/Flashback../

Napansin naman agad ni Kakashi na hindi nanaman nakikinig si Naruto kaya agad niya itong tinawag.

"NARUTO!"

Nagulat si Naruto at biglang tumayo ito kaagad.

"SIR!"

"62+73x34/67-(-34)+78/65x45x65-56/76+78+09(67)" ang medyo! Mahabang tanong ni Kakashi.

"SIR! WALA!"

"ANONG WALA?"

"SIR WALA NGA EH!"

"BAKIT NAMAN?"

"LA PANG EQUALS!"

"TAN-G-A! BALIW! ISTUPIDO! ABNORMAL! BUGOK! INOSENTE! KAMOTE! Pilosopo ka talaga no!'

"eh Sir naman…"

"Sige na! Maupo ka na at makinig! Wag mong tunawin si binibining Sakuya.."

At namula naman agad si Naruto saba'y tukso ng mga stupident.

"UUUUUUUUUUUYYYYYYYYYYYYYY!"

"Opo Sir! Gomen Nasai! (sorry..)" at umupo na si Naruto at nakinig na sa kanyang sensei.

/End of Flashback../

NARUTO

A LESSON TO REMEMBER

By: crushed12reflection CHAPTER QUATRO: Bonding Session

At nagpatuloy na si Kakashi sa pagdak-dak. Blah-blah dito, blah-blah diyan, blah-blah kahit saan, blah-blah ng ganito, blah-blah ng ganyan, blah-blah ng kung anu-ano.. haay.. hanngang sa halos lahat na ng estudyante ay inaantok na. Ngayon ay nagsusulat ito ng kung anu-ano sa black board. (ba't black board kung green naman ang color? Di kaya color blind ang nag-invent?..)

Si Rock Lee, malaki pa rin ang mata pero sa totoo lang tulog ang diwa niyan.

Si Neji, ganyan lang talaga ang mata niyan pero di pa yan tulog.

Si Chouji naman.. sige lang.. pasimple kang kumain dyan.

Oh! Shikamaru! Baka matunaw na si Ino sa kakatitig mo niyan..

Aba si Gaara! Nakikinig! Pero! Di kay Kakashi eh.. Kunwari ka pa! Pasimple tong Wa Kilay na toh! May mga earphones naman sa tenga.. nakikinig pala ng kanta ng Linkin Park (yung Japanese Version.. eheheh..) sa mp4 niya.. (aba! Sosyal ang lola mo!)

Naruto! Yung laway mo patulo na! Gising! Baka mahuli ka ulit.

Habang ang boys ay may kung ano-anong ginagawa, syempre naman! Ang girls din!

Si Hinata at Tenten, natural.. napaka-studious! (Para kayong tunay ha!) pinagchachagaan ang pakikinig sa kanilang pinakamamahal na sensei..

Si Ino naman, ayun at hindi maialis sa isip si Sasuke. Sige lang Ino! Mag-day dreaming ka lang..

Si Temari naman. La lang! Nakatingin sa malayo.. wala naming tinatanaw..

Si Sakura.. hayun! Sa una lang pala nakikinig.. naghihilik na ngayon.. patulo na nga laway eh..

Oopzz.. makakalimutan ko ba ang babaitang etech..

Empre si Sasuke a.k.a. Sakuya, yun at malalim ang iniisip. Hindi pa rin matanggap na kasama na siya sa federasyon nila Sakura.

At lumipas ang ilan pang mga minuto..

RRRRRIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGGG!

Tumunog na ang bell na nagsisignal na lunch na.

Wow naman! Nagising ang lahat at mukang nabuhayan! Mga plastic.. humarap na si Kakashi sa kanyang klase.

"At yan ang ating lesson for today.. kopyahin ninyo ang inyong takdang aralin okay?.. Sayonara! (goodbye!)" at lumabas na ng room si Kakashi. Maraming mga estudyante ang nagsilabasan na at excited na lumamon ng kanilang lunch. Natira naman ang barkada nila Naruto at Sakura.

"Guys.. ipapakilala ko nga pala sa inyo ang pinsan ni Sasuke-kun.. Siya si Sakuya-chan.." at ipinakilala naman ni Sakura si Sakuya.. ahaha.. sa mga lalake. Tumayo si Sakuya sa kanyang upuan at nag-bow.

