents niya, napakaamong Crusader, asteeg siya! Sino kaya magulang niyan? Siguro maganda ang nanay!" sabi ng isang Priestess sa mga kumare niya.
"Ang ganda ng Priestess na iyon! Sino kaya ang mga kamag-anak niya?" sabi ng isang Blacksmith habang bumabato ng piso sa ere.
"BASTA! TAKEN NA SIYA! HUWAG NA KAYONG MAGING ASAR NA MALIBOG! BAGAY SILANG DALAWA!" sabi ng dalawang magkasintahang lalaking Monk at babaeng Dancer.
Sa panig ng dalawang magkasama...
"Ryuura, dapat makilala ko muna ang magiging hipag at bayaw ko." "Ganun din ako Ruichiro."
"Taga-saan ba ang magulang mo?" "Dalagang Geffen ako, doon ako ipinanganak!"
"Kaya pala noong una kitang nakitang loka-loka, naakit na ako!" "BOLERO!"
"Taga-san ka naman, Ruichiro?" "Mga parents ko? Nandito sila sa Prontera, dito rin ako ipinanganak." "Well, nandito na tayo sa Sanctuary. Magpa-apply na tayo!"
Sa loob ng simbahan...
"HELLO PO! AKO PO SI MARRY HAPPY! WEDDING ARRANGER AND STAFF! ANO PO ANG MAGAGAWA KO PARA SA INYO?"
"Magpapa-apply kami ng kasal." "Sino po kayo?" "Ako si Ryuura Kazerugo, Priestess, age 25, favorite color light blue."
"Ako si Ruichiro Yamamoto, your friendly next door Crusader, age 26, at gustong-gusto ko ang blue!"
"Ang cute niyo namang dalawa! Parang tinadhana talaga kayo! Pero, mahal po ang magpakasal, diba? Bibili pa kayo at maghahanda, at ang bride's payment po ay 1.2 million zeny, samantalang 1.3 po sa lalaki."
"I-apply niyo na kami, Ms. Marry, babayaran na lang po namin ang mga kailangan namin sa lalong madaling panahon!"
"RUICHIRO! WALA TAYONG PERA! ANO KA BA?" "Relax! Alam ko kung anong gagawin ko." lingid sa kaalaman ni Ryuura, si Ruichiro ay ang apo ng pinunong hari ng kahariang Midgard, si Tristan III.
"Ok! Siguraduhin mo lang iyan, Ruichirong matakaw!" ang sabi ni Ryuura dahil nababasa niya na may paraan si Ruichiro na hindi kasama ang pagnanakaw.
Sa labas ng Sanctuary...
"Kasal na ba kayo?" tanong ng isang High Priest na lalaki sa magkasama, "ENGOT KA PALA EH! Kapag naka-tuxedo't wedding gown ng kami, saka mo lang masasabi na kasal na kami!" pinukpok ni Ruichiro sa ulo ang High Priest.
"Ruichiro, eh, gusto kong makita ang mga magulang mo." "Sige ba! Banda ritong kalsada na ito ang kanilang bahay!"
Nakarating ang magkasintahan sa bahay ng tatay at nanay ni Ruichiro, napakaganda ng bahay at halos palasyo ang dating.
"Tao po!" sigaw ni Ryuura sa pintuan, binuksan ng isang di-gaanong matandang babae na parang may kahawig kay Ruichiro.
"Ruichiro! Anak! Sino naman itong babaeng ito? Ang ganda naman niya, napakagalang pa!" sabi ng nanay ni Ruichiro na isang Crusader rin dati, "Eh, 'nay, si Ryuura po ito, kasintahan ko po."
Nahimatay ang nanay ni Ruichiro. Biglang lumabas ang tatay ni Ruichiro na dating isang Alchemist at sinalo ang nanay ni Ruichiro.
"Ruichiro! Anak ko! Ano na naman at nahimatay ang nanay mong bata ka!" "'Tay, hindi na ako bata!" biglang nagising ang nanay ni Ruichiro.
