Daldal ni Keia: eto n ang part two! Hahaha! Ewan ko b kung bkit prang ang complicated ng mga divisions nito?... pagpasensyahan na! magbasa nlng kau at mag aral! Read and review pasensya n rin s lateness ha?
Reviewers: mystiekaye, Ya-kun, lilrich, Sakura-miaka(lagi k kcng nsa tabi ko kaya dedicated sau 'to), soul.assassin.547(soul-san! la lng... XD), Zhuhiechee-chan, Maimaipao, animeang3l7, nightsky, chibistar15, vbm. thanks sa inyo!
Disclaimer: ano sa plgay mo? Kung skin ang CCS eh di sana mayaman n ako… mkikita nio ang pangalan na KEIA sa mga disclaimer noh… kung skin un, kaso ndi eh..
...x...
"Ngayon na ba? Nalimutan ko eh. At tsaka, kailangan pa bang nandun ako? May gagawin pa akong library work eh." ani ko habang sinasara ko ang aking locker. Pwede ba? Tigilan nga nila ako. Kailangan pa daw na nandun ang mga nagpalista sa blind date contest dahil nga para malaman kung nanalo ka o hindi. Para namang may possibility akong manalo doon.
"Kailangan ka nga doon, Sakura. Tsaka, pwede ba? Isa ka mga respetadong directors ng student council. Para namang hindi mo alam ang responsibilidad mo." counter ni Chiharu. Sus, responsibilidad. Sino ba ang pumilit sa aking maging member ng student council kung may library work ako?
"Sige na, pupunta na ako! Susunod ako, wag kang magalala. Siguradong nandun si Tomoyo kaya nandun din ako." sabi ko habang inaayos ang gamit ko sa bag.
"Hay naku. Halika na nga!" sigaw ni Chiharu habang kinakaladkad ako.
...x...
"Ladies and gentlemen! Welcome sa announcement ng ating blind date contest. Ngayon natin malalaman kung sino ang karapat dapat makadate ni Mystery guy. Of course, malalaman kung sino si Mystery guy sa araw ng date. Kaya umpisahan na natin!" umpisa ng emcee.
As usual, 'ung mga babae sa upper level(yung mga mayayaman, ung nasa IT Circle) ng school ang mga nagiiritan. Kasama na ang babaeng may nakakairitang boses. Hay, pwede ba? Nasusuka ako sa kanila eh.
"Haha! Masaya ito mga students. Dahil nakikita niyo si Mystery guy sa tabitabi. Hindi niyo lang napapansin. Pero kayo napapansin niya. At may nakita siyang nakakabilib na babae. At siya ang mananalo ng date with Mystery guy!" announce na naman ng emcee. Hindi ko siya kilala pero kung kilala ko siya, susugurin ko siya sa stage para madaliin na ang pag announce ng winner. Naiinip na ako at meron pa akong kailangan gawin sa library.
"Hindi ka ba excited Sakura kung sino ang mananalo?" tanong ni Tomoyo sa akin. Lumingon ako sa kanya at umiling.
"Bakit naman?"
"Excited akong makauwi. Ayoko sa mga bagay na ito. Kahit na pinilit din kitang sumali." sagot ko habang napabuntong hininga. Inaantok na rin ako dito.
"At ang nanalo ay..."
"Ayan na, sasabihin na ang winner." sabi ni Tomoyo while she tugged my sleeve. Hindi ko na pinansin. Gusto ko na umpisahan ang aking library work. Tapos narinig ko na naman ang nakakairitang tawa. Bakit ba lagi na lang sumusulpot ang tawang iyon?
"Hahahaha!" Tawa ng bakulaw(kahit na iyon ang laging sinasabi sa akin ni Kuya). "Ako ang mapipili ng Mystery guy na to kaya wag mo nang sabihin Mr. Emcee." kapal!
"Ah... Hindi pwede. Kailangan ding malaman ng mga audience ang mananalo."
