Haalllerrr! Andito na ulet ako!

Nakalimutan ko pala sbihin sa inyo na gumawa ako ng one-shot na drama/romance.. Ung title e "Paglisan"..

Read nyo naman po.. tsaka review po kayo and tell me kung pwede na ako makakuha ng passing grade as a "writer" kung magsusulat naman ako ng drama/romance para maiba naman.. tsaka I also would like to know kung ok ba kung gagawa rin ako ng English version nun..

Ung fanfic ko pong un is about Sasuke choosing kung anong gagawin nya.. ipaghihiganti niya ba ang kamatayan ni Naruto at iiwan si Sakura mag-isa (mejo spoiler ah!) or hndi n niya ipaghihiganti si Naruto para magkasama na sila ni Sakura.. Review po kayo dun ha! Marami pong salamat.. tsaka dito rin, review kayo.. tenk yu!


Are Jokes Really Half Meant?

KiLig tiMe! W8! commercial mUnA..

"Sigurado ka na ba sa pinaplano mo?" tanong ni Tenten. (NejiTen fansclub shouts: Go tenten! Go Tenten! Ehehe..) "Hindi na ba magbabago yang isip mo?"

"Xempre naman sigurado na ako no!" sagot naman ni Sakura.

"Pano pagkatulad nung kay Sasuke, magbackfire din sayo ung gagawin mo?" nag-aalinlangan si Hinata sa balak ni Sakura.

"Ano bang ibig nyong sabihin? Di ko pa magets e?"

"Di ba balak mong akitin si Sasuke? Parang gagawin mo yang sarili mo na 'heartbreaker type'? Na pag nagkagusto na sayo si Sasuke, sasaktan mo siya, ganun di ba?" paninigurado ni Hinata.

"Oo.. ganun na nga.." medyo naguguluhan pa rin si Sakura sa gustong ipahiwatig ng kanyang mga kaibigan.

"So pano kung ikaw ang maakit kay Sasuke at hindi sya ang maakit sayo? Pano kung nauna kang magmahal ng lubos kay Sasuke at hindi siya? At pano kung ikaw ang unang masaktan?" paliwanag ni Tenten kay Sakura.

Sandaling nag-alinlangan si Sakura sa plano niya. Pero..

"Ano ba kayo? Wala ba kayong tiwala sa akin? Para namang di nyo ko kilala.. Paninindigan ko to!" matigas na sabi ni Sakura.

"Sigurado ka?" tanong ng dalawa.

"Oo naman.."

Wala nang nagawa ang dalawa. Nagpatuloy na sila sa pagkain nang.. biglang pumasok si Sasuke sa canteen. Pagpasok nila at pagkakita ng mga studyante sa canteen na iyon kay Sasuke ay nagbulungan agad ang mga ito.

"Diba yan yung napahiya kahapon?"

"Sayang, ang gwapo pa naman niya.."

"Nakakahiya.. Di marunong mag-english."

"Ok na sana ung grammar, wala naman sa timing.."

"Pano kaya naging heartthrob yan?"

Syempre, hindi makakawala sa matalas na pandinig ni Sasuke ang mga bulungan na ito. Di tulad ng dati na parang wala siyang pakialam, ngayon, pagkarinig niya sa bulungang iyon, nagtago kaagad siya na parang bata sa likod nina Naruto at Shika.

"Ano bang ginagawa mo jan Sasuke?" naiiritang tanong ni Naruto.

"Nagtatago! Ano pa ba?" sarkastiko naman nitong sagot.

"Alam namin. Ibig sabihin, bat ka nagtatago jan?" tamad na tanong naman ni Shika.

"Baka bigla na naman kasing sumulpot si Sakura tapos asarin ako e."

"Kaya ka magtatago dyan! Parang hindi ka lalaki ah!" asar ni Naruto.

"Bakla ka ba?" nakisakay pa si Shika.

Tumayo ng diretso si Sasuke at lumabas na sa pinagtataguan niya. "E di wag magtago!"

Naglakad na ule sila sa gitna ng canteen patungo sa table nila, nagpareserve sila ng table e.. iba na talaga pag may pera.

Nang malapit na sila dun, nakasalubong nila sila Sakura. Lumunok si Sasuke, kabado. Nang nagkatinginan sila, medyo alangan tumingin si Sasuke kasi baka mang-asar na naman si Sakura. Pero nagkamali sya. Pagkatingin nila sa mga mata ng bawat isa, ngumiti lang sa kanya si Sakura na parang walang away na namamagitan sa kanila. Tiningnan ni Sasuke ang mata ng dalaga ngunit wala siyang nakitang biro sa mukha nito at seryosong seryoso.

Nginitian lang ni Sakura si Sasuke at pagkatapos ay nilagpasan na nila ito. Naiwang namumula at nagtataka si Sasuke, sina Naruto at Shika na walang pakialam.


Nagsimula nang kumain sina Naruto, Shika at Sasuke. Tahimik si Sasuke na kumakain.

"Don't thought that.." payo ni Naruto.

Muntik na mabulunan si Shika. At lalo pa niyang ikinagulat nang biglang magtanong sa kanya si Sasuke ng "Anong ibig sabihin nun?"

Di ba dictionary nyo yun? Bat di mo alam? Gusto sana sabihin ni Shika kaso mukhang wala sa mood si Sasuke sa biruan. "Ang sabi nya, wag mo na raw isipin yun.."

"Ah.." matamlay na sagot ni Sasuke at sumubo na ng pagkain.

"Mabuti pa nga wag mo nang isipin yun.. baka nakikipag-ayos na si Sakura.." sabi ni Shika.

"Pero.." Nguya.

"Pero ano?"

