Ang Magarang Bike ni Yoichi

Disclaimer: Hindi akin ang Alice Gakuen


Wow. Ang ganda ng umaga! Isang magandang araw para sa pagbike kasama ang mga kaibigan ko. Ako nga pala si Yoichi. Nasa Elementary Division ng Alice Academy. Kulayash grey(daw) ang buhok ko at nine years old.

Ngayon punta naman tayo sa bike ko. Ito ay isang super cool na mountain bike na iniregalo sa akin ni Snta Claus ko nung Pasko (nun ko lang nalaman na si Kuya Ruka pala ang "Santa Claus"). Kulay red, adjustable ang upuan, may reflector sa harapan at may basket pa. O, ano? May laban ba bike mo sa bike ko? Nyahaha…

Pagtapos kumain ng breakfast, takbo ako palabas para magamit ko na uli ang maganda kong bike. Alam ninyo ban a maraming beses na ako iniligtas ng bike na ito? Katulad nung hinahabol ako ng mga fans ko. Nyahaha…

Kapag sinasakyan ko ang bike ko, tatlong lugar palagi ang pinupuntahan ko: sa dormitory ni Kuya Natsume, sa café kung saan nagtratrabaho si at Mikan kasi palagi akong binibigyan ng paborito kong candy at sa hardin ng iskul. Ngayon, ikukwento ko ang isa sa mga adventures ko.

Nung isang araw, masaya akong nagba-bike papunta sa dorm nina Kuya Natsume, nang may nakita akong tae sa daan. Agad akong umiwas pero nalaman ko na puro tae yung daan. Hups, hi-yaahhh, wata, wachike, iwas sa mga tae. Tagumpay ako (as usual). Pagkalipas ng mga tae, tumigil muna ako at nag-pose. May narinig akong nagsabi,

"Ang kyut o!"

"Alin? Yung nakasakay sa bike o yung bike?"

"Siyempre yung bike."

Alangya. Kyut din naman ako a! Tumuloy na ako sa bahay ni kuya.

"Hnh?" Bati niya sa akin. Pagtapos naming maglaro ng lego, pumunta na ako sa cafe

Andaming tao. Successful talaga si Ate Mikan. Narinig ko yung mga tambay na nag-uusap,

"Langya pare! Hanep nung bike!"

"Oo, nga no, pards!"

"Putakte! Ang gara nung bike!"

"Kunin natin!"

Tapos naghagalpak sila habang nakatingin sa akin.

"Kamusta na ang kyut kong kaibigan?" At least may naniniwala na kyut ako. Binigyan ako ng kendi ni ate at nanood ako ng konting telebision. Biglang may naramdaman akong mainit sa likod ko. Tumapon pala sa akin yung sopas! Agad akong tumalon para bangmay kung ano mansa upuan ko habang sinusubukan bugawin nung ibang employee.

Pagtapos dun, agad akong nagbike papunta sa hardin ng iskul. Nang-bwisit, este, nag-visit pala yung mga kaibigan ko sa kwarto ko ngayon. Dumaan ako sa harap kasi ako nalang yung palagi nilang pinag tritripan. Haaayyy, hirap talaga maging kyut! Ikaw nalang palaging napapansin! Tapos sa gara ng bike kong 'to, lalo pa ako napapansin.

"Oy, iniiwasan mo pa kami,"

Haaah? Bwisit! Nabisto ako! Agad ako niyakap ng kaibigan ko. Parang python kung makayakap. Kala mo ang sweet, pero nakakamatay din. Humingi ako ng hangin ke God at agad naman ako binigyan dahil binitawan na ako.

Nahihilo ako. Naubusan na yata ng dugo at oxygen yung utak ko at hindi ko napansin na ang pinapasukan ko pala ay yung bodega. Nakamusta ko yung manikin ng kaibigan ko. Kala ko kasi siya iyon. Haaay...

At dito nagtatapos ang kwento ko.


a/n: Yep, alam ko. Korny. Inspired by da alsokorny story ng teacher ko.