Pagpasensyahan nyo kung hindi masyado maayos gabi na kasi nung isinulat ko at bigla ko lang naman itong naisip at gusto ko lang naman ng kasiyahan.

Oo nga pala hindi ko pagmamay-ari ang Naruto.

Mga Babae sa Buhay ni Nara Shikamaru

Sa pagtapat ng kamay ng orasan sa alas ocho ng umaga ay bumangon na rin si Nara Shikamaru. Tulog pa ang diwa habang bumababa sa hagdan. Maya't maya ay..."Ahhhhhhhh Aray ko po!" siya ay napasigaw ng madulas siya sa hagdanan dahil sa isang basahan na nasa pinakgilid ng hagdan "Ano ba yan, nasa gilid na nga yang basahan nadulas ka pa." wika ng kanyang nanay habang may kasabay na onting tawa.

Habang siya ay naglalakad papuntang kusina, iniisip niya kung ano ang gagawin niya para magkaroon ng katuturan ang araw niya. Oo, gumagawa siya ng gawaing bahay pero minsan kapag ginagawa niya ito halos araw-araw ay nakaka walang gana. Kung meron isang bagay na nagpapabago ng araw niya ito ay walang iba kundi...

"Anak! tumawag nga pala si Ino. Hinahanap ka rin ni Master Hokage." ng narinig niya ang sinabi ng ina agad siyang lumapit sa kanya at nagtanong "A-ano po ang sinabi ni Ino?" "Puntahan mo raw siya sa kanilang flower shop at tumulong ka raw don." sagot ng ina sa kanyang anak "eh may gagawin pa ko." sabi ni Shikamaru sabay kamot ng ulo "Sige pumunta ka na ako ng bahala don. Masama ang pinaghihintay ang girlfriend."

Napag desisyonan ni Shikamaru na dumaan muna kay Master Hokage bago dumiretsyo kay na Ino. "Master Hokage hinahanap niyo raw ako." "Oo Shikamaru. Kasi meron akong ibibigay na misyon sa inyo." Wika ng Hokage "Ninyo…..sino po ang isa?" tanong ni Shikamaru "Si Kin ng bansang Oto." 'ha? Siya!' ang mga salita na nasa isip niya "Matagal-tagl na rin simula ng tayo'y magkakilala ha Nara. Hindi ko inaakala na sa ganitong sitwasyon pa! Sa lahat ba naman kasi ako pa ang napili!." Bati-reklamo ni Kin "Aba eh kahit ako ay hindi makapaniwalang ikaw ang magiging ka-partner ko sa misyon na ito. Isang babae na may napaka…..napaka matigas na ulo at weird na ugali." Sabi ni Shikamaru "A matigas na weird pa! naghahamon ka ba! Ha! Eh ikaw matalino nga at mahusay pero mas gusto pang tumambay!" "Oo aminin nga natin na ganyan ako pero at least nagkukusa pag talagang kailangan di tulad ng iba na kailangan mo pang pilitin at bantaan bago ito gawin." Tinitingnan ng Hakage ang dalawa at sabay na sinabi na "Bagay nga kayong dalawa sa misyong ito" "Ano!...Pero…..Bakit……." protesta ng dalawa "ito na ang inyong misyon…….."

Matapos ang walang katapusan na biritan ni Kin at Shikamaru kahit na nagsasalita ang Hokage ay nagtungo na ang ating bida sa flower shop. "Oi! Bakit ang tagal mo?" ang mga salitang sumalubong sa kanya galling sa pinakamamahal niyang babae. Binigyan niya ito ng ngiti "Bakit ka ngumingiti?" "wala ang ganda mo lang kasi." Sagot ni Shikamaru "Hmmm….palusot! halika na nga. Tulungan mo ko na ilipat ang mga ito doon."

Pagkatapos ng gawain…..

"Ino wala ako sa mga susunod na araw. May misyon kasi ako eh." Wika ni Shiakmaru "Pero sa sabado ang ating…" "oo alam ko babalik ako sa araw na yon, wag kang mag-alala." Singit ng binata "Ok…. Eh sinong kasma mo?" napasimangot ang binata ng marinig ang tanong ng kanyang kasintahan . "Si……si Kin." "yung taga Oto?" "mmm" "Shikamaru pinagkakatiwalaan kita. Pero sa oras na ahasin ka ng babaeng yon para kunin ka sa 'kin malilintikan siya!" wika ng dilag habang nag-aapoy ang mga mata. "hehehe…Ino relax ka lang hindi ako pakakagat sa ahas."

