Hi! Pasenxa na po! Alam ko po sinabi ko na every week mag-uupdate ako.. kaso madami kasing assignments and requirements tsaka quizzes.. nakakaasar n nga e.. pero xempre, no choice pa rin ang kawawang bata, kaya aral n lng.. kc naman bat pag nagbigay sila ng assignments na parang wala ng bukas.. haaay…
Bakasyon na! Pagkatapos ng 321,546,842,185,423,168,765,165,498,432,146,545 days (whew!) na di ko pag-update, sa wakas.. makakapagtype na rin uli ako! Yehey!
Are Jokes Really Half Meant?
uMpisA pA LaNg ng KiLig TiMe..
Sa bahay nila Sakura…
Napag-isip isip ni Sakura na tama nga sila Hinata at Tenten..
1) Pano kung gantihan siya ng tadhana at karmahin siya? Naku! Tiyak na magsisisi siya, isip isip nya.
2) At tsaka isa pa, nakakahiya kaya magpaflirt flirt noh,at kay Sasuke pa!
3) Kaya naman, titigilan na niya ang plano niya, tutal naman e kakaumpisa niya pa lang, madali pang bawiin.
Kinabukasan sa campus…
"O pare, ano na namang balak mong gawin? Ngingiti ngiti ka pa jan, naguguluhan na kami sau.." tanong ng confused na Naruto.
"Alam mo ba, nginitian ako ni Sakura..?" kinikilig na pang-asar na sabi ni Sasuke sa mga katropa.
"Nakita namin un.. anong tingin mo sa min, bulag? Ano namang big deal dun!" sabat pa ni Shika. (ako bumubulong: mainit ulo niya, inaantok pa eh..)
"Me gusto siya sa kin!"
"Ngek.. Feeling mo naman.."
"Bakit! Malay mo meron nga."
"Ewan ko sau." Sabay pa na sabi ng dalawa.
"Hahaha! Pero alam mo, maganda din pala sya noh.. malapad lang talaga noo niya. Tsaka isnabera."
"Oo nga, maganda nga siya." Sang-ayon naman ni Naruto. Ngunit ang naiimagine niya ay si Hinata na namumula pa.
"Pero Sasuke, alam mo ba na marami ding nanliligaw diyan. E ang kaso, mejo tibo umasta at tsaka ang alam ko ayaw niya pa pumasok sa relasyon, parang… sigurista.. ganun.." paliwanag naman ni Shika.
"Ganun? Sayang.."
"Bakit? Me balak kang ligawan siya?" tanong ni Naruto.
"Hoy, tumigil ka na nga sa pagiging playboy mo, yan ka na naman e." banta ni Shika.
"Hindi ko siya liligawan, ano ba! Para lang kasing ang sarap niyang asarin e."
"Ganun!" sabay pa na sabat ng dalawa.
"Oo.. hehehe.."
"Bahala ka nga.."
Tuloy pa ang kwentuhan ng tatlo nang dumating sina Sakura, Hinata at Tenten. Napansin ni Sakura sina Sasuke ngunit pinabayaan na lamang niya ito. Bumili na sila ng makakakain at nang umupo na sila, lumapit sa kanilang lamesa sila Sasuke.
"Ah, Hinata, pwede ba namin kayong makasalo sa pagkain?" tanong ni Naruto.
"Ah, Naruto.." nagbblush pa si Hinata, "sige ba.."
"Salamat!" Katapat ni Shika si Tenten (walang malisya to ha!), Naruto kay Hinata, at Sasuke kay Sakura.
War ito..! isip isip nila Naruto, Shika, Tenten at Hinata, sweatdrop.
"Hi Sakura.." pang-asar na bati ng ngingiti ngiti pang si Sasuke.
"Hi.." plain na sagot naman ni Sakura na ikinagulat ng lahat. Ni hindi siya tumingin kay Sasuke.
"Smile naman.." banat pa ule ni Sasuke.
"Ngi.." fake smile ni Sakura, kita lahat ng ngipin.
"Hahaha!" natawa na lamang si Sasuke.
"Ano ba tong dalawang to.." sabay na banggit ng apat na katabi nila.
Tahimik na. Hindi kumikibo ang lahat, nagcoconcentrate sila sa pagkain nila, lalo na si Sakura na ayaw malingat kahit saglit kay Sasuke na kaharap niya. Hindi niya inalis kahit saglit ang tingin nya sa pagkain niya.
Nang tumayo na siya para sabihin sana kina Tenten at Hinata na mauuna na lamang siya dahil nagkkwentuhan na ang apat, biglang nagsalita si Sasuke.
