Tanga,bobo,inutil,martyr. Yan ang tingin ng mga tao sa'kin lalong-lalo na ang mga tunay kong kaibigan. Masasabing kong tunay sila dahil kailan man ay hindi ako iniwan ng mga iyon sa hirap,saya at ginhawa. At bukod sa hindi nila pag iwan sa akin ay ang mga tunay nilang mga salitaan na wala silang pakialam kung masasaktan man ako doon ang mahalaga ay nasabi nila sa akin kung ano ang nararapat at kung ano ang totoo.
I'm savina farah landicho,a grade 12 student na g-graduate sa kursong ABM. 17 years old turning 18 after 3 months. Nag iisa akong anak. Maayos naman ang pamumuhay ko lalo na ang pag-aaral ko. Ang akala ko ay makakatapos ako ng pag-aaral ng walang hussle,walang problemang iniisip sa love not until I met my senior kaizer travisco,He is 2 years older than me. A second year college sa kursong IT. Isa siya sa mga varsity player ng aming school kung kaya kahit graduated na siya sa school na iyon ay malaya parin siyang mag labas pasok doon.
Dahil sa taglay niyang kagwapuhan,kakisigan at halos taas bubong na katangkaran ay hindi maikakailang magustuhan siya ng mga babae sa aming campus na ultimo mo bakla ay ninanakawan siya ng stolen pictures para lang maibahagi sa gc kung saan doon sila nag a-update tungkol kay kaizer. Kahit ako ay hindi rin maikakailang nahulog na sa kaniya. Sino ba naman kasing hindi mahuhulog sa makalaglag panti niyang ngiti at pamatay na tingin. Ewan ko ba at patay na patay ako sa kaniya na halos isuko ko sa demonyo ang kaluluwa ko maging akin lang siya.
"Fist of all i didn't beg for your love at kahit kailan ay hindi ko kakailanganin ang pag mamahal mo!" Nanggagalaiti nitong sabi sabay lakad palabas ng coffee shop kung saan ako umextra ng part time job.
'Yeah,you didn't at kusa kong binigay ang buong pag mamahal ko sa iyo noon na ngayon ay pinag sisisihan ko.