Dalawang araw na ang naka lipas at malapit ng matapos sina Kin at Shikamaru sa kanilang misyon. Nagawa na nilang maghanap ng mga ditalye, magespiya at magplano at ngayong huling araw nila isasagawa ito.

"Anak ng…..naman! Kundi dahil sayo e di sana hindi nalaman ng ibang gwardiya." Pagalit na sinabi ni Shikamaru kay Kin "E kung di mo ba naman ako itinulak de hindi ako mahahaplosan ng lalaking yon!" sagot naman ni Kin "Ano ka! Kung hindi kita tinulak e di nakita na tayo!" "Teka tumahimik ka muna." wika ni Kin habang pinakikinggan ang mga yapak sa lupa at ang mga halushos ng dahon sa paligid. "Oi Nara napapalibutan tayo." "Ilan ba sila?" "May dalawangpu't dalawa sa kanan, may dalawangpu't lima sa kaliwa. Sa likod kinse lang at sa harap…trenta!" "Mahabagin naman o! magpalit-palit tayo taas baba taas baba." Sabi ni Shikamaru ng pasigaw na bulong "Ha? Di kita gets." Wika ni Kin "Ay naku naman! Ano bang ginwa ko at binigyan niyo ko ng ganitong ka-partner! Tatakbo tayo ng mabilis pero….." "Oo Gets ko na!" "Bantay sarili at bantay sa kasama!" dagdag paalala ng dalawa sa isa't isa

Matapos ng mahabang habulan, labanan at sisihan ay nagpahinga ang dalawa sa may tabi ng ilog. "Hay sa wakas natapos din." "Oi Shikamaru! Hindi ako makalakad!" sigaw ni Kin na namimilipit sa sakit dahil sa lason "Ano na naman ba ag problema….(lumingon kay Kin)...anak ng!... may lason!" wika ng binata .

Naghanap ng naghanap at hanggang ngayon ay naghahanap si Shikamaru ng halamang ugat na nagpapabagal ng takbo ng lason sa katawan ni Kin. "Matagal ka pa ba? Bilisbilisan mo nga!" "Oho, Oho ikaw kaya maghanap dito tingnan lang natin kung hindi ka mainis. For your information napakasukal ng gubat at napaka liit ng halamang yon!" sigaw ni Shikamaru "Eh ikaw kaya ang matamaan at malason ewan ko na lang kung hindi ka mamilipit sa sak- Aaa….buwisit sana hindi ko na lang hinarang!" sigaw naman ng dalaga.

"O ito na po, tapos na!" Wika ni Shikamaru pagkatapos taliin ang tela. "Hali ka na! may date pa ako at ayokong ma-late!" Utos ng binata habang lumalakad na palayo "Sira ka ba! Kita mo ng masakit pa ang sugat ko, inaasahan mo pa akong maglakad ng walang alalay! Ganyan ba ang isang Nara! Walang utang na loob!" sabi ni Kin na may onting luha na tumutulo mula sa kanyang mga mata "O sige na nga! SUKO na ko! Kumapit ka na sa likod ko!" sabi ng binata ng naka taas ang kamay na parang isang krimenal na may mabigat na kasalanan.

Pagdating nila sa tapat ng pintuan ng opisina ng hokage…

"Hindi ko akalaing pakakagat ka don Nara!" Patawang sabi ni Kin "Sige tawa lang! tingnan natin kung hindi sunakit ang pwet kapag binitawan kita!"

Ala una palang at naisip ni Shikamaru na maglakad-lakad. At sa kanyang daan ay may napulot siyang isang sitck ng barbecue 'hmmm… isang sinyales na nandito siya' "Shika! Tol long time ha?" lumingon ang binata sa kanyang kaliwa at nakakita ng isang bilog na anino "Chouji…."

Itutuloy.

Kailangan ko ng manga opinion at kritisisma, paki sabi na rin ang mga maling salitang mali ang pagkakasulat.

Sana mapagpasensyhan niyo ang istoryang ito.