"Lapad noo." Simple nitong asar.
At dahil pikon ang ating mahal na bidang babae, nanghamon agad siya. "Anong sinabi mo!"
"Lapad noo sabi ko.." plain pa rin ang pagkakaasar.
"Arghhh!" nagtitimpi pa rin si Sakura.
Tumayo si Sasuke, at hinarap si Sakura na sobrang nanggigigil na. At bigla itong nang-asar ng….
"Bentong!"
Sa oras na ito, hindi na nakapagpigil pa si Sakura. "U…chi…ha…Sa…su…ke……!" dahan dahang banggit ni Sakura habang kapansin pansing lumilitaw na ang kanyang chakra sa buong katawan.
"Bentong! Bentong! Bentong!" asar pa.
"Ka…" simula ni Sakura.
"Behlat, Bentong!" Banat pa ulet ni Sasuke habang hinihimas ang sariling noo.
"Me…"
"Bentong! Lapad noo!"
"Ha…"
"Wooo! Bentong! Wooo!"
"Me…"
"Hahaha! Bentong!"
"WAVE!" at lumipad si Sasuke sa kalawakan at hindi na bumalik pa.
Ngunit…
…
Pero…
…
Sa di inaasahang pangyayari…
…
Sa kasamaang palad…
…
Imagination lang lahat yun ni Sakura, simula sa pag-iimagine na may malakas na chakra na bumabalot sa kanya.
"Haaaay…" Huminga na lamang siya ng malalim. "Wala na ata talagang pag-asa ang lalakeng ito na magbago…" bulong pa niya sa sarili.
At laking pagtataka ng mga kasama nila na hindi napikon si Sakura at hindi rin nito binanatan si Sasuke.
Lumipas ng mabilis ang panahon. Segundo… Minuto… Oras… Araw… Linggo. At sa bawat paglipas ng panahong ito, lagi rin inaasar si Sakura. Oo nga't naiinis si Sakura pero himala naman at hindi nito inuupakan ang binata, bagkus, hindi na lamang niya ito pinapansin. At dagdag pa sa himala, minsan ay tinatawanan na lamang niya ito.
Naging isang masayang barkada sina Sasuke, Sakura, Tenten, Shika, Naruto, at Hinata. Kahit na nagpapansinan lang sina Sakura at Sasuke pag nangtitrip na naman si Sasuke, maituturing na masayang barkada na nga sila.
Paminsan-minsan ay sumasama na rin sa kanila si Neji dahil sinasama siya ni Tenten. Ngunit dahil naiinsecure sa kanya si Sasuke, at nag-iinit ang ulo nito, bihira na rin sumama si Neji.
Si Ino naman, (nawala siya bigla sa kwento, pansin nyo? Kaya ibabalik natin siya.)
Si Ino naman, dahil sa pagkakabigo kay Sasuke, naghanap ito ng maiiyakan na balikat. At dahil pagkalabas niya ng banyo pagkatapos umiyak ng balde balde noon ay si Shikamaru ang nakita niya, sa kanya ito umiyak. At mula noon, naging malapit na rin silang "magkaibigan".
Si Naruto naman, kumikilos na. Pinanganak na hindi torpe, niligawan na niya si Hinata. Ngunit hindi basta basta bumibigay si Hinata. Pero kapansin pansin ang ka-sweet-an ng dalawa pagmagkasama.
-flashback-
(nakita ni Tenten sina Naruto at Hinata na nagkikilitian.)
"Ehem.. Ehem.." pilit na ubo ni Tenten para mapansin ng dalawa.
(tuloy ang pagkikilitian ng dalawa na parang hindi narinig si Tenten."
"EHEM.. EHEM..!" nilakasan pa ni Tenten.
"O, Tenten, bakit?.." bati ni Hinata.
Ngunit tuloy pa rin sila sa paghaharutan.
"Ah.. wala.." blangkong sabi na lamang ni Tenten.
-end of flashback-
O diba? Ang sweet nila, napapaligiran na sila ng langgam.
At yun nga. Lumipas ang panahon ng hindi namamalayan ng lahat.
Patapos na ang school year. Katapusan na rin kaya ito ng namumuo na ata sanang pagmamahalan nina Sasuke at Sakura?
Abangan…
Nagbalik na naman ako para mangulit at manghingi ng reviews nyo! Hahaha! (topak na naman..)
Review naman kayo kahit matagal na akong di nakakapag-update oh! Hehehe.. eto na naman, mangungulit sa mga reviews..
Review..
Review..
Review!
Hehehehe.. Salamat!
