A/N: pasensya na po.. marami po kasi akong inaasikaso ngayong mga panahong ito.. maraming salamat po sa mga sumusuporta at nagrereview dito sa aking fanfic.. :) nais ko ren pong ipaalam na baka dito at sa mga susunod na chapter, mapapansin at makikita nyo na ang lihim na pagtingin ni Sasuke sa ating bida. :)
r at r po, mga kababayan:)
Disclaimer: hindi ako ang nagmamay-ari sa Naruto. :)
Gabay:
Italics- actions, thoughts
-Bold Italics- mga epal ni Inner Sakura (at mga inner self pa ng ibang mga karakter..)
Nakaraan sa Kahit Na..
Pag alis ng lahat ng aming mga kaklase sa kwarto, nilapitan ako ni Neji at sabay binulungan.
Namula ang aking buong katawan sa nadiskubre.
Ganun pala..
Kaya pala ganoon na lamang siya makatingin..
Oh, God..
I then found out something I would be embarrassed about for the whole school year.
And that is…
At ngayon, aking inihahandog ang ikatlong parte ng aming walang patutunguhan na istorya..
And that is...
"Salamat sa pag-papasaya mo sa akin ng isang buong oras.. "
"Loved the view."
'Pakking syet..' I cursed inwardly as he kept on staring at my chest. 'para naming kasi...'
Ang aking mga mata'y nanlilisik sas galit nang tinitigan ko siya diretso sa kanyang mga mata, habang aking sinundan ang kanyang mainit na tingin pababa sa aking katawan.
Kung muka na akong kamatis kanina, muka na ako sigurong nilitchong baboy –na daig pa si Ino-pangit- by now.
Pagkatapos makita ng Hyuuga ang nakakahiyang scenario na unti-unting nalaladlad sa kanyang harapan, dali-dali siyang lumabas ng History Classroom, iniwan akong nag-iisa.
At ang kanyang nakaka-bwiset na ngiti'y naka-dikit pa sakaniyang fanget na pace, tila ayaw nang humiwalay.
Tiningan ko ang aking dibdib, at aking nahalata na sa tuwing titingin ang aking upper torso mula sa kaliwa, a noticeable amount of cleavage will be seen.
I mentally slapped ang aking malapad na noo for that.
'Akala ko ba matalino ako? Kahiya-hiya 'to para sa isang Haruno..'
'Haha. Buti naman at alam mo.. Ngayon, magkahawig na kayo ni Tsunade-sama.. Kulang nalang ay malulong ka sa sugal at mag-alaga ng isang baboy na may perlas sa leeg..' Hagikhik ni Inner Sakura.
'Heeeeeh. Syatap.' Aking sinagot, habang inaayos ang aking blusa.
'Pero grabeng Neji rin yun, ano? Biruin mo, nagustuhan yung view.. e ala naming nakita..'
'Kaya nga e.' Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.
'At saka.. maliit naman yang sayo, e.. akala ko a maganda yung taste nyan pagdating sa mga babae?'
'Oo nga— teka... e 'di parang inilalarawan mo lang any iyong sarili.. DUDE. pareho tayo ng katawan.'
'hmmmmmmmmmm... nga pala ano?'
Nang amin nang na-resolbahan ang aming inner conflict, tumayo na ako sa aking upuan and began heading out sa aming hamak na room tungo sa kung saan ako pupunta.
Ang susunod na klase ay P.E.. which means ang susunod kong destinasyon ay ang aming locker room..
na pinammugaran ng mga alipores ni Neji.
'Hindi ba ako pwedeng magpakulong nalang sa clinic?' tanong ko sa sarili, while gently massaging the bridge of my nose.
'Aah? Hinde. Ikuwento mo nalang kaya kay Hinata ang nangyari. Malay mo, mapakiusapan nya si Neji na tigilan na ang panggugulo sa iyo..' payo ng aking Inner Self.
'Himala. Kelan mo pa sinimulang gamitin yang ulo mo, ha?' pangiti kong tanong.
'Hmph. Matagal na no...teka. tingnan mo yang mga tao dyan o..'
Napatingin ako sa aking paligid.
Ngayon ko lang napansin ang mga kakaibang tingin sa'kin ng mga tao.. Halos lahat ang sasama ng mga titig nila.. ang iba nama'y 'di na papigilan ang kanilang tawa..
'Bakit kaya? May dumi ba ako sa muka?'
Inner Sakura's eyes became narrower at that. 'Malamang narinig na nila ang tungkol sa nangyari kanina nung History..'