"Ako si Sakuya ang pinsan ni Sasuke. Natutuwa akong makilala kayo.."

"Kami rin.." ang sabay-sabay na sagot ng mga lalake.

"Saan ka nga pala nakatira?" tanong ni Shikamaru.

"Close ba kayo ni Sasuke?" tanong naman ni Ino.

"Matagal na ba kayong di nagkikita?" tanong naman ni Neji.

"Bakit mo naman naisipang bisitahin si Sasuke?" tanong ni Tenten.

"Ilang taon ka na?" tanong ni Rock Lee.

"Pinsan ka ba ni Sasuke sa mother side or father?" Tanong naman ni Hinata.

"Anong beauty secrets mo?" tanong ni Temari.

"Magaling ka ba magluto?" tanong ni Chouji.

"Uhmm.. May cd ka ba ng Green Day? Lam mo maganda mga kanta nila. Eh ng My Chemical Romance kaya?" parang layo naman ata ng kay Gaara.

"hala! Magandang tanong Gaara.." okay. Si Naruto nagsabi nun.

"At least may tinanong ikaw wala.." aba'y naang asar pa si Wa Kilay.

"Gusto mo magtanong ako.. ba't la kang kilay ha.." yan.. binara ka tuloy ni Naruto.

"Naahit ko!"

"Weeeehhhh.. ba't kaya hanggang ngayon di pa rin tumutubo…"

"May leukemia eh!"

"Talaga lang huh.. umuwi ka na nga Gaara.."

"Pwede ba tumigil nga kayo!" at pinigil ni Hinata ang dalawa bago pa lumala ang sitwasyon.

"Saka pwede ba.. isa-isa lang ang itanong niyo.. baka di naman kayo naintindihan ni Sakuya-chan.." sinabi yun ni Sakura sabay tanong kay Sasuke.

"Natandaan mo ba pinagtatanong nila Sakuya?"

"Uhmm.. okay lang…" ang napakahinhing-(hinhinan lang yan! Hehe) na sagot ni Sasuke. 'no ba to! Para akong bakla!'

"Okay lang kahit konti lang dun sagutin mo.." sabi ni Shikamaru.

"Sige.. uhmm.. kase.. ano.. NAIIHI NA AKO EH!" ang sigaw naman ni Sasuke.

"Wow! Magandang kasagutan.." sabi naman ni Ino.

"Sige.. umihi ka muna. Hihintayin ka naming para sabay-sabay na tayo kumain." Pagkasabi ni Sakura nun ay nag-excuse si Sasuke at pumuntang comfort room.

Sa labas ng comfort room ng girls..

'Nakoh.. kelangan ko ba talaga dito pumasok! Buwisit! Nakakahiya na tong mga pinag-gagawa ko! Ni sa panaginip di ko to inisip! Puteeeeeek! Ok.. no choice.. eto na..'

At pumasok na nga si Sasuke sa C.R. ng girls

Pagkatapos niyang umihi, naghugas siya ng kamay at biglang tinignan niya ang bago niyang anyo sa harap ng salamin. Ang laki talaga ng pinag-bago niya. Ngunit isa pa rin ang hindi nagbabago.. ang kanyang mga mata. Ang maiitim na mga matang puno ng galit, pagkamuhi, paghihiganti.. kalungkutan.. tinignan pa niya ang kanyang reflection ng ilan pang minuto. Nagbuntong hininga si Sasuke at bumalik na sa kwarto kung saan nandoon sila Sakura. Pagkapasok niya ay nandoon pa rin silang lahat at talagang hinihintay sya.

"Ang tagal mo naman Sakuya. Nga pala kinuwento ko na sa kanila ang tungkol sa inyo ni Sasuke. Hanga nga sila dahil naging close ka talaga sa kanya eh napaka-suplado nun lalo na sa mga babae. Talagang nagtataka lang kami kung bakit biglang nagbago ang kayang ugali.." ang sabi ni Sakura ng nakangiti habang tumutungo lang ang iba na nagtataka rin sa nalaman nila na dati pala'y di ganun kasuplado si Sasuke. Pagkatapos sabihin ni Sakura ang mga ito ay may mga pangyayaring nagbalik sa kanya.

"Sakuya? Okay ka lang?" bigla nalang naging blangko ang mga mata ni Sasuke.

/Flashback/

kadilima.

Liwanag.

