Disclaimer: I do not own Naruto or any of it's characters.
Author's Note: Helloooo.. this is mah first Naruto fanfic. Sana magustuhan niyo. Hehe. Nakalimutan ko na Filipino pala ang gagawin kong fanfic. Second time ko nang magsulat ng fanfic at first time naman dito sa Naruto section. Sa totoo lang ayoko talaga ng Naruto nung una kaxe akala ko puro labanan lang eh di naman ako mahilig sa ganun, pero, nung Makita ko si Sasuke.. WOWOWEE! (kahit banned na yun..P bad.. hehe..) ang cute, cute niya! Kahit medyo supladito at maangas.. owkiee lang! Ahehehe.. kasalanan na yun ng writer na gumawa ng persona niya.. wakeke.. tama na nga ang kadaldalan koh! Ahehehe.. ang dami pang dakdak eh noh.. di nalang magsimula.. ahihi.. paxenxa na poh.. want to know me more? Check my homepage.
)(SweetStranger0102 Presents)(
3 years na ang lumipas..
.. and that means na 15 years old na ang ating mga bida. Halos lahat nagbago na at nasa peace na ang Konoha dahil wala na ang pampam na si Orochimaru at ang kanyang mga kampon at kung sino-sino pang kupal na mana sa kanya. Pero, may mga ilang bagay pa rin na hindi nagbabago, at lalo pa atang lumala..
)(A Total Sanity Production)( (dami kong pautot noh..)
Naglalakad ng mag-isa, tahimik at malalim na nag-iisip ang isang lalake sa isa sa mga streets ng Konoha. Pauwi na ito sa kanyang bahay, kung saan mag-isa lang siyang nakatira. Kagagaling lang niya sa kanilang paaralan. Pagod na pagod ito kaya gusto na niyang makauwi agad (ba't kaya di siya tumakbo para mas mabilis siya makauwi..) at makapag-pahinga. Napabuntong hininga ito. Nadaanan niya ang isang Cherry Blossom tree at may naalala siya dito. Naalala niya bigla ang isang babae na matagal na niyang iniibig ngunit wala siyang lakas ng loob para ito'y ipagtapat. Pagkalagpas na pagkalagpas niya ng tree na yun any biglang may sumitsit sa kanya.
"Huh?" napatingin ang lalake sa kanyang paligid ngunit wala naman siyang nakikitang ibang tao.
"Sino yun?" tinanong niya ang kanyang sarili.
"Eh di ako!" pero may nakarinig din naman palang iba!
"Sino ka? Nasan ka? Pwede ba magpakita ka nga dahil ayoko ng game na hide and seek!" biglang lumitaw sa likod ng Cherry Blossom tree ang isang matandang babae.
"Kamusta?.. gusto ko lang sana humingi sa yo ng kahit konting pagkain dahil malayo pa ang aking nilakbay at pagod na pagod na ako eh.." nagmakaawa ang matanda sa kanya. (na di naman talagang mukang kawawa! Hehe..)
" kamusta..?.. Close ba tayo? So?.. ano naman sa aken? Pake ko!" (sama talaga nito..)
"Ang sakit mo naman magsalita! Kakikita palang natin binabara mo na agad ako! Tinatanong koh ba kung ano sa yo at anong pake mo! Nanghihingi lang ng pagkain yung tae este! Tao!"
"Eh wala nga eh!" sumigaw na rin si Sasuke sa matanda.
"Eh di sabihin mo wala! Taray mo naman! Wala ka pang galang sa matandang tulad ko! Meron ka ngayon noh..! Dahil dyan ay tuturuan kita ng lesson!" galit na galit na talaga ang matanda kay Sasuke.
"meron! Lalake ako! Obvious?.. talagang Malabo na ang mata ni tanda.. Tuturuan ng lesson.. ako?.. weeehhhh.. ano ka tit-ser?"
"Abay! Bastos ka talagang bata ka huh!" okay.. galit na talaga siya at parang sasabog na siya.
"For your info di na ako bata! Halata ba! Bastos?.. Bakit naninilip ba ako!"
