Haay… Isang chapter isang linggo.. Matagal n b un? Sana ok lng sa inyo khit ganon.. Sana basahin nyo p rin kwento kong to.. kasi nman tambak na naman kmi sa assignments tsaka requirements e.. Dapat nga e gagawa ako ng dalawang chapters ngaun kaso naalala ko na me assignments p pala ako.. Sorry.. Pero sana lang talaga abangan nyo pa rin ung following chapters.. ito n lng kc ata libangan ko e.. tsaka tv..
E2 na story ko.. Tenk yu nga pala dun sa mga ngreview! Natutuwa kasi ako pag nakakabasa ako ng mga reviews e.. parang adik.. bangag..
Are Jokes Really Half Meant?
pLan B: paLpaK And SakuRa's pLan foR reVenGe..
Pagkarinig na pagkarinig ng "madla" dun sa statement na iyon ng campus heartthrob ay parang feeling ng lahat ay may bumagsak na limang libong elepante sa ulo nila.
Gwapo nga, bobo nman sa English! Haaay! Isip-isp ng mga kalalakihan sa canteen.
Haay.. Kahit ganon, cute pa rin si Sasuke! Haaayy ulet… thought nman ng members ng fansclub ni Sasuke.
Sa mga times na ganito natin makikita, mahahalata, mapupuna at mapapansin ang malaking pagkakaiba ng mga taong matitino at mga taong baliw na at may kililing sa utak. Haaayy na naman…
Tama ba ung narinig ko! Sakura's cute eyes twitched at mejo seryoso pa siya nang inisip niya tong statement na ito.
Then after for about 48 years na pag-iisip niya at pagkunot ng noo niya para lang malaman kung anong ibig sabihin nung sinabi ni Sasuke, (Sakura: sobra ka! 48 days lang!) o sige.. rewind rewind.. after 48 days lang na pag-iisip niya at pagkunot ng noo niya para lang malaman kung anong ibig sabihin nung sinabi ni Sasuke, bigla na lang pumutok ng napakalakas ang bunganga ni Sakura. Hindi na ata niya napigilan ang sarili nya.
"Bwahahahaha! Alam mo ba kung anong ibig sabihin nung sinabi mo, Sasuke! Kinabisado mo lang ata un eh! Hahaha!"
Mula sa confident na confident na itsura ni Sasuke ay naging confused na confused na ito. Sa sinabing iyon ni Sakura, maraming tanong at pagtataka ang biglang pumuno sa mumunti niyang utak.
Bat siya natawa! May mali ba dun sa sinabi ko? Wala naman e.. Tsaka bat parang natahimik lahat ng tao sa canteen? Kanina lang pagpasok ko, ang daming tilian ng tilian tsaka ang daming naiinggit na lalaki sa kin.. tpos ngaun, parang tinahi na ung mga bibig nila.. Ang alam ko naman, tama ung sinabi ko. Wla namang maling grammar dun ah! Tsaka un mismo ung nakalagay sa libro e.. Sinabi ko lng.. Tsaka wala na akong ibang matandaan na statements na nandun sa libro eh.. un lng! Ang dami naman kasing nakasulat! Teka, oo nga pala! Pano niya nalaman na kinabisado ko lang yun! Waaahh…! Ang gulo!
At dahil sa gulong-gulo na nga si Sasuke, kinuha niya ung maliit na libro sa bulsa niya at hinanap ung statement na kasasabi niya pa lang.
"Wanna dance..? San ba un.." bulong sa sarili habang iniiscan ng mga mata niya ang librong hawak.
"Ayun!" nakita na niya ito. Tiningnan niya kung saang kategorya ito kabilang at ang nakalagay ay "Para Sa Mga Espesyal Na Okasyon Na May Sayawan Tulad Ng Party, Clubs, Prom, Etc.."
"Walang Ya! Waaaaahhhhhhh!" sigaw ni Sasuke sabay takbo palabas ng canteen. Nagulat ang lahat ng nasa kantin kabilang na sila Sakura, Naruto, Shika at Hinata.. sinundan na lamang nila ito ng tingin..
Pagkatapos ng nangyaring iyon sa canteen ay hindi na muna nagpakita si Sasuke kanila Sakura at Hinata, pati na rin kanila Naruto at Shika. Pinabayaan na lang muna nila Naruto si Sasuke na makapag-isa lalo na ngayong pumalpak ang plan B ni Sasuke.
Sa bahay nila Sasuke..
"Huhuhuhuhuhuhu… Bkit ganon! Yeah!" nagmumukmok si Sasuke sa kwarto niya habang nanonood ng Astroboy kaya may pa-yeah yeah pa siya habang umiiyak.. "Talaga bang malas ako? Huhuhuhuh.. Yeah! Ayun! Sige..! Suntok! Huhuhuuhu…"
May kumatok sa pintuan ng kwarto ni Sasuke..
