Pasensya n.. wala pa masyadong nangyayari e.. try ko dito sa chapter na to.. let's start the story.. (simulan na natin ang kwento)..


Are Jokes Really Half Meant?

trEs..

"ANONG TAMA NA! HINATA, HINDI MO BA NARINIG YUNG SINABI NITONG TAONG TO SA KIN!" sabay turo ni Sakura kay Sasuke na halos idutdot na niya yung daliri niya sa noo nito.

"Narinig.. pero tigilan mo na yan.." awat pa rin ni Hinata.

"Oh narinig mo naman pala e.. Anong gusto mong gawin ko! Ngumiti pa sa kanya at magpacute! Hindi noh!"

"Wala naman akong sinasabi na ganon e.."

"Ah basta hndi ako titigil hangga't hindi ko natuturuan ng leksyon tong walang kwentang taong to.."

Kanina ka pa nga turo ng turo sa noo nya e.. hindi mo pa ba sya natuturuan nyan? Isip-isip nila Hinata, Naruto at Shika na nag sweat drop.

"Basta itigil mo na yang pagbubunganga mo jan kay Sasuke.." sabi pa ni Hinata.

"SASUKE? ITONG TAONG TO NA HINDI MARUNONG MAG-ENGLISH EH UNG SINASABI NYONG SASUKE?" hindi nya pa rin tinitigilan ang pagdudutdot sa noo ni Sasuke habang nakatingin kay Hinata. Sila Naruto naman at Shika ay pinipigilan na si Sasuke dahil mukhang sasapakin nya na ang babaeng kanina pa turo ng turo sa noo nya..

"Ah eh.. hndi mo pla kilala kung sino si Sasuke na pinag-uusapan ngayon sa buong campus?" mejo nagtataka si Hinata.

Humarap si Sakura kay Sasuke. "HOY MR. FRUSTRATED INGLISERO! ANONG PANGALAN MO?"

Tinigilan na nya ang pagdutdot sa noo ni Sasuke. Isang lokong ngiti ang sumilay sa labi ni Sasuke.. Isang sarkastikong na ngiti.. Hindi na sya nagwawala katulad ng kanina na para bang sasapakin na nya si Sakura.

Nakakaasar ung ngiti ng lokong to ah! Nanggigigil na isip ni Sakura.

"Why do you want to know my name?.."

Tama un ah! Isip-isip ni Shika na nagniningning pa ang mga mata.

"You crush me!"

WAAAAHHHH! Patay tayo jan.. mali na naman po! Huhuhuhuhu... Mangiyak ngiyak na isip nila Naruto at Shika.

"PWEDE BANG PAKI TAGALOG MR. ABNOY!" Sabi ni Sakura in a sarcastic tone.

Mukhang nag-iinit na naman ang ulo ni Sasuke.. Unti unti na namang lumalabas ang usok sa ilong nito.

Napansin ito ni Naruto kaya sinenyasan niya si Shika na ito na lang ang magtranslate ng sinabi ng kanilang kaibigan.

"Ah.. Ms, ang sabi nya kung may crush ka ba daw sa kanya.." paliwanag ni Shika kay Sakura.

Bumalik ang pang-asar na ngiti ni Sasuke.

Grrr.. Ang epal! Isip ni Sakura nung napansin niya ang ngiting muling sumilay sa labi ng lalaking hindi marunong mag-ingles..

"Ah ok.. salamat.." nakangiti pang sabi ni Sakura kay Shika. Pagharap nya ulit kay Sasuke..

"ANG KAPAL DIN NAMAN NG MUKHA MO NOH!"

"Why? Gwapo naman ako ah!" Sabay pose ni Sasuke na parang sasali sa "Mr. Pogi Contest".

"WOW! ANG HANGIN MO, PARE!" sigaw ni Sakura na may hand gestures pa na parang nagsasabi ng "to the highest level!"

"Alam mo Ms. Sakura.. Sakura, hindi ba?" at biglang naging mukhang magalang pa ang loko, "tanggapin mo na kasi na gwapo ako.. wala naming mawawala sayo kung tatanggapin mo man yung katotohanang yon.."

"Oh sige.. honestly speaking, at para na rin sa kapakanan ko dahil baka tagain na ako ng mga babae dito sa campus, oo, gwapo ka nga.."

"You see! So you receive that I am handsome?"

"Ang sabi nya, Sakura, e di natanggap mo na raw na gwapo siya..?" singit agad ni Shika dahil baka kung anu-ano na namang pang-iinsulto ang lumabas sa bibig ni Sakura at baka mag-init pa ulit ang ulo ni Sasuke..

