/Flashback/

TOOCCKK! TOOCCKK! TOOCCKK!

"Sasuke? Nandyan ka ba?" isang babae ang nasa harapan ng pinto ni Sasuke.

"Papasok na ako huh.."

"Oh hindi…" ang bulong ni Sasuke.

"Sasuke?" at unti-unti nang binuksan ni Sakura ang pinto.

"Ngerk! Sino ka!" nagulat nalang si Sakura na makakita ng isang magandang babae sa loob ng bahay ni Sasuke.

'Siya ba… ang… girlfriend ni Sasuke-kun koh! Oh no! this can't be!' ang nasa isip ni Sakura.

'Patay kang bata ka.. anong sasabihin ko!' sa isip naman ni Sasuke. Dun niya napansin na nawala na si kupido.

"Sino ka?" ang tanging tanong ni Sakura na talagang intrigang-intriga na may girlalooh sa bahay ni cutie pie Sasuke.

"Uhhhhhmmmm.." 'ano nah?' nag-iisip si Sasuke ng magandang palusot.

/End of Flashback/

NARUTO

A LESSON TO REMEMBER

By: crushed12reflection CHAPTER DOS: Si Sakuya, Ang Bagong Heartrob?

"Anoh.. Kase.. ano.. kase.. ano.. kase.. ano.. Kase.. ano.. kase.. ano.. kase.. ano.. Kase.. ano.. kase.. ano.. kase.. ano.. Kase.. ano.. kase.. ano.. kase.. ano.. Kase.. ano.. kase.. ano.. kase.. ano.. " Kase.. ano.. kase.. ano.. kase.. ano.." patuloy pa rin na naghihinatay ng sagot si Sakura.

"Kase? Ano? Kase? Ano? KASE! ANO!—ba! Wala ka bang ibang alam na sabihin kundi.. kase.. ano.. kase.. ano.." medyo naiirita na si Sakura.

'Linsyak! Anong sasabihin ko! Putek naman talaga oh! Pag talagang minamalas ka!' "Kase.. ako ang… ang…"

"Ano?.. 'pag nalaman ko lang na gf ka ni Sasuke-kun ko…! Baka di ka na maka-exhale ng carbon dioxide!' ano nah?" hinihintay pa rin nito ang paliwanag ng babae--- ba kamo? Dahil unang pagkakataon niyang makakita ng babae at di lang basta babae (dahil si Sasuke yun.. wahehehe!) dahil napaka-ganda at nakahahalina ang babaeng ito sa bahay ng kanyang pinakamamahal ay karapat-dapat niyang malaman ang kelangan nito at kung sino siya talaga.

"Ako nga ang.. 'bahala na si batman sa akin! (pag wala siya pwede naman siguro si Robin dah bah.. oo na! Ang corny! Ehehe..)' ang.. pinsan ni Sasuke!" finally! May naisip din ang babaita!

"Pinsan.. cousin ba kamo? Or Cousin--tahan?.."

'hala! Parang ayaw pa maniwala ng lokang toh!' "oo! Pinsan lang niya ako noh! Saka.. sa tingin mo ba magkaka-girlfriend yung lalakeng yun!" 'sana maniwala ka na.. punyemas naman..!'

"Sa bagay! May point ka dun huh.. so, Anata no namae wa nan desu ka?' (anong pangalan mo?)" ang tanong ng dalagang may pink na hair.

"Uhmm.. ako.. ako.. si.. Sa---kuya! Ehehehe.." 'Siakol! Wala na ko masabing ibang pangalan! Ano bang buhay ito!'

"Ahhh.. Konnichiwa Sakuya-chan.. (kamusta Sakuya..) Omeni kakarete ureshii! (masaya akong makilala ka..)" 'kelangan maging close ako sa kanya! Ehehehe.. para naman kahit papano mailakad niya ako kay Sasuke-kun! Gwahahahahahahaha!' lumapit ito kay Sasuke na ngayo'y si Sakuya na. Tandaan niyo huh.. di naman nakakalito dah bah.. at niyakap niya ito na kinagulat naman ni Sasuke.

'Putek! Anong ginagawa niya! Hala! Pasimpleng chansing pa to! Hala! Di kaya T-bash si Sakura! Oh My! (ang landi!) Di naman siguro' wala nang choice si Sasuke kundi yakapin na rin si Sakura.

"Natutuwa rin akong makilala ka sister.. (para kang tunay Sasuke!)" 'yan! Pag di ka pa naniwala niyan!'..

'Wow! Tinawag niya akong sister!' "hehe.. buti naman. Nga pala Sakuya…" tumigil na sa pagyayakapan ang dalawa at nagpatuloy na nagsalita si Sakura.

"Nasaan nga pala si Sasuke-kun?"

