Wahahahahaha! Walang kwenta yung "Un0.." Pero nakapagpasya na ako na kahit walang mgbasa nito, ok lng.. basta me magawa lang ako ngaung bakasyon.. Epal kasi e.. Ang init init tapos ang nakakatamad pa…

Wala naman akong maisip gawin na iba.. Wala na nga akong ginawa dito sa bahay kundi manood ng tv, magcomputer at matulog.. Bukod dyan.. wala n.. kung di ako tulog, tulala ako.. hanep talaga.. boring..

Sige, simulan ko n.. sana maituloy-tuloy ko to.. at sana di ako maubusan ng net-load..


Are Jokes Really Half Meant?

d0s..

Pagpunta ng tatlo sa canteen, lahat ng estudyante doon tumingin sa kanila..

"Di ba yan si Sasuke, yung nagpaiyak kay Ino?" bulong ng isa.

"Oo sya yun.." sagot nman nung isa.

"Bakit ba sila nagbreak?"

"Nung tinanong ko si Ino, hindi siya sumagot."

"Bakit?"

"Malay ko! Basta ang alam ko ayaw na sa kanya ni Sasuke."

Hindi alam ng dalawang ususera na nasa likod na pala sila ni Sasuke. Nanlilisik na ang mga mata nito sa asar. Dahan-dahang lumingon ang dalawang tsismosa at pagtingin nila.. bigla na lang ito sumigaw..

"SINABI NANG MATAGAL KO NANG AYAW SA INO NA YUN EH! KAYA KO LANG SIYA NAGING GIRLFRIEND KASI PINAGBIGYAN KO LANG SIYA! AT KAYA NA AKO NAKIPAGBREAK KASI SAWA NA AKO SA MUKHA NIYA! ILANG BESES KO BA DAPAT SABIHIN YUN!"

"WAAAHH! MULTO!" sabay takbo ng dalawang pakialamera.

Napansin nina Naruto at Shika na umuusok na ang ilong nito. Isip-isip ng dalawa.. Masama ito. Pag nagagalit pa naman si Sasuke, inaatake siya ng sakit niya—yung pag-eenglish niya mas tumitindi.. Masama ito..

"Aba! Those two are heating my head!" sigaw ng ulol na frustrated inglisero.

Lahat ng nakarinig sa sinabi nya, napalingon. Tumingin naman si Naruto kay Shika.

"Pinapainit daw ng dalawang yun yung ulo nya.."

Sabay na napabuntong-hininga ang dalawa. Lumapit na ulit sa kanila si Sasuke.

"Sasuke, cool ka lang. Kalimutan mo na ung mga narinig mo." Payo ni Naruto.

"Why should I? What is their please-know with my relationship with Ino?"

"Huh?" sabay tingin kay Shika.

"Ano raw pakialam nila sa relasyon nila ni Ino. Kaya please-know kasi 'paki' para dun sa 'please' tapos 'alam' para dun sa 'know'.." paliwanag ni Shika.

"Ay sus.. potah yang english na yan oh.." bulong ni Naruto sa sarili. "Hayaan mo na yung dalawang ususera na yun." Baling nito kay Sasuke.

"But why? They are too complicated!"

"Medyo mahirap ispelingin yun ah!"

"Those ususeras are so pakcyit!"

"Tigilan mo na nga.. Wala na sila dito.."

"Okay! Fine! Let's eat!"

"Tama yung pag-eenglish nyang yun ah! Wala na akong pwedeng ipaliwanag." sabi ni Shika na napapaiyak pa sa tuwa.

At nag-order na nga ang tatlo ng makakain nila.

"Isa nga pong serving ng sinigang na bangus tapos po dalawang tasang kanin. Tsaka po large na Mountain Dew." Order ni Naruto sabay turo dun sa mga inorder nya.

"Ako po, isa pong serving ng adobo tsaka po dalawa rin pong tasa ng kanin. Tapos po large na 7 up." Tinuro rin ni Shika yung mga inorder niya.

"Me, I want that boiled cow over there and three cups of rice. And extra large coke." Sabay turo ni Sasuke sa mga pagkain na nandun. At nag-hum pa sya ng latest theme song ng coke at pati yun inenglish niya. "I hope I could tell in this song of mine, all the things that were wanted by this heart of mine. I hope anywhere you will go in life, there is love, there is hope, there is joy and meaning.."

"Ano ba yan! Pati theme song ng coke inenglish.. Haaay naku.." sabi ni Naruto sa sarili.

"Anong boiled cow?" tanong ng tindera.

Si Shika na ang sumagot para sa kaibigan. "Nilagang baka po. Pasensya na po kayo."

"Ah.. ok.." sagot naman nito.

Nagkwekwentuhan sila habang kumakain. Nang maubusan na sila ng mapag-uusapan, palihim na sumulyap si Naruto at si Shika sa isa't isa.

"Ah Sasuke.." tawag pansin ni Naruto.

"What's the matter, peanut butter?" sagot ng ulol na frustrated inglisero.

"Pwede mag request?"

"Sure. Anything I can do, I'll do it for you.."

Tumulo ang pawis ng dalawa niyang kaibigan.

"Ahh.. pwede bang tigilan mo na yang pag-eenglish mo?"

"Why? Is there a mistake in my english?"

"Ah hndi nman sa ganon kaya lang—"

"Uhmm.. kaya lang minsan nahihirapan ako mag-translate.." singit ni Shika.

"Why! Did I told you to translate what I was telling to you people!"

"Uhmm.. pero—" sabay paliwanag ng dalawa ngunit naputol dahil sa isang malakas na boses ang umalingawngaw sa buong canteen.

"YEESSSSS!"

Lahat ng tao sa canteen napatingin sa pinanggalingan ng boses—pati sina Sasuke.

"SA WAKAS NATUSOK KO NA ITONG STRAW NG JUICE DITO SA PACK!" sigaw ng dalaga habang tumatalon sa tuwa.

"NOW, WHOSE THAT MADAPAKIN LADY THAT SHOUTED A CYIT NONSENSE THING!" alingawngaw rin ng boses ni Sasuke na parang tinatapatan ang boses na umalingawngaw din kani-kanina lang.

Biglang nanlisik ang mga mata ng dalaga. At matalas itong tumingin kay Sasuke. Hindi niya alam kung namamalik-mata lang siya pero parang may napansin siyang pulang-ilaw sa mga mata nito. Napadilat tuloy ang mga mata ni Sasuke.

"Uhmm.. wait! Let me explain everything from my past to my future!" sabi ni Sasuke habang papalapit na sa kanya ang babae.

"LINTIKZZZ NA ENGLISH YAN OH! HOY MR. FRUSTRATED INGLISERO, WAG NA WAG MO KONG TATAWAGIN NG MADAPAKIN LADY KUNG GUSTO MO PANG SIKATAN NG ARAW!" banta ng dalaga.

"Teka, Sakura, tama na yan." Awat ng isa pang babae sa nanggigigil na nyang kaibigan.


Sige, yun na muna.. Wait na lang kayo sa susunod na chapters ha! Review naman kayo..! SIGE, SALAMAT!