"Ako nga ang mananalo. If you want, I'm the one who will sabi-sabi."
"Ah... Ayoko, trabaho ko ito. At ako ang magaannounce. Tumahimik ka dyan. At ang nanalo ay si..."
"Hoy! Mr. Feeling Emcee," pero inawat siya nung emcee.
"Hoy din Miss Feeling Americanized Japanese na may buntot na butete," hahahaha! Okay ang emcee na ito ha. "Ako ang emcee dito kaya ako ang magaannounce. Tumahimik ka dyan at maghintay!"
"Hmph!" at tumahimik ang tengang daga. Buti nga sa kanya...
"At ang nanalo ay si Miss..." hala, may drum rolls pa silang nalalaman. Ang gusto ko lang naman ay matapos na ito! OKAY! "Ang nanalo ay si Miss Kinomoto Sakura!"
Salamat at sinabi na rin... Makakapagumpisa na ako sa library work ko. Saglit, narinig ko ba ang pangalan ko? Sinong nagsabi ng pangalan ko? Ang lakas naman ng boses niya. Napalingon ako sa stage at nanlaki ang mga mata ko. Pwede ba! Hindi nga!
"ANNNNOOOOOO!" sigaw ko, na parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang lakas.
"Miss Kinomoto, pumunta ka na dito sa stage. Ikaw ang nanalo." sabi ng emcee habang umiiling ako. Ayoko nga! Kahit sino naman pwede eh, bakit ako pa ang napili nung Mystery guy na iyon? Sino ba siya para mamili? Naku... Susugurin ko mamaya ang student council eh. Pero wala akong magagawa ngayon. Ako ang nanalo, sus... Pero mabuti hindi ang tengang daga ang nanalo.
Napabuntong hininga nalang ako habang ang mga tao ay nagsisipalakpakan at nagiiritan. At siyempre, hindi mawawala ang sigaw ng talunang si Nagasaki. Umakyat ako stage at pumilit na ngumiti. Sinasabi ko sa inyo, ang panget kong tignan. Hahaha... Pero wala nga ako magagawa, ako ang pinili nung Mystery guy. Ang corny rin niya ha, sinasabi ko. Oo, totoo 'yun.
"Congratulations, Miss Kinomoto. Sasabihin namin mamaya ang lugar at oras ng inyong date ni Mystery guy." sabi ng emcee while I just nodded. "Punta ka nalang sa student council room mamayang uwian." bulong niya sa akin. Aba, wala pala silang balak na sabihin kung saan ang date. Wala naman akong pakialam eh. Parang ang suplada ng dating ko noh, pero hindi ako suplada. Wala lang talaga akong pakialam sa mga bagay na walang katuturan.
"Salamat sa mga sumali. Sa susunod ulit! Salamat ulit!" at yun, nagpaalam na ang emcee at nagsialisan na ang mga estudyante. Siguro, lahat nga ng babae sa school ay sumali. Pero ang pinagtataka ko, bakit ako pa ang napili? Iba rin ang trip nung Mystery guy na iyon.
Bumaba na ako ng stage at pumunta na sa library. Pagpasok ko, nandun na si Syaoran, naglilinis at nagliligpit ng mga libro.
"Pasensya na. Ngayon lang, pinilit kasi akong pumunta sa gym para doon sa walang kwentang blind date contest." ani ko habang nag umpisa na akong magligpit ng mga libro. Inayos na niya ang kalahati, ang bilis pala niyang mag linis.
"Okay lang, narinig ko ngang ikaw ang nanalo eh. Congratulations." sabi niya habang ngumingiti. Iba ang ngiti niya ngayon. Hindi ko alam kung paano naiba, pero iba talaga eh...
"Sus, para namang may balak akong pumunta doon sa date na iyon. Si Nagasaki na lang ang papupuntahin ko." sabi ko habang umupo sa upuan. Biglang napalingon sa akin si Syaoran.