"Huh?.. 'Patay! Todas! Yardo! Dedo!' ano.. umalis eh.."

"Ano! San naman yun pumunta! Nagdala pa naman ako ng almusal niya… naabutan mo pa ba siya?"

"Oo. Ang sabi niya.. ahh.. magbabakasyon daw siya! Oo!" 'pwede na siguro yung palusot..'

"Ahh ganun ba.. Bakasyon?.. aba! First time! Sana bumalik siya kaagad 'at pagabalik niya close na kami ni Sakuya at mailalakad na niya ako kay Sasuke! Yahoong yahoo!'. Hhmmm.. eh di tayo nalang pala ang kumain nitong dala ko! Okay lang ba sa iyo?" ang tanong ni Sakura.

"Okay lang. Tutal di pa naman ako kumakain eh. Domo Arigato (Thank you very much)"

"Do Itashimashite.. (walang anuman..) bakit mo nga pala naisipang bisitahin si Sasuke?.. di ko alam na may pinsan pa pala siyang babae." Pumunta si Sakura sa kusina upang ihanda sa hapag-kainan ang dala-dala niyang mga pagkain.

Sumunod naman papuntang kusina at umupo sa isa sa mga upuan sa harap ng table si Sasuke. "Ahh.. wala lang.. gusto ko lang naman mangamusta eh.. tagal na naming di nagkikita at wala na akong balita sa kanya.."

"Ganun.. Halika kumain na tayo"

Sabay silang nagpasalamat para sa pagkain, " Itadakimasu! (salamat para sa pagkain)" at sinimulan na nga dalawa ang pagkain.

"Oishii! (ang sarap!—di ba junk food yun!) ang galing mo palang magluto.. pwede ka nang mag-asawa.." pinuri ni Sasuke si Sakura na nagba-blush na ng pink ang mga pisngi.

"Di naman.. hehe.. wala pa yun sa isip ko no.. 'Balang araw na! Pag close na tayo para mailakad mo na ako! Buwahahahaha!'" ang sagot ni Sakura.

Pagkalipas ng ilang minuto, natapos na rin ang dalawa kumain. Napansin ni Sakura na pang-lalaki ang suot ni Sasuke kaya pumunta muna sila sa bahay ni Sakura para ikuha siya ng maga pang-babaeng damit. Pagkatapos nun ay naisipan nilang mag-usap pa (parang di niyo kilala isa't-sa huh..). ang park ang naisipan nilang puntahan. Magkatabi silang umupo sa isa sa mga bench.

"Gaano kayo ka-close ni Sasuke-kun?" di talaga maubos ang mga tanong ng babaitang toh!

"Ahhh.. medyo lang naman. Hindi ko alam kung nagbago na siya ngayon. Ano.. kase.. 'Putek na linsyak naman oh! Ngayon di lang ako lalake sa katawan ng babae! Imbentor of the month pa ako good luck sa akin!' nung bata palang kame, talagang malapit na kami sa isa't-isa. Ano.. ahh.. marami ngang napagkakamalan kaming magkasintahan eh. Pero hindi naman talaga kase nga pinsan niya nga ako di ba.. 'naman! Buti nalang at hindi ako ang long lost son ni Pinocchio kung meron man kundi humaba na ng humaba ang ilong ko na pwede nang ipasok sa Guinness Book of World Records! Bahala na!' si Sasuke.. mabait siya pero ako lang ang nag-iisang babae na talagang close niya…"

'Dapat pala maging supah close ako dito kay Sakuya' napaisip si sakura habang nakikinig sa imbentong di naman ganun kahalatang kwento ni Sasuke. At nagpatuloy si Sasuke sa pagkukwento.

"Medyo nagkakasundo kasi kami sa maraming mga bagay. At.. ako lang ang talagang nakakakilala sa kanya (natural ikaw yun! ehehe..).. 'Tungak ko naman kung di ko kilala sarili ko men..' (yun na rin yung sinabi ko! Iniba mo lang eh..) marami kasing nakakamis-interpret ng ugali ng insan ko. Muka lang naman yung suplado pero mabait talaga yun no.. (sige lang..) 'sige lang.. aking girl identity.. ipagtanggol mo ako at pagandahin mo naman ang image koh..' (yah that's right!)"

"talaga.. pero, talaga namang suplado yun no! baka dati hindi.. pero ngayon.. di naman yun madalas mamansin. May pagka-supladito pa rin lalo na sa mga di niya kilala.." ang sagot naman ni Sakura habang nakatingin sa mga ulap.

"Ganun ba.. siguro nga.."

"Halika na! At ipapakita ko sa iyo ang school naming. Di mo naitatanong ay klasmeyt ko yang si Sasuke.." tumayo si Sakura pagkatapos magsalita.

