REUNITED


A Yuyu Hakusho and Akazukin Cha-Cha crossover story

Disclaimer: I do not own Akazukin Cha-Cha and Yuyu Hakusho. Bow!

Sinimulan kong isulat ito noong May 19, 1999 at natapos ko ito noong April 14, 2001. Noong 2003 ay inupload ko ito sa tapos di ko naisunod yung ibang chapters kasi sa dami ng gawain ko sa school. Kaya ngayon eh gusto ko na talaga ma-type lahat para ma-share ko dito.

Nag-start ang idea na ito sa kagustuhan kong aminin ni Vincent (Hiei) kay Mikaela (Yukina) na magkapatid sila! Tapos bigla ko na lang naisingit yung Akazukin Cha-Cha cast! Basta may binago ako ng kaunti lang naman sa mga kuwento ng dalawang anime na ito para mapagsama ko sila. Baliw kasi ako sa dalawang anime na ito noon eh at love ko pa rin sila ngayon.

Gusto ko rin pasalamatan sina Maleficum at AngelofFate1na unang nagbigay ng review sa story kong ito. Sana may iba pang magbigay ng review. Enjoy!

Chapter 1: Bagong Panimula

"Alam niyo ba, nababagot na ako dito!" ang angal ni Vincent.

"Vincent, nandito tayo sa kakahuyan para magpahinga." ang paliwanag ni Dennis.

Umirap na lamang si Vincent.

'Payo ko na lang sa iyo na matulog ka na lang Vincent, ang sarap ng hangin dito eh." ang sabi ni Eugene.

Si Charlene naman ay nakahiga at pinagmamasdan maigi ang langit. Ang kanyang tanawin ang nagpapagaan ng kanyang pakiramdam. Ang mga ulap ay kumpol-kumpol at mukhang malalambot talaga. Ang pagiging kulay asul ng langit ang nagpapalamig sa kanyang mata.

"Hay, ang sarap talaga!" ang bulong niya. Tapos biglang mayroon siyang naalala.

"Master Jericho, siguro maganda kung hihintayin natin ang paglubog ng araw doon sa may dagat, di ba Master...Master?"

Napansin ni Charlene na walang sumasagot. Lumingon siya at nakita niyang natutulog si Master Jericho kasama ang kanyang alalay.

"Ano ka ba Master Jericho, para kang isang damulag kung matulog, hindi ka na bata!"

Siyempre naman hindi marinig ni Master Jericho ang sinabi ni Charlene, naghihilik kasi. Kaya't huminga na lamang ng malalim si Chralene at napaisip ng "Ay oo nga pala, mukhang bata pa siya!"

(Authors note: Si Jericho ay nasa batang form niya ngayon)

Habang sina Eugene ay nakaupo sa may puno at sina Charlene ay nasa may damuhan, sina Alfred at Mikaela ay nasa may mga bulaklak at siyempre, nagyayabang na naman si Alfred. Natatanaw nga ni Vincent ang dalawa. Naiinis nga siya pero bumugtong hininga na lamang siya at inisip, "Kapag may nangyaring masama sa kapatid ko humanda ka!"

Si Suzi naman ay hindi mo matatanaw kahit saan. Pero nasa malapit lang siya. At siyempre, naninigarilyo para mapakalma ang kanyang sarili.

Si Jenny na buhat-buhat si Puu ay nakatayo at dinadama ang masarap na hampas ng hangin at mukhang malalim ang kanyang iniisip. Ano kaya?

To be continued...