"Di ba galit ka doon sa babaeng iyon? Bakit mo naman ibibigay sa kanya?" tanong niya while he sat across me.
"Ewan. Siguro talagang mabait ako." sagot ko while he laughed. Ang cute ng tawa niya ha. Bagay sa maamo niyang muhka.
"Hindi nga? Eh ang rinig ko eh yung Mstery guy ang pumili ng lucky girl. Siguradong alam niya ang itsura mo. Tapos, kung si Nagasaki ang papupuntahin mo dun ay baka gulo ang mangyari. Magkakaroon ng tsismis na hindi mo sinipot ang date at sana hindi ka na lang sumali." sabi ni Syaoran. Tama ang sinabi niya. Muhkang marami siyang nabaong CS(common sense) ngayon. Naubos kasi ang CS ko knina sa gym eh. Bwisit na blind date contest yan.
I have to agree to what he said. Iyon pa naman ang pinaka ayaw ko, ang pinaguusapan ako sa eskwelahang ito. Bad things are getting worse. At hindi mo talaga magagawa ang mga bagay na usually mong ginagawa dahil pati ang mga writers ng school newspaper ay hindi ka rin tatantanan. Hay... Buhay talaga...
Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa baba. Tapos narinig kong napa-sneeze si Syaoran. Tumingin ako pataas at tinanggal ang salamin niya. Bakit ba ayaw niyang tanggalin ang salamin niya? Hay...
"Sinisipon ka ba?" tanong ko. Well, kitang kita naman na concern ako sa kanya.
"Hindi."
"Mabuti naman. Akala ko kasi may sipon ka." Bigla ko na lang naalala na pinapapunta pa la ako sa student council room. Ayyy! Ano ba? Bakit parang naging hectic ang sched ko? "Oo nga pla Syaoran, samahan mo naman ako sa student council room ha. Tatanungin ko lang sila tungkol doon sa blind date whatever."
"Sige ba? Kelan ba? Ngayon na ba?" tanong niya. Hmmm... Siguro, ngayon na lang. Since tinapos na rin naman niya yung gawain dito eh.
"Uh, oo. Ako na lang ang mag-lilinis dito bukas, huwag kang mag-alala." sabi ko habang lumabas kami ng library.
"Hindi, okay lang naman yun eh." sabi niya.
Hindi na ako umimik. Wala namang mangyayari kasi parang nai-insecure ako. Kita mo, ako, nanalo ng isang blind date kuno sa isa sa mga hottest guys dito sa campus at sinasabing isa sa mga famous girls ng campus(pero I don't belong to the IT Circle ng malalande), kasama ang isang Pambansang NERD ng Seijuu High. Galing noh?
Tapos, narating na namin ang Student Council Room. Sinabi ko kay Syaoran na maghintay na lang sa labas. Then pumasok na ako at nakita ko ang complete officials ng council. Nagulat ako. Sa isang pagkakataong ito, ngayon ko lang nakita silang kumpleto. Minsan nagiging kumpleto lang sila tuwing may emergency sa faculty na kailangang sila ang magtake-over sa school. Ganun kahirap maging student council official, kahit muse ka lang(or even escort, may ginagawa). And considering na ako ang isa sa loyal at responsable na board member at laging absent sa mga meeting. Hehehe...
Napatulala ako sa kanila. At napatulala sila sa akin. Ang tahimik at nakakarindi. Bakit naman sila ganito? Bago pa ako bumalik sa katotohanan, dapat pang tumulo ang laway ko. Eeeww!
"Ah!" pinunansan ko ang laway ko at nag-excuse me. Nakakahiya pero sila naman ang may kasalanan eh. Hindi kaagad sila nagsasalita. Napatingin ulit ako sa kanila. At nagsimula na akong magtanong.