"Hindi naman kasi ganun ata si Sakura e.. Kasi nga di ba, 'weirdo' sya? So hndi basta ganun na lng.." Subo ulit.

"Malay mo.."

"Para kasing.." higop ng sabaw.

"Parang ano na namn!" medyo naguguluhan na ang dalawa.

"Parang.." higop ulit..

"…"

"Parang.." isa pang higop.

"…(sweatdrop)…"

"Parang.. parang.. parang may isang anghel sa aking labi, na nakalutang sa ulap at nangingiliti. Kung ang alat at asim ng buhay ay tulad ng hain ni inay, suspetsa ko buong mundo'y magiging mapayapa at masaya!" kanta bigla ni Sasuke with actions na parang yung bata sa Sinigang sa Miso commercial.

Nagulat si Naruto. "Whaaaat!"

Nagulat din si Shika. "Whaaat again?" Para silang mga ulol.

"Bakit?" nagtataka si Sasuke.

"You mean, nanay mo yung kusinera dito sa canteen?" diretsang sinabi ng dalawa.

"Huh?"

Inulit ng dalawa ang kanta.. sabay na sabay.. with actions pa na katulad ng ginawa ni Sasuke kanina.. parang nireplay lang kaso sila Naruto na at Shika ang kumakanta.. "ang sabi mo, ….kung ang alat at asim ng buhay ay tulad ng hain ni INAY, suspetsa ko buong mundo'y magiging mapayapa at masaya…." Sabay upo ulit ng dalawa.

"Ano ba kayo.. ginaya ko lng yung bata sa t.v. e"

Mukha namang madaling pakiusapan ang dalawa ngaun at ang nasabi na lang nila ay, "Ahh.. kung sabagay masarap din naman tong sinigang ni Aling Nena.."

"Aling Nena!" pasigaw na tanong ni Sasuke.

"Oo.. bakit?"

"May Sun express load ba yung Aling Nena na sinasabi nyo!" Nagpapanic si Sasuke.

"Ang alam ko, oo, meron nga.. e ano naman!"

"Hala!"

"Bakit?"

"Baka yung suka na ginamit dyan sa sinigang e yung suka na nalaglag nung lalaki sa commercial..!"

"Huh?"

"Di ba sabi nung theme song ng commercial na yun.. Nagpunta ako sa tindahan ni ALING NENA para bumili ng SUKA.. Natulala ako.. Nalaglag puso ko.. NALAGLAG DIN ANG SUKANG HAWAK KO.. Tindahan ni ALING NENA.. Astig ngayon dahil may SUN EXPRESS LOAD na.." kanta ulit ni Sasuke na dinidiinan at nilalakasan ung pagkanta dun sa mga naka-capitalized na mga words..

"Malay mo iba yun.."

"Samahan nyo nga ako ke Aling Nena na yan.."

"Halika.."

Tiningnan nila si Aling Nena na kasalukuyang nagwawalis ng mga bubog sa harap ng tindahan niya.. Nasa loob kasi ng campus ung tindahan nya.. sideline nya ung pagiging kusinera sa canteen.. kaya niya naipatayo ung tindahan niya sa loob ng campus e kasi malakas siya sa school management.. Nilapitan nila ito.. At ang katakot-takot, kamukha ni Aling Nena yung Aling Nena sa commercial ng Sun Express Load.

"Ah, excuse po.. pede po ba magtanong?" sabi ng tatlo.

"Nagtatanong na kayo, mga iho.." sagot ni Aling Nena.

"Ah! Oo nga.."

"Me itatanong pa ba kayo?"

"Uhm.. ang sarap po ng sinigang nyo.."

"Talaga? Salamat.."

"Ano po bang ginamit nyong pampaasim dun..?"

"Huh?"

"Sinigang mix po ba? Calamansi? Kamias? O ano? Uhmm.." medyo nag-aalangang sabihin.

"O ano?"

"O.. o.. o suka?"

"E di suka.." walang alinlangang sagot ni Aling Nena.

Hindi na napigilan ni Sasuke ang sarili. Sobrang curious na siya. "Yung suka po bang ginamit niyo e yung sukang nalaglag nung lalaki sa commercial? ..yung nalaglag sa tapat ng tindahan niyo.."

"Ah oo.. yun nga.. ang galing mo iho ah!"

Susuka na sana ang tatlo pero medyo pigil pa nila.. "Pano nyo po nakuha yun e di ba nag-spread out na yun..?"

"Nagpunas ako ng basahan dun sa sahig na natapunan nung suka, tapos piniga ko sa lalagyan.. nakuha ko na yung suka.. tapos hinalo ko na sa sinigang.. bilib kayo no?" proud pa na sabi ni Aling Nena.

"Ah.. opo.." mangiyakngiyak na sabi ni Shika.

"Cge po! Marami pong salamat!" sabay takbo ng tatlo sa c.r.

Siguro naman alam niyo na yung ginawa nila dun.. sumuka po sila.. sinuka nila lahat ng kinain nila lalo na nung naimagine pa nila ung nakita nila sa tapat ng tindahan ni Aling Nena habang kinakausap nila ito.. meron doong tae ng aso..


Yay! Nag plug pa ako ng mga products! Basahin nyo naman po ung "Paglisan" tsaka "Alumni Homecoming".. One is drama/romance and the other is drama/comedy.. review rin po kayo.. marami pong salamat!

Review rin po kayo dito ha! Pls.. maraming salamat po sa lahat ng patuloy na bumabasa ng kwento kong ito.. review po kayo ha! Tenk yu po! maraming salamat..

Pls. wait for the next chapter.. and keep the reviews coming! Salamat..!

GUSTO KO PO NG MARAMING REVIEWS! Ehehe.. sori kung makulit ako.. makulit nga ba ako?