Kapatid.

Kuya.

Magkasama.

Masaya.

Isang araw.

Dugo.

Pagkasawi.

Pag-alis ng minamahal.

Pagkamuhi.

Pagmamahal ay napalitan ng

Galit.

Poot.

Paghihiganti.

Paghihiganti.

Gaganti.

Lakas.

Kelangan lumakas upang makaganti…

/End of Flashback/

"Sakuya?" tinatanong pa rin ni Sakura si Sasuke na parang wala pa rin sa sarili.

"Okay lang kaya siya?" ang tanong naman ni Naruto. Bigla nalang bumalik si Sasuke sa katinuan at parang kumunot (tama ba? Haha! Ano na kaya pinag-sasabi ko!) ang noo..

"Sakuya?" si Ino naman ang nagtanong.

"uhm. Okay na ako.." ang sagot ni Sasuke na pinagpapawisan na.

"Anong nangyari?" nagtatakang sinabi ni Shikamaru.

"Mabuti pa, kumain nalang tayo no!" ang sabi naman ni Chouji.

"Oo nga.." umagree naman si Gaara.

"Sige mauna na kayo sa Canteen. U-mo-o nalang sila sa sabi ni Sakura at lumabas na isa-isa ng room.

"Susunod nalang kami." Ang dagdag pa ni Sakura. Napansin ni Sakura na hindi sumama sa iba si Naruto.

"Naruto! Mauna ka na! Mag-uusap lang kami sandali.." ang paki-usap ni Sakura kay Naruto na naka-upo at mukang nag-aalala kay Sakuya.

Biglang tumaas nalang ang isang kilay ni Sakura sa nakita at bigla siyang napa-isip.

'Hala! Di kaya.. naiin-love na si Naruto kay Sakuya! Hala!' (hala nga! Ehehe..)

"Naruto!" nagulat bigla si Naruto sa sigaw ni Sakura at biglang napatayo sa kanyang inuupuan.

"Ano! Bakit?"

"Sabi ko sumunod ka na sa kanila at may pag-uusapan lang kami ni Sakuya.

"Sige na nga.." tumayo si Naruto habang papalabas siya ng kwarto nilagpasan niya si Sakura at bumulong.

"Bilisan niyo.. I-comfort mo siyang mabuti ha.." tumungo nalang si Sakura at tuluyan nang lumabas ng kwarto si Naruto. Pinaupo ni Sakura si Sasuke. Pawis na pawis ito at parang wala pa rin sa sarili.

"Bakit ba? Hindi mo ba nalabas lahat? Pinag-papawisan ka dyan.. gusto mo samahan kita ulit?" ang tanong ni Sakura. Hala! No naman ibigsabihin niya dun!

'Anong bang pinag-sasabi ng babaeng to! Na napoo-poo-poo ako!' "Hindi.. basta.. may naalala lang kasi akong malungkot na pangyayari.." ang sagot naman ni Sasuke sabay buntong hininga.

"Ah ganun ba! Ahehehe! Gomen Nasai.. (sorry) kung ganon.. pwede mo bang sabihin sa akin kung ano yun?"

"Hindi eh.. saka na.." ang mahinang sagot ni Sasuke. Biglang tumayo si Sakura sa kanyang upuan at inialok niya ang kayang kamay kay Sasuke.

"halika na.. baka hinihintay na nila tayo.. alam mo, wag kang matakot magsabi sa akin ng mga problema mo ha.. hindi magandang sinasarili yan. Mas maganda may napagsasabihan ka para mailabas mo at di gaanong makasakit sa damdamin mo. Alam mo, pwede mo kong maging bestfriend. Di naman ako madaldal or chismosa kaya pwede mo kong sabihan ng mga sikreto mo lalo na problema mo. Di man ako makatulong na ma-solve yun at least pwede kitang I-comfort at meron kang masasandalan at karamay." Nagkangiti si Sakura na naka-extend pa rin ang arms at hinihintay nalang si Sasuke na abutin ito. Tinitigan ni Sasuke ni Sakura sa kanyang emerald eyes. Puno ito ng pagmamahal at sincerity. Hindi ito katulad ng kanyang mga mata. Napansin naman ni Sakura ang mga mata ni Sasuke.