"Saan ba gaganapin 'yung date? At kailan ba iyon? Baka kasi may puntahan kami at hindi ako makapunta."
Tumayo si Yuu, ang president ng council. May kinuha siya sa mesa at binigay sa akin. Tinanggap ko naman since muhkang kailangan iyon eh.
(k: kilala niyo na c yuu, or yusuke, kung nagbabasa kau ng MTS, hehe, recycled OC! XD)
"Ang ticket na iyan ay magsisilbing confirmation code para sa restaurant na inarkila ng Mystery Guy. Just follow the map at alam mo na kung saan. At 'yung araw ng date niyo ay nandiyan. Akoyong may makakaalam nito bukod sa mga taong narito." sabi niya at napatitig siya ng masama sa dingding. May napansin akong kuminang at ngumiti ako. Si Nagasaki na naman ang may pakana nito.
Nalalaman ko na ang reaksyon nila. Ganito iyon:
Si Nagasaki at ang mga butete nilya ay mga nagulat sa nakita nila. Nagsimulang sumigaw ang tengang daga habang sinasakal sa gigil ang isa sa mga butete niya. At dahil natakot ang isa, lumayas ito sa auditorium at nagtago.
Ayan ang mangyayari...
Napatawa ako sa sarili ko. Sige, ganyan dapat ang mangyari sa kanya. Masyado siyang UZI (usisera). Pero, dahil sa mabait ako, hahayaan ko na lang siya. Wala naman akong pakialam kung anong mangyari sa kanya. Kaya lumabas na lang ako, at nakita si Syaoran na nakatingin sa may bintana. Nilapitan ko siya at tinakpan ang mga mata niya. Matangkad din si Syaoran kaya medyo mahirap siyang abutin. Ngayon ko lang ito ginawa sa isang lalaki, kahit kay Kuya Touya, hindi ko pa nagagawa.
"Sakura," ani niya ng mahina, "alam kong ikaw lang ang gagawa niyan."
Inalis ko na ang mga kamay ko. Pero, oo nga naman, ako at si Tomoyo lang ang close niya. Nauubos na talaga ang CS ko. At iisiping, ang tagal tagal ng araw ngayon. Haaayyy...
Tinignan ko yung confirmation code at nakita kong sa Sabado ang blind date. Iniisip ko kung may gagawin ako, wala naman. Wala namang pasok at gabi pa naman iyon. Nag-aalala lang ako kung sino siya. Ngayon lang ako makikipagblind-date sa isang lalaki at school pa ang may gawa nun. Pinagkakatiwalaan ko naman ang SC (Student Council) sa bagay na ito. Alam kong hindi nila hahayaang isang bully ang Mystery Man. Pwedeng super gents niya at gwapo (hindi ko naman hanap sa lalaki iyon), mabait at magalang, at siguro matalino at responsable. Kaso ay pinagtataka ko lang, bakit naman siya nag-held ng ganoong contest? Kung ako lang ang pipiliin niya, sana nilapitan niya na lang ako at sabihing gusto niyang makipag-date. Hindi ko talaga maintindihan ang mga lalake, ang gulo nila minsan.
Napatingin ako kay Syaoran. Hindi ko siya masyadong kilala kaso parang nakilala ko na siya dati. Deja vu? Hindi naman. Tinitigan ko ang muhka niya at feeling ko namula ako. Iba siya sa mga lalaking nakilala ko maliban kay Eriol. Ewan ko kung bakit feeling ko ang gaan-gaan ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya, lagi akong protektado at may tagapagligtas ako. Haaayyy... nagiging corny na naman ako. Parang naiinlove ako sa nerdy na ito. Pero walang pakialamanan, ako ang may hawak ng buhay ko at ako ang magpapasunod dito.
"Sakura."
Napalingon ulit ako kay Syaoran. Ngumiti lang ako sa kanya. "Bakit? May problema ba?" tanong ko. Umiling lang siya. Uh, okie... Pero, tumingin siya sa akin.
