Matagal ba bago ako nakapag-update ule! Hindi naman cguro.. naubusan kasi ako ng net load e.. tpos naubos pa ung time ko sa pagrereklamo kung bakit isang buwan lang ang bakasyon.. bakit nga ba bitin bakasyon ko! Waaaaahhh!
Pero kahit na me klase na ulit at maxado na naman akong magiging busy dahil tambak na naman ang assignments, tuloy pa rin kwento kong to! Aja! Mali, mali.. hndi naman ako gaano nanood nung Lovers in Paris e.. Eto dapat..
"Kaya ko yan!" (Full House ba ito!)
Are Jokes Really Half Meant?
pLan B: aNg paNg-AaKiT..
Uwian na.. Mga alas-singko uwian nila.. Mag-aalas-sinko y medya na.. Medyo madilim na rin ang paligid..
Sabay na naglakad pauwi sina Sakura at Hinata..
"Haaay! Nakakaasar yang Uchiha Sasuke na yan! Kala mo naman napaka gwapo nya!", nag sweat drop si Hinata..
Simula nung umalis ang tropa ni Sasuke sa canteen, pagkatapos ng kahindik-hindik na sagutan ng matatalas na dila nila ni Sakura, at ang pagkapalpak ng unang plano ni Sasuke sa "pagseseduce" kay Sakura, ay wala ng bukang bibig si Sakura kundi mga reklamo tungkol kay Sasuke. Galit na galit siya kay Sasuke.. parang iritang irita talaga siya sa nangyari kanina.
Grabe.. ang tindi ni Sakura! 30 minutes na siyang bunganga ng bunganga, hindi pa rin nangangawit yung panga niya.. Lufeet! Isip-isip ni Hinata habang hndi pa rin tumitigil si Sakura sa kakasalita.
Sandali namang huminto si Sakura sa nasabi niya.. napatingin tuloy si Hinata sa kanya.
"Bakit Sakura? May problema ba?" anong ni Hinata. Nasanay na ata siya sa pagiging maingay ni Sakura.
"Uhmm.. npansin ko lang.." tumingin siya sa langit at huminto sa paglalakad, "Gwapo rin naman pala si Sasuke e!"
Napangisi si Hinata.. "Yiiiii! Mukhang naiinlab na tong kaibigan kong to! Tinamaan ka ba kay Sasuke!" panunudyo ni Hinata kay Sakura habang tinutusok-tusok pa niya to.
"Oo yata.."
Kinilig lalo si Hinata.
"Tinamaan ng lintik!"
"Nye!"
Nagsimula na uli sila sa paglalakad.
"Simula nung pang-aasar niya kaninang lunch, hindi na ako nakapag-concentrate maxado sa klase.."
"Kasi naiinlab ka na?" tanong ni Hinata.
"Hindi, kasi inis na inis ako sa kanya.. Para ngang puputok na ung ugat ko sa noo.."
"Hinay-hinay lang.."
"Sus.. kaasar talaga.."
"Anong malay mo bukas, wala na siguro un.."
Hindi kumibo si Sakura.
"Baka tigilan ka na nun.. Nagkataon lang siguro na mainit ulo niya kanina at mainitin ulo mo.."
Hindi pa rin siya kumikibo.
"Ano sa tingin mo?" parang gusto na uli pagsalitain ni Hinata si Sakura.. medyo naiilang kasi siya.
"Sabi kasi ni Shikamaru kanina hindi raw agad susuko un.."
"Natatakot ka ba?"
"Hindi.."
"E bat ka tahimik?"
"Nag-iisip ako ng paraan kung pano ko pasasablayin lahat ng plano niya na asarin at pagtripan ako."
"Siguro mas mabuti kung wag mo na lang siya pansinin.."
"Ah ewan!"
Kinabukasan..
"Sakura, gising na.. malelate tayo nyan pag di ka pa bumangon! 4,752 times na kitang ginigising, sasagot ka lang ng oo tapos tulog ka na ulit.."
"Ayan na! gising na oh!" dinilat ni Sakura ng malaking malaki ang mata niya at tinutok pa kay Hinata ang mukha.
"Aga-aga, init-init ng ulo mo!"
Nagsheshare sina Hinata at Sakura sa isang condo.. Buti nga napagtitiisan pa ni Hinata si Sakura.. kung ako yun.. BOINK! Deds na si Sakura kung ganun ugali nya.. o kaya naman baka magkasundo pa kami kasi medyo parehas kami ng ugali.. haaay..
Sa campus.. Lunch time..
"Sakura.." tawag pansin ni Hinata sa kaibigan.
"Huh?" medyo nakapikit pa ang mga mata ni Sakura.