"Hndi ah!" baling nito kay Sasuke. "Pero ang ipinagtataka ko lang eh bakit sila nababaliw sayo e gwapo lang naman ang masasabing characteristic na maganda sayo.. at wala nang iba.."

"Aba! Hindi lang ako gwapo, marunong din akong kumanta kahit papano.." biglang may minus-one na tugtog at kumanta si Sasuke ng "This is the Moment" with hand gestures pa!

"..tsaka magbreak-dance at mag-harlem.." Biglang may tumugtog na hindi alam kung san galing at nagsayaw na si Sasuke ng harlem.. Ilang sandali pa at huminto na ang tugtog.

Nag sweat drop ang apat at sabay sabay pa bumuntong hininga.

"Mr. Sasuke, and ibig ko pong sabihin doon sa sinabi kong magagandang characteristics e for example, ung kagwapuhan mo, masasabi ko na isa ung good characteristic mo kasi marami kang NALOLOKONG tao dahil sa itsura mong yan.. e ung pagsayaw mo at pagkanta? Marami naman jang iba na kahit to the highest level na ang galing nila sa pagsayaw at pagkanta e kaunti pa rin naman ang mga kaibigan.. Meaning, kung meron ka pa bang magandang UGALI jan? UGALI PO MISTER!" paliwanag ni Sakura na mukhang pikon na sa mahinang pick-up ni Sasuke pero mejo kalmado pa rin sa pagsasalita.

"Ah un ba! Xempre meron naman akong mga magagandang ugali tulad ng.. uhmmm.. ahh.. ano ba? Uhmmm.. sandali ah…" mejo pinagpapawisan na si Sasuke.

"Bwahahahahaha!" halakhak ni Sakura. "Wala kang maisip no! Ayan, ibig sabihin napakasama mong tao.. Bwahahaha!"

"Masama ka jan! Aba, marami na akong nagawang mabuti sa kapwa ko.." pagmamayabang pa ni Sasuke.

"Owwwsss? Talaga lang ha! Sige nga.. Sabihin mo nga sa kin ngaun kung ano ung mga bagay na nagawa mo sa kapwa mo.. Sige nga.. sige nga.." hamon ni Sakura kay Sasuke..

"Pinaliguan ko ng mag-isa ung dalawa kong aso nang walang tumutulong sa kin.. oh ano! Wala ka don!"

"Huh! Anong mabuti dun!"

"Aba.. eh kung hindi ko sila pinaliguan e di ang bantot bantot na nila.. pasalamat yung mga asong un sa kin dahil mabait ako.."

"Mabait ka na nun!"

"O eto pa.. Nililigpit ko ung higaan ko pagkagising ko lagi sa umaga.. pano ba yan!"

"Un na un!"

"Hoy Sakura, kung hindi ko pa niligpit un e di sana dagdag pa sa trabaho ng katulong un.. pasalamat uli siya at masipag ako.."

"Masipag ka na nun?"

"Oo naman.. Meron pa.. Marami akong pinagbigyang girls dito sa campus.."

"Anong marami kang pinagbigyan?"

"Dahil patay na patay sila sa kin, pinagbigyan ko sila.."

"You mean, yung katulad ng ginawa mo kay Ino?"

"Oo.."

"Maganda bang gawain un?"

"Oo naman.. pasalamat sila sa kin dahil generous ako.."

"Kapal ng face!"

"Aba.."

"Sige nga.. anong pinakamaganda mong nagawa para sa kapwa mo..? kung meron man.. Uhmm.. Ung pinakamabuti mong nagawa sa buhay mo as of now ha.."

Napaisip bigla si Sasuke. "Uhmm.. Ah.. Ung naano.. ah hindi yun.. ung.. uhmm.. ah hindi hindi.. ah siguro.. ah hindi iba un.. Ah! Eto siguro.."

Nakinig ng mabuti ang apat sa sasabihin ni Sasuke. Parang hindi sila makapaniwala na meron palang mabuting nagawa tong taong to sa buhay niya..

"Uhmm.. siguro nung nilibre ko ung teacher ko sa elementary ng pamasahe sa jeep nung nagkita kami.."

"UN NA UNG PINAKAMABUTI MONG NAGAWA SA KAPWA MO!" sabay sabay na sabi ng apat.

"Oo.. at marami pa pala akong nilibre ng pamasahe sa jeep.. nanjan ung lola ko, nanay ko, mga friendships ko pati ung mga girlfriends ko.. tindi ko no!"

"Haay naku.. Tindi mo nga tsong!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Sakura.


Sige yun na muna.. hehe.. review po kayo pls.. tenk yu!