"Ikaw, parang may problema ka ha?"
Sinubukan kong tumawa para hindi mahalata ang kaba ko para sa Sabado. "Ako? May problema? Wala 'no! Pag ako nagka-problema, nasosolusyonan kaagad!" sagot ko, hanggang sa humapo ang tawa ko. Hindi ko talaga alam ang sasabihin. Parang nahihiya na ako sa kanya. Ewan ko, pero siguro, mahal ko na si Syaoran. Sa loob ng maikling panahon, dalawang araw to be exact, nabuksan niya ang puso ko. Grabe... Bumibilis ang pagtibok ng puso ko.
Bigla kong naramdaman na may humawak ng kamay ko. Napatingin ako bigla at nagblush ako. Bigla lang hinawakan ni Syaoran ang kamay ko. AHHH! Ano bang nagyayari sa akin? "Uhhmmm... Syaoran?"
"Sakura... ano, kasi..."
Natahimik ako. May sasabihin siya. Ano kaya iyon? Nag-aalala ako. Paano kung bad news iyon?
"Kasi, paano ko ba sasabihin ito? Uh, kasi, hindi pa ako sigurado, pero, si Mama, pinauuwi na ako."
Pinauuwi na ako... Pinauuwi na ako... Pinauuwi na ako... Pinauuwi na siya. Ang ibig sabihin, aalis siya. Iiwan niya ako. Ayoko... Ayokong umalis siya.
"Ano ulit?" tanong ko, ung boses ko parang nagka-crack. Gusto kong umiyak, pero hindi ko magawa. Ayokong umiyak sa harapan niya. Baka maawa lang siya sa akin. Ayoko rin nun.
Napatingin siya sa iba. Na-realize ko na nasa bahay na pala kami, hindi ko alam. Parang ayaw niyang ulitin yung sinabi niya. Gusto ko lang alamin kung tama ang pagkakarinig ko.
"Pinauuwi na ako ni Mama sa Hong Kong. Ewan ko kung anong rason, pero pinagmamadali na ako." sabi niya ulit nang nakapikit.
Tama talaga ang pagkakarinig ko. Paano ito? Anong gagawin ko? Ayokong iwan niya ako lalo na't mahal ko siya.
"Kailan naman ang flight mo?" tanong ko na parang wala lang sa akin iyon.
"Hindi ko alam. Pero siguro mamaya o bukas ng umaga. Hindi ko alam, tatawagan pa ako ng mama ko."
Talagang sinasagot niya ang mga tanong ko. Siguro desidido na siyang umuwi. Siguro wala siyang nararamdaman para sa akin kung hindi kaibigan lamang. Kung may nararamdaman naman siya para sa akin, hindi naman siya aalis eh. Maghahanap siya ng paraan upang hindi umalis. Pero aalis siya kaya wala siyang nararamdaman para sa akin.
"Ang ibig sabihin, pwedeng hindi na kita makita bukas sa school?" tanong ko sa kanya. Tumingin na naman siya sa iba. Oo ang sagot niya, sigurado ako doon. Natawa lang ako sa sarili ko. "Nakakatuwa naman. Noong isang araw lang kita nakilala, tapos aalis ka na. Grabe..." Hindi ko na talaga alam ang sasabihin ko.
Bigla na lang niya ako niyakap nang mahigpit. Pinigilan ko na ang pagiyak ko. Ayokong umiyak sa harap niya. Kailangan kong tatagan ang loob ko para sa kanya. Kung alam lang niya... Kung alam mo lang Syaoran, kung alam mo lang na mahal na mahal kita.
...x...
Umaga na... Tinignan ko ang orasan ko at nakitang maaga pa. Nakakapagtaka... Ang aga kong gumising ngayon. Tinignan ko naman ang kalendaryo... Huwebes. Naalala ko si Syaoran. Siguro, nakaalis na siya. Hindi ko na siya makikita sa school. Hindi ko na rin siya makakasama sa library works. Hindi na namin siya makakasamang kumain. At higit sa lahat, wala na akong kasamang umuwi.
