Rewind..
by deathwanter
Author's Notes: Hindi ko alam kung bakit bumalik ako uli dito sa para magsulat. Basta pumasok na lang uli sa isip ko na magsulat ng ganitong mga genre sa fanfic kahit na parang kakaiba sa isang seminarista ang gumawa ng mga ganito. Pero salamat na rin sa pagbabasa at nawa kayo ay pagpalain Niya. Basta bumalik na uli ako.. hahaha!
Summary: NaruHina.. Bago ako lumaban kay Neji, may isang tao muna akong kinausap.
REWIND
i. ala-ala
Hindi ko alam kung paano ko nasambit ang mga salitang binigkas ko bago ang mga sumunod na kaganapan.
"…akala ko eh ang mga taong katulad mo ay nakakatakot dahil kakaiba ang mga ginagawa nila."
Pero huli na. Lumabas na lang sa bibig ko ang mga salita na para bang sinaniban ng masamang engkanto ang parte na iyon ng katawan ko.
"…pero ang mga tao palang katulad mo ang gusto ko."
Syit. Ewan ko kung ano na ngayon ang nasa isip ng babaeng may kakaibang mata nang sambitin ko ang mga salita na iyon. Pero hindi pa natapos dun, patuloy akong inudyukan ng masamang espiritu na iyon ng magsalita uli ako… isang salitang naghudyat ng isang hindi na mabuburang sumpa.
"…gusto kita."
Pero paanong ang isang 'inspirational' na message ng babae na iyon eh nagdala ng engkantong bumalot at pumatay sa kabang nararamdaman ko nun bago ako lumaban sa kamag-anak niyang may kakaiba ring mata? Hindi ko alam.. basta tumalikod na lang ako bago pa niya makita ang halos namumula ko nang mukha.
ii. pagkatapos kong manalo
Peste. Sugatan ako pagkatapos ng laban. Pero wala dun ang isip ko ngayon. Iniisip ko na isang milagro ang pagkapanalo ko. Iniisip kong isang panaginip lang na natalo ko ang sinasabi nilang pinakamalakas na Genin ng bayang ito. Pero hindi nakasalalay sa chakra o anu pa man ang lakas na naramdaman ko habang lumalaban ako. Pilit kong tinatanggi ang iniisip ko.. pero hindi eh.. nakasanib pa rin ang masamang engkanto na iyon at tila ba lumipat na ito sa utak ko. Bahala na kung ano ang mangyayari.. basta kung hinanap ko siya kaagad.
Pero para sa anong rason? Para magpasalamat? Hindi rin… nagawa ko na yata yun nung nag-usap kami sa training grounds na yun. Yata.. linsiyak… hindi ko na maalala kung may sinabi ba akong kahit isang uri ng salita ng pasasalamat para sa ginawa niya. Agad akong tumakbo at hinanap siya.
May alam na akong pwedeng gawin para makapag pasalamat…
iii. Ramen
"Hinata!"
Agad siyang lumingon at nagulat. Parang namutla siya at higit pa na nawala ang kulay sa kanyang mukha, maliban sa isang mapulang marka na namuo sa pisngi niya.
"N-Naruto?"
"Ah.. hehe.. nakita mo ba yung ginawa ko kanina?" eto na naman ang demonyo.. ang yabang… pweh.
Ngumit siya at agad na tumango.
"Eh.. nakalimutan ko yatang makapagpasalamat sa iyo. Hindi mo alam sa ginawa mong iyon mas lalo kong naramdaman na lumakas ako.. hehe."
Walang reaksyon.. pero mas lalong umigting ang pagpula ng kanyang pisngi.
"At para makapagpasalamat sa iyo.. magkita tayo mamaya sa Ichiraku! Ililibre kita ng pinakamasarap na ramen! Hehe.." Oo.. yun lang naman ata ang magagawa ko.. pero kelangan ko munang mangutang mamaya…
Napanganga siya.. at biglang tumawa. Isang tawang parang nanunuya. Agad akong napakamot ng ulo..
"May nakakatawa ba sa sinabi ko? Teka, kung ayaw mo ng ramen, may beefstake naman dun, o kung gusto mo eh yung mas masarap pa na pagkain.. pero.. teka ano bang gusto mo..?" Medyo nag-isip ako.. isang normal na gawaing hindi ko naman normal na ginagawa.
"Hindi na Naruto. Mas masarap na siguro ang ramen." Bigla niyang sinambit.
"Ha? Talaga..hehe.. sige magkita tayo mamaya ha! Paalam!" Agad akong tumakbo..
..at naghandang magipon ng lakas para tanggapin ang suntok ni Sakura, bago niya ako bigyan ng perang uutangin ko…
…fin…
D: Hay.. ewan ko.. salamat sa pagbabasa..hehe..