"Hay salamat sa Diyos! Magkakaroon na rin ng asawa ang anak ko! Naghintay na ako ng sobrang tagal!"
"Ano! Si Ruichiro? Magkaka-asawa na? O kunin mo na itong 3 bilyong zeny sa tseke! Magdeposit kayo kung kinakailangan!" sabi ng tatay ni Ruichiro, "Regalo ko na ito!" sabi ng nanay ni Ruichiro.
"Pasok kayong dalawa, mag-usap na tayo, para makilala naman natin ang magiging asawa ni Ruichi." sabi ng tatay ni Ruichiro.
Sa loob ng bahay ni Ruichiro...
"Ang ganda naman ng bahay nila." "Oo, maganda nga..."
"Ikaw pala si Ryuura?" "Opo, sir." "Tawagin mo na lang akong tatay." "Tatay, ang anak niyo pong si Ruichiro ay isang napakatinong tao, eh, may pagkalibog nga lang po."
"Hay, Ryuura, ang batang iyan, malibog!" "Sir, alam niyo po ba, binigyan niya ako ng Bibliya nang libre."
"Talaga? Mana sa nanay niya." ngiti ng tatay ni Ruichiro habang tumatawa ang nanay.
"Ryuura, alam mo ba, noong bata iyan, ang liit, parang garapata ng aso! Noong ipinganak muntik nang mamatay, sabi ng doktor, mahina daw siya, sakitin rin, hindi kayang magbuhat pero mahilig sa disgrasya at napakabobo niya noong bata! Napakapangit niyan noong bata! Hay, ba't kaya ang tangkad na niya't napakatalino? Hindi ko alam kung bakit, pero ang guwapo-guwapo mo talaga anak!" kinurot ng nanay si Ruichiro sa pisngi (ouch).
"Ganoon po ba, Inay? Ganun ba si Ruichiro? Hindi ako makapaniwala!" sinabi ni Ryuura habang nahuhulog sa sofa sa kakatawa.
"Iniligtas niya rin ako sa mga masasamang rogue, muntik na po akong mapatay, hanggang dumating siya, muntik na rin akong mamatay sa Glast Heim at muntik na siyang mamatay dahil kinuha niya ang atake ng kalaban na lason." pinagmalaki pa ni Ryuura.
"Pero, noong nalason ako, siya naman ang nagligtas sa akin! Nagtiwala siya at nagsakripisyo pa ng zeny para makabili ng Green pots na makakapagpawalang-bisa sa lason." patunay ni Ruichiro.
"Aba'y maganda naman, sige umalis na kayo at kausapin ang magiging kumpadre ko."
"Teka, sinong magiging kumpadre niyo, Itay?" "E di ang tatay ni Ryuura."
Umalis na sina Ruichiro at Ryuura kasama ang tseke na itinago ni Ruichiro nang mabuti. Nagpa-teleport sila sa Kafra papuntang Geffen upang makita ang mga magulang ni Ryuura.
Sa Geffen...
"O, Ryuura, nasan ang bahay niyo dito?" "Kumaliwa tayo, tapos dire-diretsuhin lang natin yan, sandali lang naman iyan."
Dumating sina Ruichiro sa bahay ni Ryuura, maliit at halos sira-sira na. May butas ang bubong, basag ang bintana, sira ang pinto, butas ang mga tubo, at parang nasalanta ng landslide ang bahay.
"Eto ba talaga ang bahay?" kamot ni Ruichiro sa ulo.
"Oo, pasensya ka na, naghirap ang mga magulang ko dahil sa akin, dahil sa kagustuhan kong maging isang Priestess. Ginusto nilang maging isang Sage ako pero sa katigasan ng ulo ko, naging Priestess ako, kaya naghihirap kami." tumulo ang luha ni Ryuura.
"Kung iyon rin naman ang gusto mo, eh di ganun, walang dapat pumigil sa iyo, Ryuura, buhay mo iyan eh, tahan na! Para kang bata kung umiyak..."