Dalawang bese niya akong sinamahang umuwi, at para sa akin, malaking bagay na iyon. Lalo na 'yung kahapon. Niyakap niya ako... May ibig sabihin kaya iyon. Siguro wala, kaibigan niya lang ako at siguro mamimiss niya ako. Pero malilimutan niya rin ako. Kaya siguro, dapat ko na rin siyang kalimutan. Dapat mag move-on, at siguro si Mystery Man ang makakatulong sa akin.
...x...
Mag-uumpisa na ang klase. Math pala ang first period namin ngayon. Tinignan ko ang tabi ko. Wala na si Syaoran doon. Isa na lang siyang bakanteng upuan. Sino kaya ang makakatabi ko ngayon? Sana matino-tino.
Pero, dapat pa bang isipin iyon? Ang mas kailangan kong isipin ngayon ay ang lesson namin ngayon. Alam kong titirahin na naman ako ng professor namin. Ewan ko ba kung bakit, pero ako na lang ata ang nakikita nun. Kumikinang ba ang beauty ko tuwing Math? Hahahaha! Himala, kahit minsan may nakakapansin sa beauty ko tuwing klase. Heehehe...
Naghintay ako hanggang sa mag-bell. Kakainis naman... Ang aga aga pa ba? Parang late na ha. Or baka naman wala yung professor namin. Yehey! kung ganun.. Kaso kung late lang... patay, overtime ito. Alam ko na iyon. Ewan... Wala akong magawa ngayon. Ano kaya gagwin ko ngayon?
Tumayo muna sa umpuan ko at lumabas ng room. Saan kaya ako pupunta? Magta-time na para sa first period, pero wala pa rin yung bell. Bakit kaya? Nakakapag-taka naman. Siguro nasira yung technical room. Haha... Buti naman. Kasi kung papatawagin nila ako, mahihirapan sila. Hindi nila iaannounce. Bwahahaha!
Tumigil ang tawa ko(sa isip) ng mapadaan ako sa library. Parang ang tagal-tagal bago ulit ako nakapasok rito. Pero sa totoo lang, kahapon lng naman ang huli kong punta rito. Haayyy... Isa lang ang ibig sabihin nun... Tumatagal ang araw... at siguro, tumatanda na ako. Hehehe..
Pumasok ako sa library. Parang walang pinag-bago sa kahapon. Ganun pa rin ang ayos ng dalawang upuang iniwan namin kahapon ni Syaoran. Lumapit ako doon, at may napansin na maliit na notebook sa may upuan na ginamit ko kahapon. Kinuha ko iyon at binuksan kung saan may isang papel na nalaglag. Pinulot ko ito at binuksan. Isang sulat na naka-address sa akin. Ito yung laman...
Sakura,
Sorry kung hindi ko nasabi ng maaga na aalis na ako. Biglaan kasi iyon eh. Hindi ko alam na pinag-mamadali ako ng mama ko. Pero sa dalawang araw na pinagsaluhan natin bilang mag-kaibigan, nalaman ko kung paano magkaroon ng kasama sa paglalakad sa corridor ng campus na ito. Natuto akong makibagay sa mga taong dati ay hindi pumapansin sa akin. Nalaman ko rin kung paano mag-mahal... hindi lang ng isang tunay na kaibigan ngunit higit pa roon. Nakakatawang isipin, pero ikaw ang kauna-unahang babaeng nakapag-bukas hindi lang ng isip kundi pati puso. At lahat ng iyon ay dahil sa iyo. Ikaw lang ang tinitibok ng puso ko. Pasensya na kung hindi ko nasabi sa iyo ng personal. Siguro talagang nasa lahi ko na ang maging mahiyain.