"Sabi ko bastos! Walang modo! Hindi maniac! Abay pilosopo ka pa!"
"Of course I'm not a philosopher! Ninja ako men.. pwede ba! Inaaksaya mo lang ang oras ko matandang gurang.." at pagkatapos niyang sabihin yun ay tumalikod na ito sa matanda at nagpatuloy na sa kanyang paglalakad.
"matanda na gurang pa! Redundancy yun! Hoy! Wag mo kong tatalikuran at kinakausap pa kita!" sinigawan ito ng matanda ngunit hindi pa rin tumigil si Sasuke sa paglalakad.
"Wag tatalikuran eh tinalikuran na nga kita! Bahala ka na dyan.. buh-bye!" nagpatuloy ito sa paglalakad at winave pa ang kanyang hands.
"Tandaan mo! Tuturuan talaga kita ng lesson!" ang huling sinabi ng matanda bago siya nawala ng parang bula..
"Whatever.. (ang taray..ahihi..) lesson.. lesson.. mag-tit-ser ka nalang!" at naglakad na ito papauwi sa kanyang tinutuluyang bahay.
NARUTOA LESSON TO REMEMBER (parang a walk to remember lang huh..)
By: crushed12reflectionMagandang simula ang araw na ito para sa mga taga-Konoha. Maganda ang sikat ng araw at sa paligid nito ay ang mga cotton-like at fluffy na mga ulap na nasa ocean-like or blue na sky. Ngunit di ko lang alam kung magiging magandang simula ito para sa isang tao dito na kasalukuyang natutulog sa kanyang kama ng payapa. Ilang minuto pa ang lumipas at maririnig mo na ang malakas na…
RRRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGG!
! ng kanyang alarm clock. Ng dahil dito siya ay nagising at biglang binato sa pader ang kanyang alarm at kasama na nito ang iba pang wasak na alarm. (aba! Mayaman ka ba para magbato ng mga alarm!)
umupo na ang nilalang (aba, kung ano ano na pinagsasabi ko) sa kanyang kama. Humikab. Nag-inat (or unat?). tumayo at pumunta sa banyo. Nagmumog. Tumingin sa salamin at……
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"
Tumili, sige sumigaw nalang na pati ang mga patay sa north, south, east, west cemetery ng Konoha (kung meron man) ay nabuhay! Talagang nanlumo (aba ang lalim nun huh! Sarap talagang magsulat ng madaling araw! Lumalalim vocabulary ko..P) sige dahil malalim yun nagulat nalang siya sa kanyang nakita. Sa harap ng salamin ay nakikita niya ang isang reflection ng isang nilalang na may mahahabang eyelashes, maliliit at pinkish na lips, rosy cheeks at mahabang itim na buhok ng isang babae na kahit sinong lalake ay kanyang pwedeng mapaibig.
"SIIIYEEEHT! (shit yun huh..) MAY ENGKANTO SA SALAMIN!" ang patuloy na pag-sigaw ni Sasuke. (aba! Si Sasuke ka pa ba!)
"Sa totoo lang di yan engkanto noh! Ikaw yan! Tama bang tawagin na engkanto ang sarili niya.. beauty is in the eye of the beholder men or should I say sister! Maligno lang yan! Joke!" bigla nalang may nagsalita na di alam ni Sasuke kung saan nanggaling.
"Langya! Sino nanaman ang nagsasalita! Talagang may umeengkanto at kumukulam sa akin! Lumabas ka nga!" talagang nagpapanic na si Sasuke at hinahanap kung saan nagmumula ang boses. Lumabas siya ng banyo at pumuntang living room upang patuloy na hanapin ito.
"Nasan ka ba talaga? Isa ka bang lamang lupa?.. magpakita! Putek naman talaga!"
"Nandito ako.. sa likod mo!" bigla nalang ito nagsalitang muli. Umikot si Sasuke at dun niya nakita ang isang maliit na nilalang na lumilipad.
"Hello Sasuke!" winave pa nito ang kanyang little hand.
