Chapter 4 : Pagkabighani

Disclaimer: Gusto kong sabihin na di ko pag-aari ang Yuyu Hakusho (Ghostfighter) at Akazukin Cha-Cha. Kung pag-aari ko man sila, sasabihin kong masaya na ako kung malapit na ang biyahe kong patungo sa langit. Hehe!

Note: Alam ong matagal na ao di nag-update...mga 3 years na ata! I'll try na talaga to type and upload the whole story. Dati ko pa naman natapos tong kuwentong ito eh. Handwritten nga lang sa notebook. Hehe! Enjoy kayo!

"Ano! Gagamitin mo ba ang iyong salamangka!" ang tanong ni Shiine at Riiya na parang takot na takot.

"Kayo talaga, wala talaga kayong tiwala sa salamangka ko! Hindi na kayo nakakatuwa ha." Ang sagot ni Cha-Cha na halos mangiyak-ngiyak na.

Nilapitan ni Shiine si Cha-Cha at hinawaan ang kaniyang kamay habang namumula ang kanyang pisngi, at nagwika siya, "Hindi naman sa ganoon Cha-Cha, magaling ka talaga sa salamangka. Tutal nga, para sa akin, ikaw ang pinakamagaling at pinakamagandang salamangkera sa mundo!"

Nagselos si Riiya at itinulak si Shiine. Pagkatapos ay nagtanong siya kay Cha-Cha, "Ano nga ba ang gagawin mo? Mukhang kakaiba ah."

"Hindi naman kakaiba ang gagawin o. Eh kasi hindi naman tama kung hindi malalaman ni Kuya Dennis ang puno't dulo ng pagiging pula ng buhok ni gurong Dorothy kaya't ako na ang bahalang magkwento sa kaniya" ang winika ni Cha-Cha habang papalapit siya kay Dennis.

Natigilan sina Dorothy at Seravi sa pag-aaway. Nagulat si Dorothy sa sinabi ni Cha-Cha at siya'y nagtanong kay Seravi, "Aba Seravi, kinuwento mo ba kay Cha-Cha kung ano ang nangyari noon? Baka naman kung anu-ano ang pinagsasabi mo sa bata!" (naaalala niyo pa ba yung episode noong nagbalik sa nakaraan sina Cha-Cha, Shiine at Riiya? Dun nila nalaman ang mga nangyari sa kabataan nina Dorothy at Seravi.)

"Hindi Dorothy! Wala akong kinalaman diyan! Wala nga akong gana na ikuwento sa kanila ang nangyari noon dahil hindi ko iyon matanggap!" ang sagot ni Seravi.

Biglang sumingit si Elizabeth at sinabi, "Sa totoo lang tinatamad si Seravi na magkwento tungkol sa iyo."

"Bahala na nga kayo!" and sabi ni Dorothy.

"Kuya Dennis, sisimu...lan ko...na...ang..."napatigil si Cha-Cha at napatitig siya ng maigi sa mga mata ni Dennis. Mukhang Nabighani ni Dennis si Cha-Cha.

"Gurong Dorothy, ang guwapo talaga ng kapatid mo." Ang sabi ni Cha-Cha habang nakatitig kay Dennis.

Napanganga naman sina Riiya at si Shiine at tila nasaktan sila dahil kahit kailan ay hindi pa sila sinasabihan ni Cha-Cha ng ganoon. Kawawa naman.

"Aba, oo! Talagang guwapo ang kapatid ko dahil nagmana siya sa maganda niyang ate!" ang wika ni Dorothy na tuwang-tuwa.

Nang dahil sa sinabi ni Dorothy ay muntik nang himatayin si Seravi pero nang dahil sa tulong ni Yakko ay hindi ito nangyari. Buti na lang ay nagising si Yakko mula sa pagiging tulala. Pinasalamatan ulit siya ni Seravi at siyempre namula maigi ang mukha niya at siya'y natulala na naman. Hay Naku!

Nginitian lamang ni Dennis si Cha-Cha dahil sa kaniyang sinabi.

Dahil doon ay lalong nabighani si Cha-Cha. Namula ang kanyang mukha at halos hindi na makasalita. Pero nakayanan pa rin niyang makasalita at ang kanyang sinabi ay, "Alam mo, ang iyong mata ang pinakamagandang mata na nakita ko sa buong buhay ko!"

Lumuhod si Dennis sa harapan ni Cha-Cha dahil napakaliit ng munting anghel. "Alam mo, maganda rin ang mga mata mo." Ang ipinahayag niya.

Naku po, namula na naman ang mukha ni Cha-Cha at dahil doon siya ay nangarap. Nangarap siya na siya si Cinderella at si Dennis ang prinsipe niya. Kaya't medyo hindi siya makausap.

Nanlaki ang mga mata nina Shiine at Riiya. Nakita ng kanilang dalawang mata at narinig ng kanilang dalawang tenga ang mga pangyayari kaya't sila'y umiyak. Napakalakas ng kanilang iyak at hindi mo na masasabing iyak iyon. Tila ngawa na ang ginagawa ng dalawa. Para silang mga batang musmos na hindi pa nakakakain ng isang buwan. Nagyakapan na rin ang dalawa habang ngumangawa at sabay silang sumisigaw ng, "Cha-Cha! Bakit?"