Maraming salamat sa lahat ng nagawa mo para sa akin sa loob ng dalawang araw. Siguro maliit na bagay lang sa iyo ang mga iyon, pero para sa akin ay sobrang laki nitong mga ito. Sobrang importante na hindi ko ito makakalimutan.
Syaoran
Talaga naman eh 'noh? Hindi niya talaga sinabi sa akin. Ano bang balak niya? Magpapakamatay ba siya? Parang sulat pamamaalam niya ito ha. Hay naku.. may topak rin iyon eh. Pero okay lang.
Nag-bell na. Nagmadali ako papunta sa klase namin. Buti na lang wala pa yung professor namin, kundi sasabihin nun late na naman ako nang pag-gising. Minsan kasi walang CS ung tandang iyon eh. Alam mo na, laging kinakain ng pressure at stress kaya ganun na lang ang pag-iisip nun. Pero, sa uulitin, okay lang iyon. Huwag nang isipin ang walang katuturan kasi walang magagawa iyon.
Nag-umpisa na ang klase at parang walang kabuhay-buhay ang klase. ANO BA! Wala bang marunong mag-crack ng joke ang isa sa mga estudynte rito? Nababagot na ako dito, gusto ko nang umalis sa klaseng ito... Sana naman merong himalang mang-yari...
"Calling all Math teachers... Calling all Math teachers. Proceed to the Faculty Room now. Proceed to the Faculty Room now."
BWAHAHAHAHA! OH MY GOSH! Natupad ang wish ko! Hahaha! Ang galing naman oh! Ito ang isa sa mga happiest day, este period, ko!
"Okay class, itutuloy natin ang discussion bukas. You can dismiss now." sabi niya sabay labas ng room.
Yes! Yes! Yes! Ang galing galing ko talaga! Ako ang the best! Joke! Hehehe... Pero ano na naman ba ang gagawin ko? Eh may klase pa yung second period namin eh. Siguro dito na lang ako, tutunganga. Or, punta na lang ako sa library at mag-ayos doon para makabawi doon sa paglinis ni Syaoran kahapon.
Pagdating ko sa library nandun si Tomoyo, may ginagawa sa sketchpad niya. Nilapitan ko siya at nakita na nagdi-design siya. Para saan naman kaya iyon? Tsaka, bakit siya nandito? Alam ko may klase pa siya eh.
"Tomoyo." tinawag ko siya. Lumingon siya sa akin at pinaupo sa tabi niya.
"Pinatawag yung professor niyo noh? First time mangyari yan ha." sabi niya habang napapatawa.
"Oo nga eh." sabi ko habang pinapanood siyang mag-drawing. "By the way, bakit ka nandito? Wala ba kayong klase?" tanong ko sa kanya. Umiling siya. Naku, may binabalak na naman si Tomoyo.
"Mawawalan ng klase ngayon. At 'yung date, gagawin bukas." sabi niya.
Tinignan ko siya at may nakita ako sa mata niya. Yung kislap na iyon, alam ko iyon! Pagkumislap ang mata ni Tomoyo at may sinabi siya, totoo iyon o mangyayari talaga iyon. Patay... sabi na! May binabalak itong si Tomoyo.
Tapos narinig kong nag-on yung mga speaker. Ito na... tama siya!
"Students of Seijuu High, sorry for the inconvenience but we will suspend the classes until tomorrow. You can pack your things now and return home. Thank you."
Si Yuu ang nag-announce. May problema na naman sa faculty sigurado.
"Also, officials of Student Council, proceed to the Student Council Room now! Especially Sakura Kinomoto of 4-A."
ARRRRGGGHHH! Ka-aga-aga, pinatatawag na ako! Ano ba? Tama na naman ba si Tomoyo? Pero, okay lang. Mas okay kung bukas ang date kesa sa Sabado pa. Ang tagal tagal pa ng hihintayin ko. Hehehe... Naku, nakakatuwa talga ang paaralang ito. Maraming nakakatuwang nangyayari... Bwahahaha...
