Chapter three

Pagpasensyahan niyo po ang ikalawang chapter, kasi maikli, medyo walang thrill at may mga mali ang pagkakasulat, pero nagpapasalamat ako sa mga nagbasa.

Hindi ko pagmamay-ari ang ano mang nasa istoryang ito maliban sa plot nito.

Ito na po ang susunod na kabanata…..

Mga Babae sa Buhay ni Nara Shikamaru

Matapos ng test…..

"Paano ba yan sa Lunes pa ang resulta hanggang sa muli na lang Shikamaru" paalam ni Temari habang nagbuntong hininga lang si Shika.

Nagasimula ng magtrabaho ang kanyang mga paa pabalik sa kanyang bahay at sa daan ay nakasalubong niya sa Sasuke na sa ikinagulat niya binati siya at nagtanong "Nakita mo ba si Naruto? Kanina pa kasi yon hinihintay ni sir Kakashi at hanggang ngayon ay hindi pa sumusulpot ang gunggong na iyon." Sabi Sasuke "Kanina nasa bahay sila pero ngayon hindi ko alam, baka nandoon pa sila o pwede rin namang wala na. Kung gusto mong makasiguro pwede ka namang sumabay sa akin pauwi." Sagot ni Shika. Pumayag naman siya, at ngayon dalawa na silang naglalakad sa iisang direksyon.

Sa gitna ng daan at katahimikan ay biglang nagtanong si Sasuke "Kamusta naman kayo nina Ino?" "Huh?" "Kung ayaw mong sagutin sabihin mo na lang." 'si Sasuke ba to?' sabi ni Shika sa loob loob niya "A…ok lang kami bakit mo naman natanong?". Matapos ng mahabang minuto "Wala lang gusto ko lang magpasalamat dahil binawasan mo ang mga babaeng nababaliw sa akin at nanggugulo sa tahimik kong buhay." Maya maya ay narating na nila ang bahay ni Shikamaru at hinila na ni Sasuke si Naruto palabas ng bahay ni Shika. Nagpalam na rin sina Chouji at Kiba.

Walal naman masyadong inutos ang nanay niya kaya nagpahinga muna siya at nagiisip sa mangyayari mamaya at sa onting segundo ay nakatulog ang ating bida.

Punta tayo kay Ino……

Sa Flower shop ng mga Ymanaka ay nakatayo ang dilag, inaalala ang mga lalakeng bumili ng mga bulaklak para sa girlfriend niya at babalikan na lang niya……'babalik siya, yung cute sana kasama niya rin yung tatlo pa' wika ni Ino sa isip habang kaharap si Sakura sa counter "Hoy Ino baka gusto mong ikwento sa akin kung bakit ka napapatulala diyan." "Wala lang. may mga cute lang na bumili dito." "Hmm, Alam ba yan ni Shikamaru?" tanong ni Sakura "Hindi, wala naman siya di ba." "Kakarating lang niya kanina no, nakita pa nga siya ni Sasuke, hindi pa ba siya nagpapakita sayo?" "Si Sasuke….ANO! nandito na siya at di man lang niya naisip na daanan ako!" ang sabog na reaksyon ni Ino "At sa tingin ko kanina pa siya dumating mga alas gis yata nakipaglaban pa nga kay Temari e, huwag mong sabihin na hindi mo to alam ?" "Hindi nga…..naku lagot sa akin ang lalakeng iyon pagnagpakita!"

Kalahating minuto na ang nakalipas ng umalis ang ka tsismisan ni Ino na si Sakura at iisa lang ang kanyang masasabi "Boring, inaantok na ko! Sana naman ay mayroong bumili o kaya ipasara na ito ni ma." wika ng dalaga habang tinititigan ang relo. "Bakit wala pa kaya yung cute? Sabi niya mga alas quatro o alas singko siya babalik." napagtanto ng dalaga ng maalala na ang mga bulaklak ay kailangang maayos at magmukhang bago at sa sandaling iyon ay dumating ang taong hindi niya inaasahan at ayaw niyang Makita. "Hi, Ino." "Huh? KIN! Anong ginagawa mo dito!" "Ganyan ka ba bumati ng mga costumer ha?" "Hindi maliban na lang kung ahas." "Hanggang ngayon ba naman tinitira mo pa rin ako riyan sige ka pag di mo tinigilan iyan baka totohanin ko ang iniisip mo. Hindi naman kasi mahirap mahalin si Shikamaru e." sa sinabing ito ni Kin ay lalong nagliyab ang mga mata ni Ino "Teka nga pala hindi ako nandito para makipagaway bibili lang naman ako ng bulaklak para sa aking sarili." wika ni Kin habang hinahawakan at tinititigan ang isang dilaw na bulaklak at sa larawan ni Kin na ganoon ay napakalma ang loob ni Ino t bigla na lang umoo…….