'Holi siyeeehhhhhhht..'
Ganito ba talaga kabilis kumalat ang mga haka-haka dito sa iskwelahang ito?
Halatang si Kurenai ang nagpasimuno ng lahat.
Grabe..
Ni minsan hindi ko kayang isipin na ang isang respetadong high-ranked jounin na tulad niya ay binigyan ng Poong Maykapal ng espesyal na abilidad upang magkalat ng tsimis.. nang ganito kabilis!
At ang talagang nasaisip ko pa nama'y siya ang karapatdapat na maging role model ng mga batang chuunin tulad namin.
Tch.
"Uy, tignan nyo! Dumating rin sa wakas ang ating prosti! Hoy! Nasiyahan ka ba sa pinaggagawa sayo ng aming mahal na Neji kanina? Isang walanghiyang bitch receiving so much attention from our beloved Hyuuga?.. Tsk, tsk. How embarrassing.." A brunette in buns mockingly exclaimed.
'Teka..mukang pamilyar tong babaeng to a..'
'Yep..Oo.. isa siya sa mga walang kwentang mga tagasunod nung dimonyitang Yamanaka..'
I gave the said girl one of my ever infamous Haruno Glares.. na sinundan ng isa pa sa aking mga kabilib-bilib na Haruno Smirks...-na nakakakilabot talaga 'pag dinerekta sa'yo..-
"Ah, yun ba? Haha.. Oo naman. Salamat at iyong pinaalala sa akin. Sige, bayaan mo.. Malay natin, ikaw na ang susunod na molestiyahin niyang demonyong Neji na yan."
Pagkatapos ko sabihin ang mga salitang iyon, nginitian ko siya then she had this annoyed look na naka-glue gun sakanyang nakakasukang mukha.
'di ko akalaing I can piss someone off nang ganun katindi..
'pag may demonyita.. may demonyo.. hehe..' My inner self snickered.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad papunta sa dapat kong kalagyan. At parang sa isang pitik ng aking daliri, gumawa ng daanan ang mga nagkakagulong estudyante para sa akin.
'haha.. baka kinilabutan sa pinagsasabi mo kanina..'
'Tindi naman nun..'
'Okaya.. baka kinilabutan sa malapad mong noo!' dagdag ni Inner Sakura thoughtfully.
'Loka! Hindi kaya! Sabi ni Mama hindi malaki noo ko!' bwelta ko.
'Baka natakot siya sa gagawin mo sakanya pag nalaman mo ang totoo..' hirit pa niya.
Kahit kelan nga naman, oh..
Sa totoo lang, wala akong pake sa mga pinagsasabi ng mga tao sa akin.
May pake lang ako sa kung ano ang iniisip ng mga tao sa akin. Lalo na ng mga guro, at ng iba pang mga miyembro ng staff sa aming academy. Pati na rin ang mga bagay na iniisip nila tungo sa aking performance sa mga klase ko at ang iba pang mga school activities.
Pero..
Kahit ano pang sabihin nila..
That pakking biyatch! Ang kapal naman ng muka nya para tawagin akong isang prostitute! Hindi naman ako ganun ka desperado ano! Marami naming mga lalaki dyan sa tabi-tabi a!
'Tulad nalang ni..'
'Rock Lee.'
'Yakk.. kapal ng kilay.'
'Si Shikamaru.'
'Tamad.'
'Si Shino kaya..'
'Okei ka lang? Gusto mo bang puro ipis ang makatabi mo sa pagtulog?'
'Inuzuka Kiba.'
'Asal aso. Hiningang aso.'
'Alam ko na! Si Naruto! May pinagsamahan naman kami, di ba?'
'Amoy ramen.. Baka maglasang ramen ren yun.'
'Si Chouji. Mabait.'
'Mukang potato chips. Baka maglasang potato chips ren..'
'Si Neji kaya?'
'Aah.. Sige.. Gwapo.. Athletic—'
'Teka! Bakit siya nasali? '
'E di ba ikaw na nga nagsabi.. Gwapo naman talaga siya, hindi ba?'
'Off topic. Gaara.'
-sneers-
'Oi. Sigurado ka? Papatayin ka na niyan bago ka pa makalapit. Baka lunurin ka pa nun sa buhangin!'
'Uchiha Sasuke.'
'Kol! Gwapo, athletic rin.. campus heartthrob. Matalino. Loner. Fresh breath. Killer smile... Pero bad kisser...'
'At least hindi manyak, daverch? At pano mo naman kaya nalaman yung tungkol sa kanyang 'killer smile' at 'fresh breath' e hindi ko pa nga siya nakikitang ngumiti?'