"Bat parang ang tamlay mo ngaun? Kulang ka sa energy ah!"
"Napuyat kasi ako sa pag-iisip kung pano pasasablayin ung plano ni Sasuke.."
"Me naisip ka ba naman?"
"Wala.. Naisip ko kasi nung mga bandang mag-aalas-tres na pano ako makakapag-isip ng gagawin ko kung hindi ko alam ung plano niya.."
"Oo nga naman.."
"Haayy…"
Tahimik ang canteen.. lalo tuloy inaantok si Sakura..
Ilang saglit pa at biglang may pumasok na kung sino sa canteen at napatili ang mga babae at binabae sa kainan.. Dahil sa nakakatanggal-tutuli na tiliang iyon, nagising tuloy si Sakura.
"Bakit? Anong meron?" usisa ni Sakura.
Tiningnan ni Hinata ng direksyong pinagtitinginan ng mga babae at bakla. Doon ay nakita nya si Sasuke.
"Putek, Sakura!"
"Huh! Bakit!" Nakiusisa na rin siya sa kumpol ng mga babae at bading. Nakisiksik siya hanggang sa nakita niya si Sasuke..
Shockings! Ang gwapo ni Sasuke! Mukha siyang matinee idol! Nabigla si Sakura sa naisip niya. Ano ba! Alam kong isa lang to sa mga plano niya.. Kala mo, Sasuke.. Maingat ata ako..
Sa likod ni Sasuke ay ang kabarkada niyang sina Naruto at Shika. Medyo nakakunot-noo ang dalawang ito at nagtataka sa inaasal ni Sasuke. Lumapit si Hinata sa dalawa.
"Uy, Naruto! Shika!" bati nya.
"Oy, ikaw pala Hinata!" sagot naman ng dalawa.
"Bat ganyan mga itsura nyo? Parang alalang-alala kayo ah!"
"Kasi tong si Sasuke.. Balak niyang akitin si Sakura.." sabi ni Shika.
"Bakit? May gusto ba siya kay Sakura?"
"No.. he just trips it.." sagot naman ni Naruto.
Peste.. hawaan ba ito? Sana di ako ang sunod na biktima! Isip-isip ni Shika.
"Trip lang daw ni Sasuke mang-akit." Paliwanag na agad ni Shika bago pa magtanong si Hinata.
"Alam mo ba, Hinata, bumili pa yan ng libro tungkol sa kung pano magiging gentleman at kung pano makaka-attract ng maraming bebe para lang sa plano niyang yan.."
"Ganun?"
"Hi Sakura.." bati ni Sasuke kay Sakura na ikinagulat ng lahat ng babae at baklush sa lugar na iyon, kabilang na si Sakura.
"Huh?"
"Do you think I'm cool?"
Shockings ulet! Straight English un ah! Bweno Sasuke, alam kong plan B mo ito.. Susupalpalin ko yan..
"No!"
"You don't think I'm cool?"
"I think you're a fool!"
"Grrr.." nag-init na naman ang ulo ni Sasuke.. Pinigilan niya ang sarili.
Ang bilis mo naman mainis ngayon Sasuke.. Meron ka ba? Tamang-tama.. Wahahaha! Bulong pa ni Sakura sa sarili.
Kinalma ni Sasuke ang sarili. Akala mo Sakura ha.. pinaghandaan ko ata ito.. bumili pa ako ng libro tungkol sa pagiging gentleman para makaakit ng maramang chicks, tapos hindi eepek sau.. tingnan natin kung di ka kiligin..
"Uhmm Sakura?" nice one! Boses maginoo ang loko!
"Yes?" sagot ni Sakura na confident sa balak na pagsupalpal sa lahat ng sasabihin ni Sasuke.
"Wanna dance?"
"Anong wanna dance?" Nasa canteen kami, tapos sasabihin niya wanna dance? Nagtataka si Sakura.
"Nyak! Hindi kaya nagkamali ng kakabisaduhin si Sasuke!" Sabi ni Naruto kay Shika at Hinata.
"Naku, baka yun lang yung naalala niya sa ngaun dun sa lahat ng binasa niyang statements dun sa libro.." sabi naman ni Shika.
Nag-aalala si Naruto..
Depressed na si Shika..
Napangisi na lang si Hinata..
Nagtataka si Sakura..
At confident na confident si Sasuke sa sinabi nya..
Sige yun na muna.. isip muna ako ng susunod.. siguro once a week na lang ako pag nag-update simula ngaun kasi pasukan na.. tinatamad pa ako pumasok.. pero kelangan e.. no choice di ba?
Salamat po sa lahat ng nagreview..! ang saya saya..!
Please keep the reviews coming!
Salamat po ulit!
Magbubura muna ako ng kalawang..