'ang mga mata niya, puno ng kalungkutan. Ano ba talaga ang kanyang nakaraan? Kaparehong-kapareho ito ng kay Sasuke.. pareho ba sila ng nararamdaman kaya sila malapit sa isa't-isa.' Napatigil sa pag-iisip si Sakura nang Makita niya na may isang luha na tumulo sa mga mata ni Sasuke. At sinundan pa ito na isa.. at isa pa.. hanggang sa sunud-sunod na luha na ang pumatak.

'Nakakahiya ako! Bakit ako umiiyak sa harapan ng isang babae! Pero.. bakit ganun.. ang sarap, umiyak..'

ibinaba ni Sakura ang kayang mga kamay at lumuhod sa harap ni Sasuke. Kumuha siya ng panyo sa kanyang bulsa at pinahid ang mga luhang patuloy na umaagos sa maamo nitong muka.

"Tama yan.. umiyak ka. Ilabas mo lang ang mga nararamdaman mo." Ang ibinulong ni Sakura kay Sasuke saba'y tayo at niyakap niya ito ng dahan-dahan na ikinagulat naman ng binata (na ngayo'y babae na..).

'anong ginagawa niya?'

Patuloy pa rin na niyakap ng dahan-dahan ni Sakura ang umiiyak na si Sasuke.

"Ilabas mo lang lahat ng nararamdaman mo. Nandito lang ako. Sabihin mo ang mga gusto mong sabihin. Lahat ng masasakit ilabas mo. Makakatulong yan para mabawasan ang burdens mo. Wag ka mag-alala dahil hindi ka nagmumukang mahina sa ginagawa mong pag-iyak. May mga tao kabilang na ang ilang babae na ayaw umiyak dahil nagmumuka raw silang mahina at walang laban. Lalo na ang mga lalake, sinasabi nila na kelangan daw kahit marami na silang mabibigat na problem ay hindi sila dapat umiyak dahil magmumuka raw silang mahina at bakla. Ngunit hindi naman totoo yun. Lalo ka lang mababaliw kapag itinago mo ang mga nararamdaman mo." Nagpatuloy magsalita si Sakura at sinumulan nang haplosin ang malambot at mahabang itim na buhok ni Sasuke.

"ang pag-iyak ay paraan ng tao para ilabas o ipakita ang ating nararamdaman pero sadyang merong iba na pinipigil gawin ito. Gusto kasi nilang magmukang malakas at matatag sa mata ng iba pero sa totoo nagiging plastic sila sa kanilang sarili. Kaya ikaw, iiyak mo lang yan. Wala naman sinabi ang Diyos bawal umiyak di ba . O di kaya, bawat tulo ng iyong luha ay may bayad." Pagkatapos sabihin ni Sakura ang mga iyon ay yumakap nang pabalik kay Sakura si Sasuke. Inilagay na niya ang kayang dalawang arms sa paligid ng bewang nito at humagul-gol na talaga ito. Sa kabila ng kanyang hagul-gol ay nagsalita pa rin ito.

"Ikaw ang.. unang gumawa sa akin ng ganito.. walang.. walang pake sa akin ang iba.. ikaw palang ang nag-comfort sa akin ng ganito.. salamat.." napangiti nalang ang dalagang si Sakura sa mga katagang ito at patuloy na hinahaplos ang kanyang buhok.

"Kung ano man yang mga tinatago mo, baling araw mo na sabihin sa akin pag handa ka na.. okay ba yun? Basta pag kailangan mo ng maiiyakan nandito lang ako. Simula ngayon, ako na ang iyong sister okay? Ituring mo ko na parang tunay mo na kapatid.. 'tutal pinsan mo naman si Sasuke-kun ko.. hihi..'" tumigil si Sakura sa kanyang ginagawa at tumingin sa muka ni Sasuke. Napansin niya na tinatakpan ng kayang mga bangs ang kanyang muka. Inayos niya ito, kumuha ng clip sa bulsa at inilagay sa gilid ng kanyang bangs.

"yan! Eh di mas maganda ka." With that. Tumawa si Sakura at kinuha ang kamay ni Sasuke.

"Okay ka na? Halika na at baka nabubulok na yung mga yun sa kakahintay sa atin.." tumigil na sa pag-iyak si Sasuke, ngumiti at tumayo. Sabay silang lumabas ng kwarto. Magkahawak kamay.

Itutuloy..

Next Chapter..

Ang Match Making contest