Disclaimer: Di ko pag-aari ang mga cute na characters na ito. Kung pag-aari ko man sila eh di sana lahat ng merchandise nito eh mayroon na sa kuwarto ko no!

Chapter 3: Magkapatid?

"Dennis! Ikaw nga! Diyos ko, nagkita ulit tayo!" ang sigaw ni Dorothy habang patakbo kay Dennis. Niyakap niya ito at pinaghahalik ang mukha.

Nagulat sina Cha-Cha, pati na rin sina Eugene. Halos ang lahat ay natigilan.

"Gurong Seravi, nagseselos kayo no. Uyy...nagseselos si Guro! Hihihi!" ang kanchaw ni Riiya habang sinisiko si Seravi.

Natigilan si Seravi. Tapos binatukan niya si Riiya at sinigaw "Hindi ako nagseselos no! Ako? Magseselos sa isang babaeng walang pakialam? Hmph! Nagkakamali kayo!"

"Ows? Kunwari pa kayo diyan Guro. Aminin niyo na! Wag I-deny, don't tell a lie, aminin!" ang ibinulgar nina Cha-Cha, Shiine at Riiya.

Nainis si Yakko at sumingit sa katuwaan ng tatlo, "Ano ba kayo, huwag na ninyong pagtulungan ang Prinsipe Seravi ko!"

Ngumiti si Seravi kay Yakko at sinabi "Maraming salamat Yakko." Namulang maigi ang mukha ni Yakko at hindi na nakapagsalita. Siya'y natulala.

Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin tinitigilan ni Dorothy si Dennis. Kaya't nagtaka na si Charlene at nagtanong "Sino ba ang babaeng iyan?"

Inis na inis na si Dennis at hindi na malaman kung ano ang gagawin. Kaya't sumigaw na siya ng "Ate Dorothy naman, puwede bang tigilan mo na iyan! Hindi na ako bata, nakakahiya tuloy!"

"Dennis naman, ngayon lang tayo ulit nagkita at miss na miss na kita. Ikaw kasi ang baby ko noon." Ang wika ni Dorothy.

"ATE?" ang tanong ng lahat. Lahat sila ay napatunganga at napanganga. Hindi nila inakalang magkapatid sina Dorothy at Dennis.

"Hindi naman maikakaila na magkapatid si Dorothy at si Dennis. Magkamukha naman sila di ba?" ang pahayag ni Jenny sa lahat.

Biglang humalakhak si Seravi ng pagkalakas-lakas. Natahimik tuloy ang lahat. Dinig na dinig ang tawa niya sa buong kakahuyan. Hindi na nga niya mapigilan ang kanyang pagtawa. Kahit masakit na ang tiyan niya ay sige pa rin siya.

Hindi na natuwa si Dorothy. Kaya't siya'y sumigaw ng "Ano ba ang itinatawa-tawa mo diyan? Kung alam ko lang, naiinggit ka kay Dennis dahil mas guwapo siya sa iyo! Hmph!"

"Hindi naman sa ganoon Dorothy. Natatawa ako dahil iyang si Dennis ay binatang-binata na, at ikaw naman ay natanda na talaga." Ang paliwanang ni Seravi.

Hindi umimik si Dorothy. Hindi niya ipinahalata na siya'y galit. Itinago niya na lamang iyon at ngumiti. "Ah, ganoon ba Seravi?" ang sagot niya. Talagang kumukulo ang dugo ni Dorothy pero ayaw niyang ipaalam kaya't bumulong na lang siya sa kanyang sarili, "Talaga tong si Seravi, iniba pa ang usapan."

"Kaya't iniba ulit ni Dorothy ang usapan. "Ah...eh...magbalik tayo sa usapang magkamukha kami ni Dennis. Bale, ah...buti na lang pala at pula ang naisipan kong ipang-kulay sa aking buhok. Sinadya ko talaga ito upang maging magkamukha kami ni Dennis. Hihihi!"

(Author's note: Recall niyo ung episode sa Akazukin Cha-Cha, noong nag-time travel ang trio at nalaman nila ang nakaraan nina Dorothy at Seravi.)

Tumingin ng masama si Seravi kay Dorothy. Inirapan na lamang ni Dorothy si Seravi at hindi na lang binirahan ng salita. Kung magsasalita pa siya, mas lalala pa ang sitwasyon.

Kanina pa nga napansin ni Dennis na nag-iba ang buhok ng kanyang Ate ngunit hindi siya makapagsalita dahil sa higpit ng pagkayakap ni Dorothy. Ngayon na may pagkakataon na siya, tinanong na niya ito, "Oo nga pla Ate, bakit mo iniba ang kulay ng iyong buhok? Alam mo mas gusto ko kung kulay mais iyan."

Biglang sumingit si Seravi at winika, "Alam mo Dennis, tama ka diyan. Natutuwa ako na magkaiba ang ugali ninyo ng Ate mo, mas matino ka sa kanya."

"Seravi! Ako ang tinatanong ni Dennis at wala kang karapatang sumingit!" ang sinigaw ni Dorothy habang nag-iinit sa galit.

Pagkatapos noon ay sinagot na ni Dorothy ang tanong ng kanyang mahal na kapatid. "Dennis, sa totoo lang mahabang istorya kung sasabihin ko sa iyo ang lahat. Aabutin pa tayo ng dilim." Tapos dumaldal na naman si Seravi, "Si Dorothy talaga, kung alam ko lang ayaw mo ipaalam sa lahat na talagang masama ang ugali mo!"

Sinagot naman iyon ni Dorothy, "Masama ang ugali ko? Ikaw nga diyan eh, hindi mo man lang inisip ang nararamdaman ko."

"Bakit ko naman iisipin ang nararamdaman mo?"

"Seravi! Wala ka talagang puso!"

Nagbangayan na nga ang dalawa ng walang tigil. Kalmadong-kalmado si Seravi pero si Dorothy ay talagang nag-iinit. Inilabas na niya talaga ang kaniyang galit dahil siya'y nasasaktan na talaga.

"Wala bang makakapigil sa kanila? Para silang mga bata!" ang sabi ni Shiine.

"Oo nga, at nakakahiya sila sa mga kasama ni Dennis. Tingnan mo sila, nakatunganga!"

Tama nga si Riiya. Sina Vincent ay wala nang masabi. Kaya't hindi na lang sila umimik.

Pinipigil ni Dennis si Dorothy, pero hindi niya maawat talaga. Pati na nga siya ay nahahampasan ng kamay ng kanyang Ate.

"Kung walang makakapigil sa kanila, ako na lang ang gagawa ng paraan!" ang isinigaw ni Cha-Cha.

To be continued...