A/N: Uiiii... mga tao! It's moi, Pumpkingurl! Ya... and I'm back with a story na syempre HHr! They ROCK!
Disclaimer: I'm a Filipino... nope... I don't own Harry Potter... in Tagalog... hindi yan akin!
Title: Ang Buhay Ko'y Ikaw
Sumilip si Harry sa labas ng bintana ng kwarto ni Ron sa Burrow. Ngayon ang araw ng kasal ni Bill and Fleur, at bilang malapit na tao sa pamilyang Weasley, siya ay kabilang sa entourage ng kasal bilang isang groomsman. Natapos na ito at ngayon ay nagsasaya na ang lahat sa baba ng bahay.
Pero hindi pa rin alintana sa kanya ang nalalapit niyang pakikibaka kay Voldemort. Sa totoo lang, natatakot siya. Natatakot siya para sa maraming bagay... sa buhay niya... sa buhay ng mga kaibigan niya... ng mga mahal niya sa buhay... at ng buong Wizarding world.
Upang makapag-isip, nagtungo siya sa isang tagong lugar sa likod ng bahay kung saan sila naglalaro ng Quidditch dati.
Doon, naupo siya sa lilim ng isang puno ng mansanas.
Sa kayang pinagkakaupuan, kitang-kita ang selebrasyon na nagaganap sa Burrow. Nakakarating ang mga tugtugan sa tainga ni Harry. Napabugtong hininga siya.
Napakasaya ng lahat. Ang lahat ng pag-aalala ay naglahong panandalian at napalitan ng saya at kakuntentuhan. Ngunit siya, hindi niya makuhang maalis ang takot sa kanyang dibdib.
Napalingon muli siya sa Burrow, kung saan patuloy ang selebrasyon... ni hindi man lang nila napansin na nawala na pala si Harry, masyadong abala sa pagbabati sa bagong kasal at paggamit ng nalalabing oras ng kasiyahan bago uli humarap sa katakot-takot na mundo.
Pero wala naman kay Harry yun eh, mas gusto nga niya yun... ang hindi napapansin... pero isang tao ang nakapagbago nun... si Hermione...
Napansin ni Harry ang dalaga mula sa napakaraming tao sa bahay. Napakaganda niya ngayon... ang kanyang dating sobrang kulot na buhok ay medyo kumalma na at ngayo'y napakaganda kapag natatamaan ng silaw ng araw. Ang kanyang suot ay parang tubig na binuhos sa kanyang katawan, napakaganda... at ang kanyang mga mata... hay... kaysarap na lang tumingin dito.
Ngumiti si Harry. Nakatutuwang isipin na sa loob ng halos pitong taon, ngayon niya lang talagang nakita ang taong makapagpapasaya sa kanya, ang nagbibigay pag-asa, ang kanyang sandalan, ang kanyang buhay.
Sa buong pamamalagi niya sa pamosong Hogwarts, dalawang babae ang kanyang talagang hinangaan... si Cho at si Ginny.
Si Cho naman ay ang paghahanga ng isang batang lalaki. Noon, malayo pa sa kanyang isipan ang talagang ibig sabihin ng totoong pag-ibig. Noon, ang iniisip palang niya ay ang simpleng pag-hanga sa kagandahang taglay ng asyano at ang hangarin na makuha rin ang pag-hanga ng babae.
Si Ginny naman ay isang silip sa kung ano talaga ang pag-ibig. Doon, naranasan niya ang talagang magsakripisyo para sa kanya. Ngunit ang kanilang relasyon ay para lang namang relasyon ng isang panatiko at ng kanyang hinahangaang artista. Ang nakikita lang niya ay ang titulong ibinansag kay Harry, "The-Boy-Who-Lived", ngunit hindi naman talagang si Harry.