"What the heck! Dwendeng lumilipad! Nyemas!"
"Hala! Pagkamalan daw ba akong dwendeng lumilipad! Baliw! Ako ay isang cupid! Yah know.. kupido.." sinabi ng cupid na nakapamewang pa. (ang taray ng lola moh.. hehe..)
"Cu—pid? Ano yun!"
"na—kowh! Ang inosente moh pala kid! Cupid lang! Di ka pa ba bumababang bundok?.." ang asar ng kupido kay Sasuke.
"Eh ano naman ang kelangan mo sa aken huh! Ikaw ba ang gumawa ng kawalang-hiyaan na ito ha!" sigaw ni Sasuke na tinuturo pa ang kanyang forefinger sa muka ng kupido.
"Hindi noh! Naalala mo ba yung matanda kahapon? Wala ka bang naaalala sa mga pinagsasabi niya?" biglang napa-isip si Sasuke sa sinabi ni cupid.
"Hala! Talagang wala na sa sariling katinuan ang matandang yun! Hoy! Mga engkanto, maligno, lamang lupa o kung ano man kayo! Ibalik niyo ko sa dati! Bu-wi-sit! Asar! Ano ba tong pinag-gagawa niyo!"
"Hala! Hindi naman ako ang gumawa sa iyo niyan! Yung gurang! Nandito lang ako upang iyong maging guardian."
"Pero paano naman ako makakabalik sa dati!"
"hmmm.. kailangan mong sundin ang mga sasabihin ko."
"Neknek moh! Ano ko utu-uto!"
"Aba!Aba!Aba! reklamador kang loka ka huh! Ano! Gusto mong maging girlush forevah!" at binantaan nalang siya ni cupid.
"Ayoko! Pero bakit kelangan kitang sundin!"
"kase nga dah bah! Gusto mong bumalik sa dati.. eh para bumalik ka sa dati dapat mong sundin ang mga sasabihin ko.."
"Sige na! Oo na! Pu-tek naman talaga oh! Ano ba naman tong kamalasan na ito! Wala naman akong balat sa pwet!"
"baka invisible kaya di mo pansin…"
"SIYAT-UP!" (yan.. sasabat ka pa..)
"Sorry! Bale.. eto ang isa sa mga gagawin mo.. kailangan mong maging close sa mga girls.."
"ANO! No way! Yoko nga! Yung malalanding yun!" (ouch naman yun sa ting mga girlushes..)
"Ang sakit mo naming magsalita! Tandaan mo.. your one of them na rin.. for now kabilang ka na sa kanilang asosasyon.. hehehe.."
"Heh! Wag ka nga dyan tumawa..!"
"kaw bahala.. pag di mo ginawa.. di ka makakabalik sa dati.."
"Naman eh! Pero pano ko yun gagawin!" asar na si Sasuke. At bago pa makasagot si kupido, biglang may kumatok sa pintuan ng kanyang bahay.
TOOCCKK! TOOCCKK! TOOCCKK!
"Sasuke? Nandyan ka ba?" isang babae ang nasa harapan ng pinto ni Sasuke.
"Papasok na ako huh.."
"Oh hindi…" ang bulong ni Sasuke.
"Sasuke?" at unti-unti nang binuksan ni Sakura ang pinto.
"Ngerk! Sino ka!" nagulat nalang si Sakura na makakita ng isang magandang babae sa loob ng bahay ni Sasuke.
'Siya ba… ang… girlfriend ni Sasuke-kun koh! Oh no! this can't be!' ang nasa isip ni Sakura.
'Patay kang bata ka.. anong sasabihin ko!' sa isip naman ni Sasuke. Dun niya napansin na nawala na si kupido.
"Sino ka?" ang tanging tanong ni Sakura na talagang intrigang-intriga na may girlalooh sa bahay ni cutie pie Sasuke.
"Uhhhhhmmmm.." 'ano nah?' nag-iisip si Sasuke ng magandang palusot.
Itutuloy..
Next Chapter:
Si Sakuya, ang bagong heartrob…
