/Flashback../

Sinundan ng mga estudyante ng tingin ang dalawa habang papasok ang mga ito sa building ng hayskul. Umakyat sila gamit ang hagdan at pumunta na sa silid ng 4th year hayskul. Binuksan ni Sakura ang pinto at sabay silang pumasok. Pumunta ang dalawa sa harapan ng lahat at siya's nagsalita.

"Mga klasmeyts! Magandang umaga! Meron lang ako ditong ipapakilala sa inyo.." pagkasabi nun ay binitawan na niya ang kamay ni Sasuke. Pumunta siya sa likuran nito at nilagay ang dalawa niyang kamay sa magkapareho nitong balikat.

"Siya si Sakuya Uchiha. Ang pinsan ni Sasuke Uchiha."

Lahat ng mga stupidents ay naglakihan ang mga mata at talagang nabighani sa alindog (yes… parang sagwa.. wak na yun..) kagandahan ni.. ahihihi.. Sasuke.. (kung lam niyo lang talaga!) isang stupident pa ang sumigaw.. "PWEDE NA BANG HINGIN ANG KAMAY MO!" na agad namang binato ni Sakura ng chalk na nag-shoot ng sakto sa malaki niyang bunganga.. (Waah! Waah! Buti nga bleh!)

'Taranta-nga! Kung alam mo lang kung sino ang balak mong pakasalan! Siyeht naman talaga oh!' mukang medyo naiinis na si Sasuke sa atensyon na kanyang nakukuha dahil di lang ito mula sa mga babae.. pati na rin sa mga lalake ziztah! Ang taray ng lola moh! Sosyal! Nag-bow nalang si Sasuke sa lahat at bago pa ito makapag-salita ay dumating na ang kanilang sensei na si Kakashi upang magturo ng--- ahihi.. Mathematics.. (Chugang! Nagbago na ang Konoha.. remember..)

/End of Flashback../

NARUTO

A LESSON TO REMEMBER

By: crushed12reflection CHAPTER TRES: Typical?

"Ohayo Gozaimasu! (Magandang umaga!) Ogenki desu ka? (Kamusta?)" Nagtanong agad si ahemm.. sensei (teacher) Kakashi sa kanyang mga estudyante.

"Okay lang naman po kami?" ang sagot naman ng mga stupidents.

Bigla nalang napansin ni Kakashi na nasa harapan si Sakura na may kasamang babae.

"Oh.. Sakura? Anong ginagawa mo dyan? At sino naman ang magandang babaeng kasama mo?" nilapitan niya ang dalawa at tinitigang mabuti ang babae?

'Sandali.. parang may kamuka ang babaeng to..' he thought.

"Uhmm.. pinsan po siya ni Sasuke Sir Kakashi.." sumagot si Sakura.

Talagang tinititigang mabuti ni Kakashi si Sasuke.

'Mukang mabubuko ata ako ha..' ang nasa isip naman ni Sasuke.

'hmm.. pinsan ni Sasuke? Parang imposible ata yan huh..' "Talaga! Pinsan ka ng isa sa mga pinaka-mamahal kong mga stupidents?.. wow naman.. Nice to meet you!" 'Kelangan kong malaman kung sino talaga siya..' pagkatapos nito ay nagkamayan ang dalawa.

"KUNYARI KA PA SIR! BAKA MAMAYA-MAYA LIGAWAN MO NA YAN!" ang sigaw nanaman ng stupident na nag-alok ng lang kwentang kasal kay Sasuke kanina. Binato agad ito ni Kakashi ng chalk at ulet! Pasok nanaman sa bibig niya! Strike two!

"Futragez! Tumahimik ka bugok! Pagpasensyahan mo na yung stupidiest stupident na yun huh?.. kalalabas lang ng rehab at mental eh.."

"ANG SAKIT NIYO NAMAN MAGSALITA SIR KAKASHI! SA BILANGGUAN LANG NAMAN! DI PA AKO BALIW NOH!" ang sagot ng stupident.

"Heh! TUMAHIMIK KA DYAN BANGAG KA!" ang sigaw naman ni Kakashi.

"Ahh.. okay lang yun sir.. hehe.. 'SIAKOL NA STUPIDENT YAN HA!' ako nga po pala si Sakuya.. nice to meet you rin po.." at nag-bow nanaman ito.

'Dapat mahinhin..' Sasuke thought sabay buntong hininga.

"Aba'y napaka-galang na bata.. sigurado kang pinsan mo si Sasuke?.."

"Ouch naman yun sa insan ko sir! Oo naman po.."