Pero kay Hermione, nagbagoi ang lahat. Ito na siguro ang inaasam niyang tunay na pag-ibig. Si Hermione, isa sa dalawa niyang pinakamatalik na kaibigan, ang alam niyang tanging tao na nakapagbigay ng halaga sa kanyang buhay. Ang tanging taong ni minsan ay hindi nawalang tuluyan sa kanyang buhay, na dinamayan siya sa lahat.
Napatitig si Harry sa kanya... oo, siya ang anghel na nagliligtas kay Harry. Kung sana lang ay napapansin niya ang pagmamahal ni Harry para sa kanya.
Napatitig si Hermione sa mga mata ni Harry. Kahit malayo ay kilala pa rin niya ang berdeng mata ni Harry... kahit saan.
Dagling humiwalay si Hermione sa mga taong nagsasaya at tinungo ang kinaroroonan ni Harry.
Hindi naman ito malayo kaya agad siyang nakarating dito. Pagkarating dito, agad na umupo siya sa tabi ng kaibigan at sinandal ang ulo sa kanyang balikat.
"Kamusta ka?" ang marahang tanong ni Hermione.
"Mabuti... natatakot,"
agad na lumingon si Hermione kay Harry.
"Wag..." ang sabi nito.
Hindi nakasagot si Harry.
"Huwag, Harry... hindi kita iiwan," ang desididong sagot ni Hermione.
Napangiti si Harry.
"Nais mo bang magsayaw?" ang tanong nito sabay tayo.
"Huh?"
Tinayo ni Harry si Hermione at nilagay ang kanyang mga kamay sa baywang ni Hermione. Sabay ang tugtog na mabagal at romantiko sa Burrow.
Inilapit ni Harry ang bibig niya sa tainga ni Hermione at ibinulong ang mga salita ng kanta.
"Some day, when I'm awfully low,
When the world is cold,
I will feel a glow just thinking of you...
And the way you look tonight."
Napangiti si Heermione, ito ang kanilang paboritong kanta at kanilang lihim na sinayaw noong Yule Ball.
Natawa siya at kanyang sinabayan ang matalik na kaibigan sa pag-kanta
"Yes you're lovely, with your smile so warm
And your cheeks so soft,
There is nothing for me but to love you,
And the way you look tonight."
Patuloy pa rin silang sumasayaw sa saliw ng kanta... nakapikit ang mga mata ni Hermione at nakangiti ang mga labi.
"Harry,"
"Hmm..."
"Napakasaya ngayon, hindi ba?" ang tanong ni Hermione.
"Oo," ang tanging sagot ni Harry.
"Sana ganito na lang lagi... alam mo iyon, walang problema..." ang sabi ni Hermione.
"Oo,"
"Harry,"
"Hmm..."
Napansin ni Harry ang lungkot sa mata ni Hermione.
"May problema ka ba?" ang tanong ni Harry sa kaibigan.
"Harry, ayaw ko nang makadagdag sa mga iniisip mo... hayaan mo na ako... wag mo nang isipin yun," ang tahimik na sabi ni Hermione
Hayaan mo na ako...
Iyon ang natatanging bagay na hindi niya maaring gawin kay Hermione dahil alam niyang kung gagawin niya iyon, hindi niya kakayanin iyon. Kung kanyang gagawing ito, para din niyang hinayaan ang buhay niya.
"Kahit kailan hindi ko gagawin yun... importante ka sa akin... mamamatay nalang ako kaysa sa pabayaan at limutin na lang kita,"
Naiiyak si Hermione at niyakap nang mahigpit si Harry.
"Salamat, Harry,"
Hindi, Salamat! Ang inisip ni Harry.
TBC
A/n: Haay... alam kong magulo yan... basta sana eh magreview kayo... wala lang flames... kung naman na-offend kayo tungkol dun sa Harry/Ginny relationship, eto lang ang masasabi ko: nasa Harry/Hermione romance category ito... kung nais niyo ng HG, dun kayo sa category niyo at hayaan nalang ninyo ang istoryang ito! Basta HHR! Haay... sana naman eh walng flames!
