Hindi ko pagmamay-ari ang ano mang nasa istoryang ito maliban sa plot nito.

Nagpapasalamt ako sa mga nagbasa at nagbigay ng reviews…..

Eto na po ang susunod na kabanata. . .

Mga Babae sa Buhay ni Nara Shikamaru

"Chouji..." ang pangalan na lumabas sa labi ng binata "Kamusta ka na, ha? ayos ba yung misyon mo ngayon?" tanong ng kanyang kaibigan. "Eto, nakabalik pa ko di ba? ibig sabihin nagawa ko iyon..." sagot ng binata habang palapit kay Chouji "...kahit na may buwisti na kasama." pahabol ng binata sa mahinang tono, natatakot na baka marinig ng kanyang nakasama sa misyon. Pagpasok sa loob nakita niya si Kiba at Naruto kumakain at naghaharutan. Sa nakitang larawan ng binata ay bigla niyang nasabi "Ano ba to', reunion ng mga pasaway na bata ng Ninja Academy?" Napatawa silang apat ng kanilang maalala ang mga kalokohan na kanilang pinaggagagawa noon.

Pagkatapos nilang kumain...

"Maaari niyo ba kong samahan sa flower shop nina Ino? bibili kasi ako ng bulaklak, alam niyo na." Tanong ng ating bida sa kanyang mga kasama "O sige ba, pero baka malalaman niya. Di ka pa naman marunong magsikreto sa gf mong bosy!" sabi ni Kiba "Hindi, basta don lang kayo sa kanto at magtago at ako na ang bahala." sabi ng binata na may ngiti sa kanyang mga labi.

Narating na nila ang kanto kung saan pagtawid mo ay makakapunta ka na sa flower shop nina Ino. "Sama mo na kami sa plano mong iyan.." bulong ni Naruto kay Shikamaru na hindi naitago ang planong nabuo sa kanayang isip "O sige basta dapat iba ang mga kilos niyo ha huwag kayong pahahalata. " wika ni Shikamaru sa tatlo "O eto na 1…….2…….3 palit anyo!" at isa-isa lumabas ang mga lalakeng naggwagwapuhan. Si Kiba ganoon pa rin ang buhok pero nagbago ang kanyang mga mata, nagging parang kay Naruto pero kulay brown nawala rin ang mga linya sa kanyang mukha at medyo pumuti siya. Si Naruto naman naging blonde at nagkaroon ng berdeng mata mapagkakamalan mong isang kagalang-galang, magaling at heartthrob na ninja ng Konoha samantalang si Chouji pumayat pero chubby pa rin na tumerno sa kanyang mga itim at singkit na mata at ang kanyang buhok ay bumaba at straight ang bagsak!. Si Shikamaru ay parang si Sasuke pero…. Wala akong ma-isip, siguro mas maganda kung umisip na lang kayo ng apat na lalakeng gwapo para sa inyo

Pagtapak nila sa loob ng flower shop ay binati sila ng isang ngumingiting babae " Magandang hapon po!" wika ni Ino na napanganga ng makita niya sina Shikamaru. Unti-unting naramdaman ng dalaga ang init sa kanyang mga pisngi habang nakipagtitigan kay Shikamaru (na hindi niya alam na iyon si Shika ha), ng bumalik ang kanyang ulirat at naisip niya na nakatitig na siya ng mahigit isang minuto, lalo siyang namula at inilipat ang tingin sa mga bulaklak habang palakad papunta sa counter. Sa sobrang titig niya sa mga bulaklak ay di niya napansin ang isang maliit na paso kaya siya natalisod. 'Naku po! ang tanga mo talaga Ino!' wika ng dilag sa kanyang isipan habang papalapit na siyang tumama sa sahig. Naghintay siya at naghintay pero hindi niya naramdaman ang pagtama sa sahig kundi ang isang braso (malakas na bisig pa). Minulat niya ang kanyang mga mata at nakita ang lalaking na katitig niya kanina.

"A miss ok ka lang?" tanong ni Shika "Ok lang ako, salamat." Sagot ng dalaga habang tumatayo sa kanyang sariling mga paa. Habang lumalakad pabalik sa counter si Ino, 'tong si Ino makakita lang ng gwapo natatalisod at nahuhulog pa' sabi ni Shikamaru sa kanyang sarili.

