Hello poh! I'm back.. uhmm. Pero di naman ata ako ganon katagal nawala e.. cge.. tuloy na natin ang adventures ng dalawang bida..
Ah pipz.. meron pong bagong karakter akong idadagdag.. dalawa lang..
NEJI – isa pang heartthrob sa campus.. medyo karibal ni Sasuke sa lahat ng bagay.. Mas matitino na babae ang mga nagkakagusto sa kanya kesa dun sa mga nagkakagusto kay Sasuke.. me pagkamasungit at mayabang din katulad ni Sasuke pero mas sobra ang kasungitan at kayabangan ni Sasuke.. AT.. marunong siya mag-english..
TENTEN – well, maka neji-ten ako e.. so normally, sila makapartner ni neji sa kwentong to.. Kaibigan din siya ni Sakura kaya lang minsan sobrang nakakaloka na ung ugali ni Sakura kaya medyo nagtataka siya kung pano pa nakakapagtiyaga si Hinata sa ugali nito..
Are Jokes Really Half Meant?
AnG pLan0..
"Sabi ko sayo e.. ano! Hanga ka na sa akin no! Ang bait bait ko kasi.. Tapos sasabihin mo lang dyan na wala na akong ibang characteristics na maganda maliban sa pagiging gwapo ko.." pagmamayabang pa ni Sasuke.
"Oo na.." feeling depressed na depressed si Sakura sa mga narinig nya sa lalaking ito.. sobrang depressed na parang nakatapak siya ng napakabaho at napakalagkit na tae.. Pambihira 'tong lalaking 'to! Ngayon pa nga lang kami nagkausap e parang ang tindi na ng fighting spirit nya para magmayabang ng ganun!
Si Sasuke naman, pagkarinig na pagkarinig sa sinabi ni Sakura na "oo na", e feeling naman niya e parang nanalo na siya sa lotto. Inimagine niya pa nga na may nalalaglag na mga confetti mula sa kung saan.
Pagkakita ni Sakura sa proud na proud na si Sasuke ay muling nag-init ang ulo niya.. Kaasar talaga tong lalaking to! Feeling naman niya lahat na ng babae dito sa campus e may gusto na sa kanya.. well, hindi ako!
"WAAAAHHHH! NAKAKAASAR KA NA!" biglang sigaw ni Sakura na ikinagulat ng lahat. Pagkatapos ng nakakabinging bulahaw na yon e sabay suntok niya sa mukha ni Sasuke na nakapikit pa na taas noo at proud na proud pa rin sa mga "mabubuting nagawa na niya sa buhay" na sinabi niya sa apat.
Nabigla si Sasuke sa suntok na iyon ni Sakura. Mag-uusok na naman sana ang ilong nito ngunit madali siyang binulungan nila Naruto at Shika ng "Magpigil ka, Sasuke. Babae yan.."
Unti-unting kumalama si Sasuke habang nakatingin sa hingal na hingal na si Sakura.
Naku! Pano ba to! Pag ganitong pagkatapos sumigaw ni Sakura ng napakalakas at hingal na hingal siya, ibig sabihin kanina pa sya nagpipigil.. Baka isa pang banat ng pang-aasar mula kay Sasuke at magkikita na sila sa boxing ring.. nangangamba na si Hinata.
Si Sasuke na dahan-dahang tumayo mula sa pagkakabagsak dahil sa malakas na suntok ni Sakura nakatingin sa naghihingalong dilag na nasa harap niya.. ngayon lang ako naka-meet ng babaeng ganito.. try ko nga kung umeepek pa ung killer smile ko na madalas na gumagana sa mga babae at binabae dito sa campus..hehehehe... at may balak pa uli siyang mamikon!
"Sakura, bat ka ba biglang nanuntok!" medyo nagpipigil pa rin ang boses ni Sasuke pero medyo maloko na rin sa pagkakarinig ni Sakura.
"Kasi po pikon na pikon na ko sayo! Bakit ba napaka pilingero mo!" nanggigitgit si Sakura.
"Pilingero?" sabay-sabay na tanong ng apat.
"Hindi nyo alam ang pilingero? Paki-add sa dictionary nyo ha.. pilingero means ung taong napaka feeling.. feeling.. at dahil pinoy ako, pinopronounce ito na piling.. at dahil tao ang tinutukoy ko.. pilingero.." kalamado na uli si Sakura dahil medyo nabaling na ata ang atensyon ni Sakura sa pageexplain ng mga words niya..
"Ahhhhhh…" naintindihan ng apat ang ibig niyang sabihin.
