Disclaimer: Di ko po pag-aari ang Akazukin Cha-Cha at Ghostfighter (Yuyu Hakusho). Balang araw gagawa ako ng sarili ko para di ko na kinakailangang isulat ang "disclaimer" hehe! Enjoy!

Chapter 2: Pik-nik

Sa kabilang dulo naman ng kakahuyan, makikita mong naglalakad ang grupo ni Seravi.

"Naku, sana maging masaya ang pik-nik na ito" ang wika ni Cha-Cha na tuwang-tuwa. Subalit nakita niya na nilalambing maigi ni Marin si Riiya at namula maigi ang mga mata at sinigawan si Marin. "Bakit ka ba sumama sa amin? Hindi ka naman namin sinasama!"

"Aba Cha-Cha, paano naman kung mapahamak si Riiya nang dahil sa iyo! Hindi yata ako makakapayag!"

"Ano kamo Marin?"

"Tse!"

Habang nagsasagutan ang dalawa, nagpalit ng anyo si Riiya at pinuntahan si Cha-Cha.

"Riiya, Riiya, nasaan ka? Yohoo! Hoy Cha-Cha! Ano na naman ba ang ginawa mo sa Riiya ko?" ang sabi ni Marin habang naggugumalit.

"Aba! Wala akong ginawa sa Riiya mo no!" ang katwiran ni Cha-Chang cute.

"Teka, ba't dala-dala mo ang asong iyan ngayon? Kanina wala iyan ah." ang pagtataka ni Maring masungit.

"Hoy babae, hindi ako masungit, maganda yata ako!" ang sabi niya sa sumulat nito.

"Tigilan mo na nga iyan Marin! Hindi mo ba alam na si Riiya yan?" ang pahayag ni Yakko.

"Riiya? Nasaan? Riiya, mahal ko nasaan ka?" ang tanong ni Marin.

" Ang sarap talagang batuhan itong si Marin, argh!" ang wika ni Yakko na kamot ng kamot na halos maloka na.

"Ah Yakko, puwede ba munang sumingit?" ang pakiusap ni Shiine.

"Ano ka ba?" ang sagot ni Yakko habang pagulong-gulong siya sa lupa.

"Alam mo kasi Yakko, ah...bakit ka ba narito, hindi ka naman namin sinama?" ang tanong ni Shiine.

Natigilan si Yakko. Tumayo, at tila malim ang iniisip. Tapos lumapit siya kay Seravi at sinabi "Ano ka ba Shiine, andito ako para sa Prinsipe Seravi ko at handa akong maglingkod para sa kanya, di ba mahal kong Prinsipe Seravi?" lambing ni Yakko habang niyayapos ang damit ni Seravi.

Napangiting pilit si Seravi at tinanong si Elizabeth "Ano sa palagay mo?"

"Aba Seravi, wala namang kaso iyon. Ayos lang iyan" ang wika ni Elizabeth.

"Oo naman Yakko, pero hindi mo naman kailangang gawin iyon" ang sabi ni Seravi.

"Sige na Prinsipe Seravi, hayaan mo na ako at ikatutuwa iyon ng puso ko. Wohoo!" ang pakiusap ni Yakko habang nakatitig kay Seravi kasabay ng paglakad ng patalikod.

"Seravi, alam mo ba kung saan tayo magpipik-nik? Kanina pa tayo naglalakad at di mo ba naririnig na kumakalam na ang tiyan ng mga bata?" ang angal ni Dorothy.

'Tama nga kayo Gurong Dorothy, kinukulit na nga ako ng tiyan ko. Si Riiya naman nananaginip na ng pagkain" ang sabi ni Cha-Cha.

"Huwag kayong mag-alala, malapit na tayo at sigurado ako paggising ni Riiya hindi na siya magrereklamo" ang wika ni Seravi.

Nagulat si Marin nang marinig ang pangalan ni Riiya at sinabi " Riiya? Nasaan? Riiya, mahal ko nasaan ka? Hmm...hahanapin ko na nga siya mag-isa. Baka kung napano na iyon. Riiya, hintayin mo ako at ililigtas kita!" Humiwalay na nga si Marin kina Cha-Cha at hinanap si Riiya mag-isa.

Nangamba si Seravi at siya'y sumigaw ng "Marin, bumalik ka na dito at baka kung ano pa ang mangyari sa iyo!"

Lumapit si Shiine kay Gurong Seravi at kinalabit ito at nagsalita "Alam mo guro, pabayaan mo na si Marin. Walang mangyayari doon."

"Tama si Shiine at maigi na iyon para makapagsaya na ako!" wika ni Riiya pagkatapos niyang magpalit ng anyo.

"O siya sige. Pero kayo ang mananagot sa akin kapag may nangyari. O, lika na at alam ko na nagmamakaawa na ang mga tiyan ninyo." Ang sabi ni Seravi habang nakangiti.

"Yehey, makakakain na kami!" ang sigaw ng mga bata habang tumatalon.

Pero malayo pa ang kanilang nilakad hangga't sa...

To be continued...