'Kasi po, 'pag 'di kayo nakatingin, once na nakikita ka niyang bising-bisi sa pagkopya ng notes, nahuhuli ko siyang tinititigan ka at maya-maya biglaan nalang ngingiti.'
'Teka.. tama na nga ang tungkol dyan. May speech pa ikaw jan na kinakailangan pang ituloy para gumana na ang kwento.'
'weeeeeeeeeeeeeeh... talaga nga?'
'oo nga e..'
-blushes-
'sige. copy, boss.'
Okay. So I do care of what people say about me..
Pero.. kahit baligtarin man ang mundo, iniisip nung masamang siopao na yun na ako ay isang prosi! At lumabas rin sa mabaho niyang bunganga na ako daw ay isang prosti! Isang babaeng bayaran! Take note: BAYARAN!..
teka.. pareho lang yon sa prosti, di ba?
Nang nakatapak na ako sa loob ng aking destinasyon, napansin kong halos walang pagkakaiba ang mga tingin sakin ng mga kababaihan doon sa mga tao sa labas.
Arggghh... bwisit na Hyuuga. Pinapangako ko.. As in.. Pag nagkita kaming muli.. MAMAMATAY na yan.
Ano bang ginawa ko sakanila? NI hindi ko nga sila kilala e, tapos ang sasama na ng mga tingin nila sa akin.. Malamang... narinig na rin nila ang tsismis... Which is only a half true.
And baka..
Hindi..
Dahil obvious naman na lahat sila ay mga tagasunod ng bastardong manyak na yon..
Ang taong pinagsimulan ng buong kaguluhan na ito.
Tulad ng kadalasan kong ginagawa, pinagpatuloy kong muli ang aking pagpunta sa totoo kong destinasyon.
Ang aking locker.
At sa aking pagbukas dito, isang maliit na sulat ang biglang sumalubong sa akin.
Sabi sa sulat:
Muli akong nagpapasalamat sa kakaiba mong paraan upang ipakita kung gaano mo nagustuhan ang ginawa natin kaninang History sa taas ng lamesa.
Hindi mo lang alam kung gaano ako ngayon nakararamdam ng kagalakan; ang buo kong puso'y naguumapaw sa kasiyahan.
Pero alam mo kung papaano mo ako talagang mapapasaya?
Simple lang naman ang aking hinihiling mula sa iyo.
Didiretsuhin na kita.
Siguro ang makita ang iyong ALAM-MO-NA ng full view ay sapat na.
Heh!
Siguro sa mga oras na 'to puputok ka na dulot ng sobra mong pagka-asar sa mga pinagagagawa't pinagsasabi ko.
Kasalanan ko ba?
I'm just a guy who loves everything.
Lalo na ang mga babae..
At ikaw ay definitely isa sa kanila!
Yun lang naman ang nais kong iparating sa iyo.. for now..
So..
Ja ne, Sakura-CHAN!
Lust-filled looks and kisses,
Hyuuga Neji xP
Pweh! Buti naman alam nya! Siya ay talagang isang malas sa buhay ko. And bakit pa kaya nya ako kailangang bigyan ng isang sulat? Nagsayang lang siya ng tinta. Plus, napigtalan na ata ako ng limag ugat sakanya ngayong araw na ito.
And I can still picture that asshole's damned smirk behind my eyes.
Pero, napapaisip talaga ako dito sa ginawa nya.
Pano kaya nya nailusot itong sulat sa aking locker? At pano nya nalaman kung saan ito located, sa dami-dami ba naming nakasingit dito?
Or maybe, hindi siya ang nagsulot..
Baka isang girl.. Isa sa kanyang mga fangirls.. Ang pinakiusapan nyang ilagay ito dito.
Pero sino kaya iyon?
Lumingon ako agad sa aking likuran, baka kasi ang babaeng inutusan ng Hyuuga ay narito pa, ngunit sa aking pagkagulat, dahan-dahaaan nang nauubos ang mga tao. At ang konting natira ay nag-aayos na ng kanilang buhok, nakasuot na ng kanilang gym uniform.
Paubos na ang aking oras..
Kailangan ko nang magmadali!
A/N: phew! ang haba nun a.. :)) buti na lang natapos ko.. muli, no offense po talaga sa mga sumusubaybay sa Naruto.. pero kaylangan ko po talagang ipasok sa kwento yung mga 'insulto' nila Inner Sakura at ni Sakura.. patawad po.. r at r po uli, kung pupwede.. :D