"Anong pilingero ka dyan? Ano bang ginawa ko?"
"Feeling mo napakagwapo mo na.. for your info.. mas gwapo pa sayo si Hyuuga Neji.. well, hndi sa may gusto ako sa kanya kasi wala pa naman sa isip ko ang mga bagya na yan, pero kung pagkukumparahin ang dalawang pinaka heartthrob sa campus na to.. e di hamak naming angat na angat sayo si neji.."
Tae naman oh! Narinig ko na naman yang neji na yan.. bat ba di pa mawala yang bulutong na yan! Me kulugo na nga e.. si Naruto.. tapos tigdas.. si Shika.. tapos dadagdag pa tong si bulutong! "Hoy, di hamak naman na mas gwapo ako dun!"
"O sige.. let's say na mas gwapo ka nga sa kanya pero mas mabait naman siya sayo.. at mas humble.. at marunong siya mag-english.. di tulad mo.." patuloy pa rin si Sakura sa pang-aasar.
"Alam mo kasi Sakura," unti unti nang namumuo ang plano ni Sasuke sa utak niya (kung me utak pa siya), "hindi mo pa kasi nakikilala ng maigi si Neji kaya mo yan nasasabi.." dahan-dahang tumabi si Sasuke kay Sakura at sabay akbay sa dalaga..
Pero imbis na mamula at kiligin si Sakura… Alam ko na.. medyo kalmadong isip ng babaeng to..
Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay na nakaakbay ni Sasuke sa balikat niya..
Medyo natuwa si Sasuke sa nangyari.. Mukhang umaayon ang lahat sa plano ko..
Hinimas-himas at pinisil-pisil pa ito ni Sakura..
Natutuwa na si Sasuke. Lahat ay umaayon sa binabalak niya.
Biglang hawak ng mahigpit ni Sakura at tinanggal ito sa balikat niya. Inikot niya ang braso ni Sasuke papunta sa likod, parang "arm-lock".
Nagulat si Sasuke. Nyay! Kala ko uubra na ang plan 1.. huhuhuhu..
"Ano! Nagulat ka no! Alam ko nang iniisip mo.. ang akala mo siguro e kikiligin na ko sa ginawa mong yon.. akala mo mapapaamo mo na ko sa ganong paraan.. NNNEEEVVVEEERR!" pagbabanta ni Sakura na medyo nakangiti pa habang naka arm-lock pa rin si Sasuke.
Lumingon si Sasuke kay Sakura at dahan-dahang pumikit..
Anong iniisip ng lalaking to!
Unti-unti siyang dumilat..
Huh!
At ipinakita na ang kanyan killer smile.
"Haaay..." sabi ni Sakura..
Napangiti lalo si Sasuke sa narinig niya.
"ANG PANGIT! WAHAHAHA!" sabay sigaw ni Sakura na binitawan na ang arm-lock kay Sasuke at tinuro na lang ang binata habang tumatawa.
"Ang tindi mang-asar ng babaeng to.." bulong ni Sasuke sa Sarili at napabuntong hininga.
"Ano yun! Wahahaha!" nang-aasar pa rin si Sakura. "Palpak ka no!"
"Haay naku.. sige, panalo ka na ngayon.. pero I shall return!" sabi ni Sasuke at lumabas na ng canteen.
Napangiti si Sakura na siya naman ngayong proud na proud at feeling na may mga confetti ring bumabagsak mula sa kung saan.
"Uhmm.. Sasuke!" sigaw ni Naruto na hindi pa sinusundan ang kaibigan palabas. "Pano tong nilagang baka mo?"
Napalingon si Sasuke.. at nag-english na naman.. "Ah.. my boiled cow? Just leave it there for it has its own future.."
"Medyo malabo yun ah! Kainin ko na lang to.. Hehehe.." sabi pa Naruto. At within 5 seconds ubos na ang boiled cow.
Lumapit si Shika kay Sakura. "Sakura, hindi basta basta tumatanggap ng pagkatalo si Sasuke, lalo na sa asaran. Kaya siguradong babalikan ka pa nun. Tulad nga nung sinabi niya, I shall return. Kaya good luck na lang ha.." payo niya kay Sakura, "Tara na, Naruto!"
"There na!"
Mukhang nahahawa na siya kay Sasuke ah! Huhuhuhuhuhu...
Naiwan sila Sakura at Hinata na nagtataka..
Yun na muna.. Icocontinue ko na ito.. la na tong atrasan.. Sana po review pa kayo.. tsaka keep reading and reviewing the following chapters ha! Salamat ng marami.. review po.. tenk yu!