"Ano po bang bibilhin niyong mbulaklak?" bumalik si Shikamaru sa kanyang sarili ng marinig and boses ng dalaga "A…ano bang mairerekomenda mo?" "kanino niyo po ba ibibigay ang bulaklak?" "Sa girlfriend niya." Sagot ni Chouji ng mahalata na nawawala sa sarili ang kanyang kaibigan, marahil sa niyerbyos o baka may iniisip pang iba, hindi niya alam. "Ganoon ba ito ang mairerekomenda ko." . . . .

Matapos nila sa flower shop, tumungo sila sa bahay ng ating bida upang makapagpahinga. Pagtungtung nila sa tapat ay sumalubong ang ina ni Shika nakapamewang. "Bakit ngayong ka lang kanina ka pa raw bumalik at alam ko naming pupuntahan mo kaagad si Ino pero bakit ang tagal mo, ha? Kailangan mo pang gawin ang mga trabaho mo dito, aba di ko yata kayang gawing lahat ng iyon at isa pa may lagad ako ngayon at late na ako!" nagulat sina Naruto at napabuntonghininga naman sina Chouji at Shika "Sige aalis na ako ika muna ang magbantay dito." "Di pa rin nagbabago ang nanay mo." Wika ni Chouji "Siya nga pala nandoon ang listahan ng dapat mong gawin." "Hay……"

Pagpasok nila sa loob nakita kaagad nila ang listahan na tinutukoy ng ina ni Shika. At ng ito'y buksan, simula sa Ulo hnaggang sa paanan ni Shika ang haba nito (eight ang font size ha) napanganga at nagtinginan ang apat. "Walng namang ganyanan, please naman tulungan tayo." sabi ng bida ng makita ang itsura ng mga mukha ng kasamahan niya. Sa banding huli ay nakumbinsi niya ang tatlo at nagsimula na silang kumilos.

Pagkatapos matapos ang mahabang listahan naupo at nagsimula na silang kumain at magpahinga. "Hindi mahirap magpahirap ang nanay mo no Shika." Sabi ni Kiba " Obvious ba?"

Maya't maya ay biglang may kumatok sa pinto "Sino naman kaya iyon?" tanong ni Naruto sa kung kanino sa kanila " Ako nang titingin." Wika ni Chouji……matapos ng Ilang minuto ay pumasok ang ina ni Shika at binati sila. "Nasaan na si Chouji?" tumayo ang tatlo at tiningnan ang kanilang kaibigan na may kausap na babae sa pintuan " Maaari bang makita si Nara Shikamaru?" pinapawisan si Shikamaru ng marinig ang boses……."A sige sandali lang." Pagtalikod ni Chouji nakita niya si Shika "Oi Shika may naghahanap sayo." " Ano Shikamaru huwag mong sabihing sa susunod na lang ulit, masyado na natin ito pinapatagal dapat na yata itong matapos."

Lalong pinagpawisan si Shika, tiningnan niya ang orasan 'two o'clock sana matapos to ng maaga' wika niya habang patungo sa pintuan.

Paglabas sa pintuan ay bumulaga sa kanya si Temari. "Ano ipagpapaliban na naman ba natin ito." Nakataas ang kilay sabay wika kay Shika "Hindi, sige saan ba?" tanong ni Shika "Sunadan mo na lang ako. Pagkatapos ng tatlong pung minuto ay narating din nila ang kanilang destinasyon. "Ano simulan na natin." Maangas na sabi ni Temari " Sige ba." Sagot ng binata at sabay senyas ni Temari sa lalaking nasa harap nila "Handa na ba kayo?" "Mm" sagot ng dalawa "Sige, la- …achooo!….excuse me. Simulan na! unang tanong: ano ang ibig sabihin ng chromolithographic, e ano ang chromogenic? Ano ang naiiba sa tatlo………"

Dito ko muna ito iiwan…..marami pa akong dapat gawin ngayon e.

Magbigay din po sana kayo ng suggestion kasi wala na kong maisip. Magbigay din sana kayo ng kritisisma at review at sana mapgpasensyahan no to.

Maraming salamat po ulit sa mga nagbasa at nagbigay ng reviews