Bago natin ipagpatuloy silipin naman natin ang ating bida…..

"Oi Shikamaru, bumangon ka na nga diyan masyado ng mahaba ang tulog mo. Ano ba naririnig mo ba ko, ha?" sigaw ng ina ni Shika habang siya ay bumangon na at kinakamot ang ulo "Si inay talaga o pabagobago ng ugali minsan mabait, minsan mainit naman ang ulo kahit walang dahilan at minsan-.." "Ano na aakyat pa ba ako diyan para hilahin ka pababa?" "Pababa na po ko Inay! Hay naku." At ang ating bida ay bumaba na nga upang makita ang kanyang ina. "Ma ano po ba yon?" " Tumawag na ang manager nung lugar sabi niya maghahanda sila mamayang alas nuwebe ng gabi." "A, ganoon po ba ma, maraming salamat po sa pagsasabi sa akin." wika ng binata habang tiningnan ang relo "Maghahanda na ko at dadaanan ko na ang mga bulaklak." ang naging pasya niya.

Matapos maligo at magsipilyo ng ating bida, pumunta na siya sa kanyang kwarto upang mamili ng damit at ayusin ang kanyang sarili. "Ano kaya ang magandang suutin?". Sa huli ay nakapili na siya ng damit (mag-isip na lang kayo kung ano sa tingin niyo ang babagay sa kanya).

Maya't maya pa ay lumabas na siya at tinahak ang daan patungo kay na Ino. Kaya lang naudlot ito ng makasalubong niya sina Naruto " Shika alam ko wrong timing to pero kailangan ka sa misyong ito at utos na rin ito ng Hokage, na ikaw ang maglead." "Talaga bang importante ito?" "Oo may ilan na mga high ranking criminals ang nakatakas sa kulungan natin at may kasabwat kasi itong taga ibang bansa na nagpalala pa rito. Huwag kang mag-alala anim tayo sa misyong ito, sumama si Sasuke." Tiningnan ni Shika ang kanyang rilo "Sige, tayo na."

Ang hindi alam ni Shiakmaru ay may isang anino na sumusunod-sunod sa kanya ngayon ngayon lang. "Hindi niya pa ko nararamdaman o baka hindi lang niya to pinapahalata. Itong lalakeng ito ay maraming alas sa ilalim ng kanyang manggas." bulong na sinabi ng anino.

Isang lugar sa Konoha….

"Hay naku, Gaara hindi ka pa ba nagugutom? Halika nga dito na tayo kumain." Wika ni temari habng kinakaladkad si Gaara sa loob. "Hmmm, saan kaya magandang pumwestoTra doon tayo sa Garden." "A miss bawal po diyan, reserved po kasi iyan para mamaya." "Eh mamaya pa naman di ba? Bakit-.." "sorry po talaga mam. Bilin po kasi ng nagpareserved ay huwag na itong pagamit simula ng ala sais dahil dapat na raw po naming ayusin ito espesyal po kasi ay gaganapin. Kaya pagpasensyahan niyo na po." Paliwanag ng babae " O sige doon na lang kami." 'Espesyal? Pangdalawang tao? Baka anniversary o asking for marriage na yung guy. Teka ano bang petsa ngayon? Hmmm….Ha! anniversary nina Ino at Shika!' and mga salita na nasa isipan ni Temari.

Habang kumakain sila hindi pa rin maalis sa isispan ni Temari sina Shika at Ino kaya lingon siya ng lingon sa iba't ibang direksyon ng makita niya ang isang lalake na palabas. 'Saan kaya siya patungo ni wala namang dalang delivery piraso lang naman ng papel hmmmm.'

Dito ko po muna ito puputulin. Pagpasensyahan no lang po kung nakakabitin, wala po kasi akong maisip na magandang daloy ng kwento.

Maraming maraming salamat pot alga sa mga nagbasa at nagbigay ng reviews at suhestiyon. Ituloy niyo pa po sana iyon dahil nagbibigay ito ng lakas upang mapagana ang utak ko. Mraming salamat po uli.

Ay, pasensyahan niyo na rin po ang mga maling pagkakasulat sa mga salita '

Siya nga po pala magabang-abang na po kayo sa updates ng istoryang ito dahil wala nap o akong masyadong ginagawa. Sa ngayon nasa kalagitnaan nap o ako ng chapter four at ginagawa ko na ang lahat para matapos ito.