"Sir Sasuke! Kakain na raw po." sabi ng katulong ng mga Uchiha sa kabila ng pinto.
"Anong sabi mo? Boink! Yan, sige! Huhuhuhuhuhuu…"
"Kakain na raw po!" medyo nilakasan nito ang pagsabi.
"Huhuhuhuhu… Hindi kita marinig.. Yaahh! Lakasan mo! Huhhuu.."
"KAKAIN NA RAW PO!" sigaw na ng katulong.
"SINISIGAWAN MO BA AKO!"
"Hindi po.." natakot tuloy ung katulong.
"Susunod na ko.. yay! Yun! Bug! Huhuhuhuuhuuhuh…" umiiyak pa rin si Sasuke at take note.. walang ka energy energy ung pagsasabi nya ng mga sound effects na un..
Nang kinagabihan na.. Hindi pa rin makatulog si Sasuke.. talagang napahiya siya kanina sa canteen.. at ang masama pa, kasama pa dun sa mga taong nandun si Sakura.. Siguradong mang-aasar na naman un.
"Tangna!" Sasuke cursed dahil wala siyang maisip na gawin para makalimutan ng lahat ang nangyari kanin.
(mula sa puntong ito, pinapayuhan ko na ang mga taong nagbabasa nito na itigil na ang pagbabasa kung ayaw nyong madagdagan pa ang mga kasalanan nyo.. pero xempre, gusto ko pa ring patuloy nyong basahin ang kwento kong ito.. Kaya para hindi kayo gaanong magkasala ay takpan nyo na lang ang isa nyong mata para di gaanong dagdag sa mga kasalanan niyo.. okay? Tuloy na natin..)
"Syet! Wala talaga akong maisip!" sigaw pa uli ni Sasuke habang nakahiga sa kama niya.
"Asshole! Ano ba Sasuke! Mag-isip ka nga!" pinagalitan nya pa ang sarili.
"Potah! Wala ka na ba talagang mahugot sa mumunti mong kukote!"
Oo, alam ni Sasuke na kakarampot lang ang utak niya.. pero natutunan na niyang tanggapin yun. Sa katunayan, mejo proud pa nga siya sa sarili niya e..
"Teka.." biglang napaisip si Sasuke. "Kanina pa ako mura ng mura ah.. Bad un db?" tanong niya pa sa sarili na parang bata.
"San kaya nanggaling ang mura? Tsaka sino kaya ang unang nagmura?" nawala na sa isip niya ang pang-aasar kay Sakura kasabay ng pagkalimot nito sa malas na nangyari sa kanya kanina at na-focus ang isip sa history ng mura.
Si Pepe kaya?-- Tangna! Bat nila ako dadalhin sa Bagong Bayan!
Si Andy Bony? --Punitin natin ang mga Syet na cedula!
Si Julian Felipe? --Wala ka sa tono sa pag-awit ng pambansang awit ng Pilipinas, asshole!
Si Lapu-lapu? --Potah! Akala ko itak lang ang mga sandata nila!
O baka naman si Malakas? --Pakcyit! Matagal ka n ba dito sa loob ng kawayan? Bat ngayon lang kita napansin?
Yan ang iniisip ni Sasuke hanggang sa nakatulog na sya..
Kinabukasan...
"Oi Sasuke! Haw ar yu? ar yu payn? Mi, Aym payn.. Tenk yu.." bungad agad ni Naruto kay Sasuke pagkapasok na pagkapasok ng campus. Si Shika? Ayun.. nagsweatdrop.. at inaantok pa rin..
"Mukhang malungkot ka Sasuke ah! Bakit may problema b?" tanong ni Shika nang mapunang matamlay ang katropa.
Hindi sumagot si Sasuke.
"Uy tol! Wag ka namang ganyan! You keep me changing!"
Huhuhuhuh.. Pakyu naman oh! Ako na ba ang susunod na mahahawaan ng dalawang to? Pede namang sabihing 'naninibago ako ako sayo', kelangan pa 'you keep me changing'! Ano ba yan.. Parang umabot na sa talampakan ni Shika ang puso niya dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman.
"Iniisip mo ba yung nangyari kahapon? Wag ka mag-alala.. Siguradong nakalimutan na nila un.." sabi ni Naruto sabay tapik sa balikat ni Sasuke.
"Sigurado kayo?" nagniningning ang mga mata nito.