"Ahh.. sige.. pwede ka sumama dito sa klase naming sa ngayon pero kelangan mo mag-enroll bukas ha.. umupo ka sa tabi ni Sakura dahil mukang close naman kayo eh.. at wala naman ang.. ehemm.. pinsan mo."

At pareho nang pumunta ang dalawa sa upuan ni Sakura at sa katabi nitong bakanteng upuan na upuan din ni Sasuke.

"Magsimula na tayo sa ating lesson class!" ang sabi ng kanilang sensei Kakashi.

Pagkaupo na pagkaupo ni Sakura ay napatingin agad ito kay Ino na nakatingin kay Sakuya. Mukang napansin ni Ino na nakatingin sa kanya si Sakura kaya tinignan niya ito ng masama. Agad naman siyang inirapan ni Sakura. Napansin naman ni Sakura na bakante pa ang mga upuan nina Naruto at ng mga barkada nito.

"Ahh.. Sir Kakashi! Bakit po wala pa sila Naruto?" nagtanong agad si Sakura kay Kakashi.

"Kunwari ka pa tapos ang susunod mo namang itatanong.. "Sir Kakashi ba't wala po si Sasuke.."" ang sabat naman ni Ino.

"Tumigil ka nga! Kase di ba, si Sir Kakashi ang kausap ko! Kelan pa siya naging boses baboy!" ang asar naman ni Sakura. (buti nga!)

"Aba'y sumusobra ka na!" yan.. asar na si Ino.

'Ayayaya! Ayayaya! Ablah blah blah blah blah!" ang asar pa ni Sakura sa baboy este ka Ino pala!

"Kayong dalawa! Yan nanaman kayo eh! Para kayong aso't pusa! Darating din yung mga yun Sakura. Late lang siguro. Parang di ka na nasanay.." ang wika naman ni Kakashi. At pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang yun ay may grupo na nga mga lalake ang pumasok ng kwarto.

"HELLOOOO KLASMEYTZ! WAZZUP!"

Bugung!

At binatukan ni Kakashi ang bulabog na si Naruto.

"At bakit ngayon ka lang pusang gala! Gusto mong ilagay kita sa siopao ha!"

"Eh kase Sir Kakashi.. wala lang! Hahaha!

Chugug!

Batok nanaman.

"At natatawa ka pa jan! umupo na nga kayo nang makapag-simula na tayo.."

At umupo na nga si Naruto kasunod sila Neji, Gaara (totoo ba ito!), Shikamaru, Rock Lee, Chouji.. (sila lang ang magkakabarkada ha.. kasama si Sasuke..) pagkaupo na pagkaupo ni Naruto ay napansin agad nito ang bagong muka sa kanilang klase. Si Naruto kase ay nakaupo sa likuran ni Sakura. Kinalabit nito si Sakura at bumulong.

"Psst! Hoy Sakura! Sino yang dandang babaeng katabi mo? Danda niya ha…"

"Wak ka alala Naruto.. Ipapakilala ko yan sa yo mamaya."

"Talaga ha.." patuloy nang nakinig si Sakura sa tinuturo ni Kakashi habang tinititigan pa rin ni Naruto si Sasuke.

'Andali.. parang pamilyar yung muka niya.. may kamuka siya.. hmmm… may kamuka talaga.. uhmmm..' thought Naruto.

'Hala! Mukang namumukaan din ako ng kulugo!' medyo na-kokonseyus na rin si Sasuke sa mga titig ni Naruto.

Napansin naman agad ni Kakashi na hindi nanaman nakikinig si Naruto kaya agad niya itong tinawag.

"NARUTO!"

Nagulat si Naruto at biglang tumayo ito kaagad.

"SIR!"

"62+73x34/67-(-34)+78/65x45x65-56/76+78+09(67)" ang medyo! Mahabang tanong ni Kakashi.

"SIR! WALA!"

"ANONG WALA?"

"SIR WALA NGA EH!"

"BAKIT NAMAN?"

"LA PANG EQUALS!"

"TAN-G-A! BALIW! ISTUPIDO! ABNORMAL! BUGOK! INOSENTE! KAMOTE! Pilosopo ka talaga no!'

"eh Sir naman…"

"Sige na! Maupo ka na at makinig! Wag mong tunawin si binibining Sakuya.."

At namula naman agad si Naruto saba'y tukso ng mga stupident.

"UUUUUUUUUUUYYYYYYYYYYYYYY!"

"Opo Sir! Gomen Nasai! (sorry..)" at umupo na si Naruto at nakinig na sa kanyang sensei.

Itutuloy…

Next Chapter..

Bonding Session