"Ahh.. okay.. (as if di mo pa nakikita.. ahh.. mga fwendshippe, hindi na exclusive for ninja ang school nila ha.. yung normal na school na..)"

"Halika na.." with that, hinawakan ni Sakura ng kanang kamay niya ang kaliwang kamay ni Sasuke. (nice one..)

'Hala! Pasimpleng chansing nanaman!'

Napansin ng dalagang may pink na buhok ang confusion sa muka ni Sasuke.

"Bakit Sakuya? Hindi ka ba sanay na may kahawak ng kamay?"

"Oo eh.."

"ahihihi.. okay lang yan! Pareho naman tayong girl eh.. (kung alam mo lang.. baka magtatatalon ka pa sa tuwa Sakura..) Halika na.." at patuloy na na naglakad ang dalawa papuntang school.

Sa School..

Nakaupo si Ino sa kanyang desk. Malalim ang iniisip.

"Nasaan kaya ngayon si Sasuke? Okay lang kaya siya? Ginugulo nanaman kaya siya ng malapad na noong yun! Haaayy.. bakit ba di niya ko magustuhan.." ang bulong ni Ino sa kanyang sarili. Habang kinakausap ni Ino ng parang baliw ang kanyang sarili ay papasok na ng gate sina Sasuke at Sakura.

Magkahawak pa rin ang kamay ng dalawa at halos lahat ng mata ay nakatingin sa kanila. Maririnig mo na ang mga bulungan na.. "hala! Lesbian ba si Sakura!" joke! Di yun! Ehehehe.. "Ang ganda naman ng kasama ni Sakura.." "Sino kaya yun?.." "Ang Sexy men!" "aba.. Bagong pagkakaguluhan nanaman yan nga buong campus." Habang sobrang natutuwa ang mga lalake ay medyo kabaliktaran naman sa mga babae. "ano ba yan! Bagong bubuntot bunto nanaman yan kay Sasuke!" "hala! Ang ganda niya! Wala tayong laban..!" Hay nako! Puro paganda lang alam niyan.."

Hinigpitan pa ni Sakura ang hawak ng kanyang kamay kay Sasuke. Habang parang wala lang kay Sakura ang mga nangyayari, especially ang close contact nila ay iba naman ang nararamdaman nitong si Sasuke.

'Ano ba tong nararamdaman ko.. di ako komportable! Nakakailang.. pero kelangan eh.. haayy..'

"Huwag mo nalang silang pansinin ha Sakuya.. inggit lang yang mga yan sa beauty mo.." tumingin si Sakura kay Sasuke na nakangiti at parang nagsasabi na di niya pababayaan si Sasuke.

"Pati yung mga lalake naiinggit?"

"Putek! Hindi sila syempre kasama! Noh ba yan! Di pa ba nakakababang bundok?.."

"Pasensya.. ahehe.."

"Pilosopo.."

Sinundan ng mga estudyante ng tingin ang dalawa habang papasok ang mga ito sa building ng hayskul. Umakyat sila gamit ang hagdan at pumunta na sa silid ng 4th year hayskul. Binuksan ni Sakura ang pinto at sabay silang pumasok. Pumunta ang dalawa sa harapan ng lahat at siya's nagsalita.

"Mga klasmeyts! Magandang umaga! Meron lang ako ditong ipapakilala sa inyo.." pagkasabi nun ay binitawan na niya ang kamay ni Sasuke. Pumunta siya sa likuran nito at nilagay ang dalawa niyang kamay sa magkapareho nitong balikat.

"Siya si Sakuya Uchiha. Ang pinsan ni Sasuke Uchiha."

Lahat ng mga stupidents ay naglakihan ang mga mata at talagang nabighani sa alindog (yes… parang sagwa.. wak na yun..) kagandahan ni.. ahihihi.. Sasuke.. (kung lam niyo lang talaga!) isang stupident pa ang sumigaw.. "PWEDE NA BANG HINGIN ANG KAMAY MO!" na agad namang binato ni Sakura ng chalk na nag-shoot ng sakto sa malaki niyang bunganga.. (Waah! Waah! Buti nga bleh!)

'Taranta-nga! Kung alam mo lang kung sino ang balak mong pakasalan! Siyeht naman talaga oh!' mukang medyo naiinis na si Sasuke sa atensyon na kanyang nakukuha dahil di lang ito mula sa mga babae.. pati na rin sa mga lalake ziztah! Ang taray ng lola moh! Sosyal! Nag-bow nalang si Sasuke sa lahat at bago pa ito makapag-salita ay dumating na ang kanilang sensei na si Kakashi upang magturo ng--- ahihi.. Mathematics.. (Chugang! Nagbago na ang Konoha.. remember..)

Itutuloy..

Next Chapter..

Typical?