"Oo naman.. panigurado na yon.. sa dami ba naman ng mga nangyayari sa buhay nila e maaalala pa b nila yon? Hindi na no!" Sagot naman ni Shika.
Natuwa si Sasuke sa sinabi ng dalawa niyang kaibigan at sa sobrang saya niya ay niyakap niya ang dalawang ito sabay sabing, "FACT you, mga pare! Totoong tao talaga kayo! Totoong kaibigan at walang bahid ng pagsisinungaling at pagkukunwari! In english, FACT you, mga pare! FACT you!"
"Kelangan pa bang ipaliwanag yan?" tanong ni Shika kay Naruto habang yakap-yakap pa rin sila ni Sasuke.
"Hindi na.. Bisyo na to!" sagot naman ni Naruto.
Lunch time.. (Halata bang lunch time lang ang alam kong period sa school?)
"Nakakatawa si Sasuke kahapon no?" tanong ni Hinata ke Sakura.
"Oo nga.. hahaha! Akala niya ako ang mapapahiya, yan tuloy.. nagbackfire sa kanya.. hahaha!" natutuwa pa rin si Sakura sa nangyari.
"Pero wag mo n ipaalala un sa kanya ha! Baka kasi mag-away pa kayo e.."
"Magkaaway pa rin naman kami e.. Kaya lang xempre, dahil mabait akong bata, hindi ko na ipapaalala un sa kanya."
"Haay salamat.."
"Pero gagantihan ko pa rin siya! Hahaha!" sabi niya with an evil grin on her face.
"Haay… naku…"
"Hi Sakura! Hi Hinata!" bati ng isang pamilyar na boses.
Pagkatingin nina Sakura sa direksyong iyon, nakita nila si Tenten, ang kaibigan nilang sikat sa campus dahil nililigawan siya ng isa sa pinakaheartthrob sa campus, si Neji. (NejiTen fansclub shouts and claps: woohoo!)
"Oh Tenten!" bati naman ng dalawa.
Tumabi si Tenten kay Sakura. "Sakura, balita ko may kaaway ka na naman daw?"
"Nabalitaan mo na pala.. Kala ko pa naman matagal pa bago kumalat ang chismis kasi malaki tong campus, hindi naman pala." Sabi ni Hinata.
"Oo, meron nga!" medyo naaasar na sagot ni Sakura. Naaasar kasi siya tuwing maaalala si Sasuke.
"Si Uchiha Sasuke raw? Diba heartthrob yun sa campus?"
"Oo.. sunod sa labidabs mong si Hyuuga Neji.." sabat naman ni Hinata.
"Oo.. ang pangit pangit niya, heartthrob siya.. yuck!" pikon na salita ni Sakura.
Para namang hindi narinig ni Tenten ang sinabi ni Sakura. Kay Hinata na siya humarap mula nang binanggit ni Hinata ang pangalan ni Neji. "Ano ka ba? Wag mo masyado lakasan.. di ko pa nga sinasagot si Neji e.."
"Di ba gusto mo rin naman siya? Bat di mo pa sagutin?" curious na tanong ni Hinata.
"Xempre pakipot muna onti.." she then giggles.
"Ano ba yan! Kala ko pa naman kaya kayo nandito para tulungan ako. Tapos nag-uusap lang kayo tungkol jan sa labidabs mong si Neji at sa palalabs mong si Naruto." Singit ni Sakura.
"Wag kang maingay!" sabay na sabi ng dalawa. Matagal na rin silang may gusto kay Neji at Naruto, respectively, kaya namn sobrang saya nila nung niligawan ni Neji si Tenten at naging mejo close na si Hinata ke Naruto.
"Tulungan nyo nga ako sa pag-iisip ng plano.."
After 365 days ng pag-iisip, bale one year, nakaisip na rin si Sakura. (Sakura, Hinata at Tenten: exagge ka talaga!) (Ako: Sori!) ulet ulet.. after 365 seconds na pag-iisip, nakaisip na rin si Sakura sa wakas.
"Alam ko na! Nagpatulong pa ako sa inyo tapos ako rin pala ang makakaisip ng paraan." Nagreklamo pa siya.
"O sabihin mo na.." atat na si Tenten.
"Eto.." binulong na ni Sakura kina Tenten at Hinata ang plano niya.
Yoohoo! Tapos na chap 6! Yes! Sori kasi mahirap talaga pag pasukan eh.. pero bawat week magpopost talaga ako ng chap.. Review kayo ha! Pls.. Tenk yu at maraming salamat! Teka, parehas lang yun diba?
Pls keep the reviews coming! Para masaya.. and wait for the next chapter!
Bibili lang muna ako ng suka sa tindahan ni Aling Nena..
Reviews ha! Kulit ko!