"Sige, Tomoyo, punta na ako dun. Baka tama yung sinabi mo na babaguhin yung araw ng date." sabi ko sa kanya.
"Sure. Maya, shopping tayo para sa date niyo bukas." sagot ni Tomoyo habang kindat.
"Eh? Okay..."
Lumabas na ako ng libraray at karipas ng takbo sa Student Council Room. Pumasok na ako doon at tumabi kay Yuu. Wala namang paki yung ibang officials eh.
"So, para saan ang meeting natin ngayon?" tanong ko sa kanila. Baka nga yung sa araw ng date. Naku, excited na ako! Sana bukas na!
"Pag-uusapan natin ang araw ng date niyo Sakura. Tumawag kanina si Mystery Guy. Sinabi niya ng bukas na lang ang date niyo. Parehong oras at lugar. Walang rason kung bakit niya binago, basta 'yun lamang ang sinabi niya." sabi ni Yuu habang may nabot sa aking bagong confirmation ticket na patago.
Kinuha ko ito. Siguro nakikinig na naman si Nagasaki at ang mga butete niya. Hay naku, walang kadala-dala... Parang may binabalak ako.. Hahaha! Gantihan na ito!
"Ah, okay. Walang problema. Pero ang problema, bakit na-suspend ang klase ngayon? Biglaan ha." tanong ko habang tumayo ako.
"Wala yun. Kaming bahala, pwede ka nang umuwi."
"Parang gusto mo na akong palayasin ha. May posisyon din naman ako dito sa Student Council."
"Pero, wala ka namang ginagawa eh." sabi niya. Ouch... that hurts, you know! May topak din itong si Yuu minsan eh. Nakakagilgil din minsan ang pagkatopak.
"Ay... ang sama! You're so mean sometimes, Yuu. Ewan ko ba sa'yo. Bahala ka na diyan, pero thanks ha." At lumabas na ako ng SC room. Hay... Kakainis yang Yuu na yan ha...
Nakita ko si Tomoyo at lumapit sa akin. "Ano? Tara na, shopping na tayo!" sabi niya at kinaladkad na ako papunta sa room namin. "Siyempre, kunin mo muna gamit mo. Hindi naman pwedeng iwan natin yan dito. Anong mlay natin, biglang kunin ni Nagasaki yan?"
Kinuha ko yung gamit ko. Grabe ang mga tao ngayon, lagi akong tinotorture. Para namang robot ako na pwedeng kaladkarin kung saan saan. Ay bahala na sila!
"Bakit ba parang excited kang mag-shopping ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Kasi..."
...x...X...x...
Daldal ni Keia: ano? pasensya na kung late na ha. mas serious kasi ako dun sa MTS. hehehe... pero ito ang mas pinaka-iintay ng mga klasmeyt ko. hehehe... sori kung isang cliffy ito ha. wala na akong maisip para dito eh. tsaka, baka matagalan ulit ung susunod. akala ko may time ako eh, tignan ko this week kung maumpisahan klo ung part 3. for now, here's a parang-timeline so hindi kayo ma-lost kung anong mga nangyari...
Part 1:
Monday - Simula ng registration sa Blind Date Contest. Nakilala ni Sakura si Syaoran at naging friend ito.
Tuesday - Kasabay ni Sakura si Syaoran pag-pasok. Get to know with Syaoran, at hinatid ni Syaoran si Sakura sa bahay.(kilig)
Part 2:
Wednesday - Announcement kung sino nanalo sa Blind Date Contest. Nag-paalam si Syaoran kay Sakura.
Thursday - Suspended ang klase. Pag-bago ng araw ng date, at simula ng shopping nila Tomoyo at Sakura.
so next part ang last part... hehehe... iyon na ang date ha... konting shopping at date!