"Salbahi ka talaga...Halika na, kumatok na tayo."
Kumatok ang dalawang magkasama sa sirang pinto na may knocker na may bungo, may sumagot na babaeng matanda na nakadamit ng isang Silk Robe na may dugu-dugo.
"Anu iyon, anak?" "Inay, si Ryuura po ito, puwede po ba akong pumaso-" nahinto ang kanyang sasabihin, "Umalis ka dito! Ang angkan ng Kazerugo ay angkan lamang ng mga mahikero. Hindi ka dapat tawaging isang Kazerugo!"
"Excuse me po! Pero itong anak niyong ito ang nagligtas ng buhay ko! Maipapakita ko na nararapat siyang tawaging Kazerugo kahit hindi siya mahikera!"
"At sino ka? Mukha kang mayaman, at hindi ko papayagang hindi Wizard o Sage ang mapapangasawahan ng anak ko!"
"Fura! Tama na iyan! Ryuura, anak, pumasok na kayong dalawa ng kasama mo." sabi ng isang matandang Hunter, si Kudo, ang isa sa limang Kazerugo na nag-pasaway at naging Hunter kaysa Mage.
(Ang limang Kazerugong nag-pasaway ay: si Ryuura, ang tatay niyang si Kudo, ang pinsan niyang Assassin, ang lolo niyang naging isang Blacksmith at ang great, great, great grandmother niyang naging isang Dancer)
"Ryuura, sabihin mo kung handa na kayong magpakasal, mabuti ba ang lalaking iyan na asawa? May pera ba siya o desenteng trabaho."
"Ako po si Ruichiro Yamamoto, Crusader, mas matanda ng isang taon sa anak niyo, apo ni Haring Tristan III, nagbebenta po ng Poring Egg ng 10k sa mga Merchant Class at 50k sa mga ordinaryong mamamayan. Iniligtas po ako ng anak niyo sa bingit ng kamatayan sa Glast Heim at dahil sa kanya, natuto ako ng isang skill na mahirap i-master, inalagaan niya rin ako noong may sakit ako."
"Si Ruichiro po ay napakabuting tao, noong na-kidnap po ako ng mga Rogue, mag-isa niyang kinalaban sila at napatumba sila, binigyan niya ako ng isang Bibliyang hindi ko mabili, siya ang nag-alaga sa akin noong nasugatan ako, siya ang sumalo ng atake ng Injustice sa Glast Heim at siya ang nalason dahil mas papayagan niyang siya ang mamatay kaysa ako, kaya ko siya mahal, Itay, Inay."
"Ryuura, pinapayagan na kitang makasal, para makaahon tayo sa kahirapan at maging masaya ka sa buhay mo. Binebendisyunan na kita, Ryuura Kazerugo-Yamamoto."
"Ganun din ako, Ryuura, pasensya na anak at hindi kita nagawang maging masaya sa kung anong gusto mo, binebendisyunan na rin kita."
"Salamat Itay at Inay." "Ruichiro, protektahan mo siya, ingatan niyo ang mga sarili niyo." "OPO!"
"Paalam Itay, paalam Inay!" "Paalam!" "Paalam rin po, ginoong Kazerugo at ginang Kazerugo."
Pagbalik sa Prontera...
"Ruichiro, dalian mo! May Devirucchi dito! Baka mabenta pa ang kaluluwa mo."
"Sige, saan tayo?" "Sa Prontera Sanctuary, para masabi ko na kina Bishop Tomas at kay Padre Mareusis ang tungkol sa kasal natin."
Sa Sanctuary...
"Padre Mareusis! Padre Mareusis!" "O, bakit, Ryuura?" "Ikakasal na po ako sa Crusader na ito."
"Mukhang tamang-tama para sa iyo ang iyong groom, ha. O, ito, isang wedding gown at tuxedo para sa inyong dalawa at para kayo'y makatipid, ito pa, ang bouquet may pina-order na ako kay Flora, ang florist ng Prontera."
"Salamat po!" at nag-apply na ag dalawa para sa kasal.
